SUMMER's POV ...kung iniisip mo na gusto ko si Lyle? Oo, gusto ko siya..." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na siyang tumayo. Inangat ko ang ulo ko para tingan siya pero blanko lang ang itsura niya. "B-Bakit?" Tanong ko sa kaniya tapos ay tumayo na rin ako. Hindi niya ako sinagot dahil naglakad na siya. Balak niya bang iwan ako dito? "Hoy Xyrus! Uuwi na tayo?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya. Ano bang problema ng taong to? "Uy..." Sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya nang magkasabay na kami pero dedma pa rin ang beauty ko. Gosh! Nagmumukha akong tanga kaya tumigil na lang ako sa kakakulit sa kaniya. Tahimik lang akong nakasunod habang si Xyrus naman ay seryoso lang na naglalakad. Nang makarating na kami sa kotse niya ay tahimik pa rin siya at mukhang wala talag

