SUMMER's POV Finally, nasabi ko na sa kaniya ang nararamdaman ko. Kahit hindi niya sinabing mahal niya rin ako, nararamdaman ko naman dahil sa mga efforts niya. Sapat na yun para isipin ko na parehas kami ng nararamdaman sa isa't-isa. Nakangiti akong natulog kinagabihan at nakangiti rin akong nagising pero napalitan agad iyon dahil sa nakita ko. Mga pasa sa katawan. Dumarami ito at alam kong hindi na ito normal. Natatakot pa rin ako. Habang dumadaan ang araw, pakiramdam ko lalo akong nanghihina. Pero hindi pwede. Kailangan kong lumaban para sa Papa ko. Para sa mga kaibigan ko. Para sa sarili ko, at lalo na para kay Xyrus. Kaya kahit nilalamig, pinilit ko pa ring maligo. Nilalagyan ko na lang ulit ng conceiler ang mga pasa sa katawan ko para matakpan ito at hindi makita. Sakto lang a

