THE ONE THAT GOT AWAY

1440 Words
SUMMER's POV "Babe?" Sabay pa kaming napalingon ni Xyrus sa nagsalita sa likod. Sino naman 'to? Sinuri ko ang itsura ni babae. Maganda siya, maputi, balingkinitan, maiksi ang kulay gold na buhok, kutis mayaman, sa madaling salita chicks. Pero sandali. Siya lang yata ang hindi ex ni Xyrus? Teka, babe? Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Xyrus at sa babaeng naglalakad papunta samin. "Ey Babe, I miss you!" Sabay yakap nito kay Xyrus. Okay. Ano ako dito estatwa? Rebulto? Background? "Babe? Sino siya?" Dinig kong tanong ng babae habang tinuturo ako. Babe? Babe? Babe? Puro na lang babe! Mukha mo Baboy! "Cassey..." mahinang sambit ni Xyrus. So Cassey pala pangalan nitong babae? Okay ah. Pero mas maganda naman pangalan ko. "Babe?" Sabi na naman ni Cassey habang pinulupot ang kamay sa braso ni Xyrus. Ahas lang? "Argh! Gusto kong mag super sayans!" Biglang sigaw ko dahil sa sobrang inis. Sino ba namang hindi maiinis, eh para akong tangang nanonood lang sa kanila dito?! "Oh my god! Babe, do you know her? Ew! She's crazy." Turo sakin ni Cassey tapos nagpacute kay Xyrus. Crazy huh? "Hoy! Kanina ka pa turo ng turo sakin ah, gusto mo bang magkulang yang daliri mo?!" Sigaw ko sa kaniya. "What?" Yung kaninang mapupungay niyang mata ay biglang nanlaki. "Yang buhok mo kako pahingi naman kahit konti, isasangla ko lang, gold eh." Sarkastiko kong sagot. "You're crazy b***h!" Galit na sigaw niya at akmang sasampalin na ako. "Don't you ever try to." Ugh! Tagalog na nga lang. "Wag na wag mong susubukang idampi sa mukha ko yang kamay mo kung ayaw mong dumanak ng kulay green na dugo dito!" Pananakot ko sa kanya. "Haha. FYI b***h, red is the color of the blood, stupid!" Napangisi naman ako. Eh, LG pala 'to eh. "Sa tao, oo. Ang alam ko sa ahas kulay green eh. Stupid!" "You b***h---" "Enough both of you!" Sigaw ni Xyrus. Oh, andito pa pala siya. Kanina pa kami nagsasagutan dito pero siya, yun lang ang sasabihin? "Babe..." Si Cassey. Unli lang? "Argh! Naiinis ako sa palitan niyo ng ingles! Pwede ba? Nandito tayo sa Pinas!" Sigaw ko kaya napatingin sila sakin. "Bahala na nga kayo diyan. Puro kayo Babe! Mga pabibe! Mga baboy! Biik!!" Tapos ay umalis na ako at mabilis na naglakad palayo. Kabadtrip. XYRUS JAVI's POV Hindi ko alam kung tama bang matuwa ako sa naging reaction ni Summer. Tama ba ang napansin ko? Nagseselos siya kay Cassey? Sana nga. "Xyrus ano ba?!" Oops! Nandito pa pala si Cassey. Masyado akong nabigla sa mga nangyari. Hindi ko kasi inaasahan na bigla siyang magpapakita na parang walang nangyari dati. "What now Cassey?!" Inis na singhal ko. Hindi ako natutuwa na bumalik pa siya. "Do you know that crazy girl?!" Turo niya kung saan dumaan si Summer. "Yes Cassey. Her name is Summer, and that girl you just called crazy? b***h? Is my girlfriend." Sabi ko na akmang tatalikod na pero nagsalita ulit siya. "Haha. You're kidding right?" "I'm not. And I'm serious!" Seryoso kong sabi. "Ha! Why? Is it because---" "Enough Cassey! We're done at alam mo iyan!" Sigaw ko pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa kotse ko. "Xyrus!" Dinig ko pang sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin. Pinaharurot ko na ang kotse ko at umuwi na lang sa bahay. Pagdating sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. "Bakit ngayon ka pa bumalik? Ngayong nahanap ko na ang awawa ko, saka mo ako guguluhin ng ganito!" Tanong ko sa sarili ko habang nilalamukot ang gwapo kong mukha sa inis. *Steeeeve Daylisan's calling* "Oh?" Tipid na sagot ko. "Mukhang badtrip ka ah. Hindi ba nakascore? Hahaha!" "Ulol!" "Hahaha! Maiba tayo, bumalik na daw si TOTGA mo ah." "Alam mo na din pala. Tss!" "Oh eh kamusta?" Tsismoso talaga 'tong ungas na to. "Heto, badtrip!" "Hindi naman halata! Hahaha. Oh eh tapos?" Gago. "Ang ganda na ng moment namin ng awawa ko tapos bigla siyang sumingit ayun nag away sila, bwisit!" "Woah! Panong nag away? Hahaha! Nag sabunutan ba? Wrestling? Sayang hindi ko man lang nakita." Panghihinayang ni Steven. "Gago! Hindi yun ganun!" "Kwento mo kasi, pabitin ka eh!" "Tss. Nagsagutan lang sila.." "Hahaha. Oh edi gwapong gwapo kana naman sa sarili mo dahil pinag aagawan ka ng dalawang chicks?" Napaisip ako sa sinabi ni Daylisan. Siguro nga nagselos talaga yun si Summer kay Cassey kaya ganun na lang naging reaction niya. Maypawalk out walk out pang nalalaman. Ang cute! Napangiti ako sa naisip ko. "Hoy Ex anjan ka pa?!" Sigaw ni Daylisan sa kabilang linya. "Oo! At saka pwede ba wag mo nga akong matawag tawag na Ex! Babae lang may karapatang tumawag sakin niyan!" Sigaw ko. "Ang arte mo din e no? Nakita mo nang NICK NAME mo yan!" Sigaw din niya. "Gago! Iba ang dating pag sayo galing, kinikilabutan ako!" Maarteng sabi ko. "Bading ka kasi!" si Daylisan. "Bakla!" sabi ko naman. "Ewan ko sayo! Bye---" *tooot tooot tooot* Anak ng! Gago talaga yun. Inunahan pa akong patayin ang cellphone. Tsk *tok! tok! tok!* "Iho, miryenda kana muna sa baba." Sigaw ni manang sa labas ng kwarto ko. "Sige manang sunod na lang po ako." Narinig ko naman na bumaba na ito. Lalabas na sana ako ng kwarto ko nang may maalala ako. "Yung I.D" bulong ko. Agad ko itong hinanap sa drawer ko at... "Tada! Anjan ka lang naman pala eh, kung saan saan ka nagsisisuot baka makita ka ng daga matakot sayo. Hahaha! Ang cute cute mo dito oh." Kausap ko sa I.D ni Summer. "Pero syempre mas cute ka ngayon lalo na kapag napipikon ka sa mga pang aasar ko. Yie. Kinikilig ako! Hahaha" Para akong tangang naiihi sa kilig kapag kinakausap ko ang I.D niya. "Teka, ano kaya magandang pangalan ng mga magiging anak natin? Hmm. Juanita kaya kapag babae? Berto naman pag lalaki? Pero astig naman kapag Alfonso? How about Rodrigo? O Gorio? Hays! Ang kukyut, wala akong mapili." Maypa-pikit pikit pa ako habang nag iimagine. Sa tagal ng panahon kong naghanap sayo, nandito ka lang naman pala malapit sa lugar namin. Pero ang ipinagtataka ko, schoolmates lang pala kami pero bakit hindi ko siya nakikita sa school? Pero okay lang yan, ang importante nakita na ulit kita. Natigil ako sa pag imagine nang biglang magreklamo ang tiyan ko at tumunog ito. "Oh, maiwan na muna kita diyan awawa ko, behave okay? Kakain lang ako. Mwah!" Sabi ko sa I.D niya tapos ay binalik ko na ito sa drawer ko. "Oh Iho, kumain ka muna.." Sabi sakin ni Manang pagbaba ko. "Sige po. Ahm Manang yung kapatid ko po?" "Aba eh, nandun sa kwarto niya, mukhang busy sa pag gawa ng project. Dinalhan ko na din ng miryenda yun." "Ah, buti naman. Tara po saluhan niyo na akong kumain." "Busog pa ako Iho, nga pala magpapaalam sana ako sa'yo na mawawala ako ng ilang araw, kailangan ko kasing bantayan ang apo ko sa ospital. Kung may kailangan kayo ni Xander sabihan mo lang ako.." Mahabang sabi ni Manang. "Ano pong nangyari?" Tanong ko habang kumakain ng grahams. "Dengue Iho, ang kulit kasi ng batang iyon, kung saan saan naglalaro." Malungkot na sagot niya. "Ganun po ba? Kelan po kayo alis? Hatid ko na po kayo." Nakangiting sabi ko. "Wag na Iho. Mamaya pa naman." Nakangiting sabi niya."Oh sige, ubusin mo yang inihanda ko nang tumaba ka naman. May gagawin lang ako sa hardin." "Sige po." Sagot ko. "Kuya!" Napalingon ako sa sigaw na yun ng kapatid ko. Bwisit na bata to, papatayin ako sa gulat. "Ano ba?! Bakit sumisigaw ka?" "Kuya peram akong protactor, hindi ko mahanap yung sakin eh." Nakanguso niyang request. Ano bayan, akala ko naman kung ano. "Protactor lang wala ka?" "Hindi ko nga kasi mahanap e, hays." Pagrereklamo nito. "Abat!--- Sige na nga, maghanap ka sa kwarto ko kung may mahanap ka." Nakangisi kong sabi. "Ikaw na lang maghanap kuya!" "Kumakain ang kuya mo, may mata ka naman diba? Sige na hanapin mo na, wag kang magkakalat ah, bangasan kita diyan." Pagpapatakot ko. "Tsk." Bulong niya tapos ay pumasok na siya sa kwarto ko. After 30 min. "Ang sarap ng grahams, nabusog ako." Sabi ko habang hinihilot hilot ang tiyan. Teka, lumabas na ba si Xander sa kwarto? Hala yung I.D? Agad akong napatakbo sa kwarto ko nang maala ko yung I.D. Lintik. Baka nakita niya yun. Pag bukas ko ng pinto ng kwarto ko, napanganga ako sa hawak niya. "Kuya, what's this?" Turo niya sa hawak niyang... "It's so mabango. Hmm. Smells chocolate, what kind of balloon is this?" Wtf!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD