CHAPTER 8

1942 Words
Deanna Point of View Gusto matawa sa reaction ni Jema, pero nung makita kong nangingiligid ang kanyang mga luha ay bigla akong nakonsensya. "You didn't know me?" Nag-sign ako sa mga teammates ko na lumabas muna pansamantala. Tumango naman sila at isa-isa lumabas. "Sit down beside me." Sumunod naman ito. Nilagay ko ang isang kamay ko sa baywang niya. "What are you doing?" "I miss you." Nanlaki ang mata nito kaya I smiled. "Joke lang yun. Binibiro lang kita." She pinched my waist. "Ikaw!" "Hahahah! Naloko kita dun." "Nakakatampo ka." She said. "Bakit naman?" "Akala ko may amnesia ka, muntik muna ako mapaiyak." She struck my arm. "Ouch!" Lumayo ito sakin. "Hey, dito ka." "Ayoko, manloloko ka!" "Grabe ka naman." Humawak ako sa aking dibdib at umacting na nasaktan. "Binugbog na nga ako ng ex mo tapos ako pa manloloko? Grabe ka mareng Jema." "Don't call me mareng Jema dahil hindi kita fans o kaibigan." "So girlfriend muna ako?" "In your dreams." Napapout naman ako sa sinabi nito. "Paasa ka." "Kung ako paasa, ikaw manloloko." "Nakakasakit ka ng damdamin ah. Joke! Dito ka nga sa tabi ko." Hinila ko siya paupo sa aking tabi. "Nasan na siya?" I hugged her. "Sino?" "Ex mo. Grabe siya ah, muntik niya na ko mapatay." I said. "Naiintindihan ko kung magsasampa ka sa kanya ng kaso." "Hindi ako magsasampa, ayoko ng gulo." Sabi ko. "Paano kapag nalaman ng magulang mo?" "Hindi nila malalaman kung walang magsusumbong." "Hm . . Maging tayo na kaya?" Gulat akong napatingin rito. "Joke lang." I pouted again. "Mahal mo ba ko?" Biglang naging seryoso ito. "Wag muna sagutin." Tumungo ako. Hay! Bakit ko nga ba tinatanong yun? Baka nga hindi pa siya nakakamove on dun sa ex niya eh. "Oo——Oo mahal kita." I looked at her and smiled. "Alam ko napipilitan ka lang. Jema pwede ka na umuwi ngayon, hindi naman dapat nandito ka. Mula ngayon hindi na kita guguluhin pa, titigilan na kita." "Siraulo ka ba? Ilang araw pa lang natin kinikilala ang isa't-isa, susuko ka na agad?" "Jema lalo lang ako mahihirapan kapag lumala ang feelings ko sayo, ayoko 'to lumala kaya ngayon pa lang ay pipigilan ko na." I said. "Cge tigilan na natin ang pagkilala sa isa't-isa." That word is painful for me. "Maging tayo na." "What?" "Maging tayo na tutal nakilala na rin naman kita, maging tayo na lang kesa mawala ka pa sakin." "Seryoso ka ba?" Gulat kong tanong. "Oo." Jema Point of View Ewan ko pero hindi ako nagsisisi sa pagiging kami ni Deanna. Actually ang saya ko pa nga eh kasi kami na. Mas maganda talaga kapag may pinanghahawakan kang 'kayo' na. "Hey. Totoo ba talaga? Can you slap me para malaman ko kung totoo ba talaga?" Sinampal ko naman ito. "Okay na?" "Wahh! Totoo nga." Sabay yakap nito sakin. "Akin ka na nga, Bb." "Hoy Wong! Ingay mo." Sabi ni Ponggay. Nandito pa rin sila yung iba lang umuwi, naiwan rito si Mads, Dani and Ponggay. "Kayo na?" "Yes." Sagot ko kay Dani. "Wahh! Congrats." Sabay thumbs up niya. Tumango lang ako. Maya't-maya ay tumayo na si Maddie, Dani at Ponggay. "Jema uuwi ka ba?" "Hindi. Dito lang ako baka bukas na ko umuwi." "Uwi na kami, balik kami rito bukas pagtapos ng class namin." "Cge lang." Isa-isa nilang hinalikan si Deanna sa ulo bago nagsi-alisan. "Nasan si ate Alex?" "Umuwi na kanina pa." Kinumutan ko ito tapos ay hinalikan ko sa noo. "Matulog ka na." "Saan ka matutulog?" "Edi sa couch." Sabay turo sa hindi kalakihan na couch. "Teka lang." May tinawagan ito tapos ay maya-maya may pumasok na doctor. "Ms. Deanna tara na po." "Doc saan po punta?" Tanong ko. "Lilipat po tayo sa ibang room, sunod na lang po kayo." May pumasok na dalawang nurse at inupo si Deanna sa wheel chair. "Tara na po." Sabi nung isang nurse. Kasabay ko si Doc sa paglalakad at si Deanna ay nasa harap namin tulak-tulak ng isang nurse. Umakyat kami sa 13th floor, pumasok kami sa isang kwarto. "Dito na po ang room mo ms. Wong. Okay na po ba?" "Yes, makakalabas na kayo." Tumango naman ang dalawang nurse at doctor saka sila lumabas. "Bakit dito?" Nilibot ko ang tingin ko. Medyo malaki ang kama, sakto para sa dalawang tao. May malaking TV rin na nakadikit sa dingding at couch na mas malaki kesa sa kanina. "Para makatabi kita sa pagtulog." Tinapik nito ang gilid niya. "Let's sleep." "Huh? Ayoko." "Bakit naman? Wala naman akong sakit na nakakahawa." "Mamaya kung ano pang gawin mo sakin." "Grabe ka, mabait kaya ako Bb." Tumungo ako sa couch. "Matulog ka na, dito na lang ako." "Hay! Cge goodnight." I woke up early para pag-gising ni Deanna ay may breakfast na. Pinaka-malapit ay jollibee so doon ako bumili. Pagbalik ko sa hospital ay gising na si Deanna. "Where have you been?" "Morning." Nilapag ko sa table ang food. "Are you hungry?" "Hindi pa." "So mamaya na yan." Umupo ako sa bed niya. "Kumusta pakiramdam mo?" "I'm okay." She grabbed my hand and kissed it. Tinulungan ko siya makapunta sa CR para makapaghilamos. Nang sumapit ang lunch ay dumating na si Maddie kasama na si Bea at Ponggay, may dala sila samin na lunch so hindi na ko lumabas pa. "Uhm Mads, Bea, Ponggay uwi na muna ako, may training ako eh." "Baka hanapin ka ni Deanna." Sabi ni Bea. Napatingin ako kay Deanna na kasalukuyan natutulog. "Babalik ulit ako rito pagtapos ng training ko." "Cge. Ingat ka." Sabi ni Pongs. Tumango at ngumiti lang si Maddie. I took my phone and wallet tapos ay umalis na. Umuwi muna ako sa apartment para kunin ang gamit ko saka tumungo sa CMS-Asia. "Hi Jema." Ate Ly said. "Kumusta Deanna?" Risa asked. "Maayos naman." Sagot ko at nilapag ang aking bag. "Buhay pa ba si bata?" Ate Jia asked. "Oo naman, Jia. Pinapatay mo na agad si Deanna." Sabi naman ni coach Karlo. Tawanan naman kami. Maya't-maya dumating na si coach Tai, hudyat na kailangan na namin ihanda ang aming katawan. "Water break!" Naupo ako sa bench at kinuha ang aking gatorade sa bag. "Tired?" Napatingin ako sa taong nagsalita. "Opo." Si ate Ivy pala. "Na-injured ka dati, diba?" Tumango naman ako. "Tama nga yung sabi ng iba na hindi porket na-injured ka, end na ng career mo. Lalo kang lumakas, napaka-galing mo." Hindi ko naman maiwasan mamula, hindi ako sanay na sinasabihan ng ganito lalo na kung yung tao ay malapit sakin. "S-salamat ate I-ivy." Nang matapos kami mag-training ay nagpaalam agad ako. Tumawag kasi sakin si Bea at sinabi na hinahanap ako ni Deanna. "Nasan siya?" Naabutan ko si Bea palabas ng kwarto ni Deanna. "Ah nasa loob, umuwi na si Pongs at Maddie. Uwi na din ako, mamaya pupunta yung ibang lady eagles rito." "Cge. Mag-iingat ka." Pumasok na ko sa loob. "Bb!" I kissed her forehead. "Sorry ah, ngayon lang natapos training ko." "Okay lang. Teka, umuwi ka na ba?" "Hindi pa, dumeretso agad ako rito." "Bakit hindi ka muna umuwi?" She asked. "Eh hinahanap mo daw ako eh." "Hindi ah, tinanong lang kita." "Ganun na din yun." I pinched her cheeks. "Are you hungry?" Nilapag ko sa couch ang gym bag ko at naupo sa tabi niya. "Pinakain na ko ni ate Bea." "Good. So matulog ka na." "Tulog agad? Seven pa nga lang eh." She pouted. "Abot mo nalang phone ko, lalaro ako." I took her phone and binigay sa kanya. "Maliligo muna ako." Tumango naman ito at hindi man lang ako tiningnan. Tumungo na ko sa CR at naligo. Nang matapos ako ay tumabi ako sa kanya ng higa. "Bukas lalabas ka na rito." "Yeah, mabuti nga yun. Ayoko rito, ayoko nung amoy." "Papasok ka na ba agad?" I asked. "Hindi pa, kinabukasan na." "Nga pala alam ba ni coach Oliver yung nangyari sayo?" "Yeah, tumawag siya sakin kanina. Sabi niya ay magpagaling lang daw ako agad tapos siya na daw bahala sa mga professor ko." She said. "Mabuti naman." I sighed. "Pagod ako." I leaned my head on her chest and hugged her. Dahan-dahan pumikit ang aking mata hanggang sa nilamon na nga ako ng antok. Deanna Point of View Naramdaman kong bumigat ang paghinga niya kaya tiningnan ko siya. Napangiti ako nang makitang tulog na ito. Nag-vibrate ang phone ko hudyat na may tumatawag. "Hello?" "Deans, nandyan si Jema?" "Yes." I said softly. "Bakit bumubulong ka? Napipi ka ba, Deans?" "Tulog si Jema." "Ikaw ah. Cge punta kami diyan nila Aly at Jho." Hindi na ko sumagot pa at pinatay na ang tawag. Ang ingay talaga ni ate Jia, mabuti natitiis siya ni kuya Miguel. After an hour dumating na nga sila at naabutan nilang tulog si Jema. Nag-sign ako na tumahimik at inayos ang pagkakahiga ni Jema. "Ano bang ginagawa niyo rito mga ate?" Umupo ako. "Bawal ka ba bisitahin?" Taas kilay na tanong ni ate Jho. "Hindi naman." Mahina lang ang pag-uusap namin kasi natutulog yung ka-stare down ko. "Wong, bakit nakahiga si Jema sa dibdib mo?" Ate Jia asked. "Kasi kami na." "WHAT?!" Sabay nilang sigaw. "Hm . ." Nagising tuloy ang mahal ko. "Ay nandyan pala kayo." "Jema, totoo ba yun? Kayo na?" Napatingin naman sakin si Jema kaya tumingin ako sa ibang direksyon. "Ah oo ate Jia, kagabi lang." "Ang bilis ah." Sabi ni ate Jho. "Uy Wongskie! Wag mo sasaktan si Jema ah? Malalagot ka sakin." "Yes ms. Morado." I said politely. "Naku wag ka matakot kay Jia, Wong. Pagkain lang katapat nito." Ate Jho said so I laughed. "Ikaw talaga ate Jho." Naiiling kong sabi. "Pupunta ka pala dito ate Jia, hindi ka man lang nagsabi." My Bb said. "Hm . . Akala ko nga wala ka rito eh. By the way kailan ka lalabas rito, Wong?" "Bukas na." "Kaya mo na ba?" Ate Jho asked. "Oo ate." "Hindi ba lalabas yan, Wong? Malaking gulo yan kapag nalaman ng fans mo." Ate Jia said. "Hindi naman siguro ate. Kahit naman anong gawin mong kalokohan sa ateneo, wala naman lumalabas." "Sa bagay mahigpit naman sa ateneo eh." Makalipas ang ilang oras ay dumating naman si Syd, kasama nito ang ilan sa men's volleyball team. Ngayon na ang labas ko sa hospital, kasama ko si ate Maddie at Ponggay. Wala si Jema eh, may training siya ng morning. "Wong, may gusto ka ba daanan?" "Wala te Mads." Tumango naman ito. Nasa kalagitnaan kami ng traffic nang biglang tumunog ang phone ko. Si mom pala. "Hello mom?" "Anak, kumusta ka na?" Mom asked me. "Maayos naman. Kayo?" "Maayos naman. Pasensya na ngayon lang ako nakatawag, dami kasing gawain tapos yung mga kapatid mo inaasikaso ko." Mom said. "Okay lang mom, I understand." "Cge Sachi lagi ka mag-iingat. Love you always, remember that." "I love you too, mom." I said and ended the call. After a few minutes nakarating na din kami sa ateneo. Dumeretso kami sa BEG kasi gusto daw ako makausap ni coach O. "Coach O, bakit po?" I asked "Deanna, kumusta ka na? Maayos na ba ang lagay mo?" "Oo naman po." "Sino ba ang may gawa niyan?" He asked. "Si Fhen Emnas po." "Fhen? Setter ng adamson?" He asked. "Opo. Ex po siya ni Jema kaya galit siya sakin." "Bakit? Ano bang mayron sa inyo ni Jema?" "Uhm . . Coach kasi kami na, nung isang araw lang." "Ah . . I understand. Cge makakauwi ka na, magpahinga ka ng mabuti para maging maganda ang training mo sakin sa June." "Yes coach, salamat." I said. Pagdating ko sa dorm ay nagpahinga agad ako. Nakakamiss. Pangit talaga kapag nasa hospital ka. Ayoko na ma hospital, last na talaga yun. Char!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD