XYRUS JAVI's POV "Good morning handsome!" Bati ko sa kaharap ko ngayon. Hindi ko maiwasang hindi titigan ang itsura ko sa salamin mula ulo hanggang paa. Hindi maitatago na maganda talaga ang lahi namin kaya hindi magkahumaling ang mga babae kapag nakikita ako. Ang gwapo ko talaga. Haha. Bago pa ako mainlove sa sarili ko, naligo na ako para paghandaan ang lakad namin ni Summer. Saan kaya magandang pumunta? Halos naisip ko na lahat ng magagandang puntahan sa buong Pilipinas pero hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung saan ko siya dadalhin. Baka naman kasi hindi niya magustuhan kung dalhin ko siya sa... Bigla kong naalala yung mga design nung makapasok ako sa kwarto niya. Right! Alam ko na kung saan ko siya dadalhin. After a minute or two ng pagpapagwapo, heto na din ako sa bahay

