CHAPTER 7

1921 Words
Jema Point of View Sakto pagtapos ng training ay dumating si Deanna. "Hi mga ate." "Hi Deans." Ate Jia said. "Ayan na yung baby girl mo mareng Jema." Kyla said. "Hahahah! Baby girl daw." Sabi ni Coleen. "Bakit? Baby pa naman talaga si Deanna eh." Kyla said. "Oo nga, nineteen years old lang yung bata." Sabi naman ni ate Ly. Hinila ko si Deanna palayo sa kanila. Jusmiyo! Lakas mang-asar. "Aga mo dumating ah." "Maaga natapos yung shoot eh." "Anong shoot?" Kunot noong tanong ko. "Ah . . Sho . . Shoot. Shooting star." "Huh? Nababaliw ka?" "Hehehe. Tapos na yung training niyo?" Tanong niya at inakbayan ako. "Oo. Dun ka muna kila ate Ly, mag-shower muna ako." Kinuha ko sa gym bag ko yung pamalit kong damit at tumungo na sa shower room. Nang matapos ako mag-shower ay binalikan ko na si Deanna. "Aalis na po kami." "Bye. Ingat." Hinila ko na si Deanna palabas ng CMS-Asia. "Saan tayo?" "Kahit saan." Pinaandar ko na ang kotse. "Kamusta school mo?" "Maayos naman." "Hm . . Merienda ka na? Merienda tayo." Aya ko. "Cge." "Daanan natin si Celine tsaka Tots." "Celine Domingo?" She asked. "You didn't know her?" "Kilala ko siya." "Hm . . Okay." I said. Una namin pinuntahan ay si Tots. "Mareng Jema." Napatingin ito sa kasama ko. "Opps! Mukhang double date. Hi Deanna." "Hello." "Hindi ba kayo close?" I asked while driving. "Uhm . . Nagkakausap minsan pero hindi ganun kadalas. Si Bea ang pinaka-close ko sa ateneo." Tots said. "Ah okay." After thirty minutes ay nakarating na din kami sa tapat ng dorm nila Celine. "Wahh! Mareng Jema." Sabay yakap nito sakin. "Celine." "Babe ako ang girlfriend mo, hindi si Jema." Sabay hatak ni Tots kay Celine. Natawa na lang si Celine. "Oh Deanna, nandito ka pala. Double date pala, hindi mo sinabi mareng Jema." "Hindi pa kami ne'to." Binigay ko kay Tots ang susi ng kotse ko. "Ikaw naman magdrive." Pumasok kaming dalawa ni Deanna sa backseat. Tumungo kami sa isang restaurant, resto kami magme-merienda. Mahirap na, mukhang hindi sanay si Deanna kumain ng pagkain sa labas. "So kailan magiging kayo?" "Grabe naman yan tanong mo, Celine." Deanna said. Natawa naman kami. "Bakit? Sabi sakin ni mareng Jema, gusto niyo daw ang isa't-isa. So bakit hindi pa kayo?" "Kinikilala pa namin ang isa't-isa, Celine." I said. "Naku dami niyong arte. Iiyak ka mareng Jema kapag nakahanap ng iba si Deanna." Sabi ni Tots. Sinipa ko ang paa nito at inirapan siya. "Kung makakahanap siya." "Talagang makakahanap yan, dami nga nalilink diyan kay Deanna eh." Celine said. "Hoy kayong Dalawa, pinagtutulungan niyo ko ah." Napatingin ako kay Deanna na tumatawa. "Anong tinatawa mo diyan?" "Wala. Ang cute mo pala." Ang pagiging kunot ng noo ko ay unti-unting nawala at napalitan ng pamumula ang aking mukha. "Aguy. Kinilig ang ating mareng Jema." Tots said. Hindi ko sila pinansin, nakatulala lang ako. Cute daw ako? GOSHH! Kung ako lang mag-isa baka sumigaw na ko. PUSO KO GUSTO NA LUMABAS Deanna Point of View Alam ko kinilig si Jema pero syempre ko hindi ko siya aasarin, baka masakal niya pa ko kapag inasar ko siya. "Kinilig sayo si mareng Jema, minsan lang kaya yan kiligin." Nandito kami sa bay walk naglalakad, nasa unahan namin si Celine at Jema. "Alam ko." "Nagkagulo ang mga tao nung malaman na hiwalay na si Fhen at Jema, maraming nag-confess kay Jema pero ikaw lang ang tanging in-entertain niya." "Ang swerte ko nga. Hindi ko alam na magkakagusto ako agad sa kanya dahil lang sa staredown." I said. "Hindi ko akalain na ganito ka rin pala, akala ko nung una straight ka. Pareho lang pala tayo nila Bea." "Matagal na kong ganito pero hindi ko inaamin. Tanging teammates ko lang ang may alam sa s****l preference ko." "Mga ate mo? Mama at papa mo hindi alam?" Umiling ako. "Bakit hindi ka umamin? Natatakot ka?" "Hindi. Siguro kapag naging kami na ni Jema tsaka lang ako aamin sa family ko." "Cge. Goodluck." She said. Maya't-maya ay nagkayayaan na umuwi. "Dito na lang din ako Jema." "Kayo ah." Rinig kong sabi ni Jema bago paandarin ang kotse. "Tulog ka muna." "Siguro balak mo ko rapin kaya pinapatulog mo ko." Nakita ko sa salamin na masama ang tingin nito sakin. "Nagbibiro lang ms. Galanza." "Tsk!" Sabay irap niya. Natawa na lang ako. Cute niya talaga kapag umiirap. Pinikit ko ang aking mata at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. "Deans." I slowly opened my eyes. "Hm?" "Nandito na tayo." Nilibot ko ang aking paningin. Nandito na pala kami sa tapat ng eliazo dorm. "Maraming salamat." "Walang anuman. See you on Saturday." "Bakit saturday?" "Kasi saturday ang training namin ulit sa BEG." She said. "So hindi pala tayo magkikita ng ilang araw." "May technology naman, diba? So makakapag usap pa rin tayo." Tumango ako at dahan-dahan nilapit ang aking mukha. "Bye." I kissed her cheek and bumaba na ng sasakyan niya. Hinintay ko mawala sa paningin ko ang kotse niya bago nag-decide pumasok sa loob ng dorm. Wala pang tao. Dapat pala mamaya pa ko umuwi, edi sana magkasama pa kami ngayon. Makatulog na nga lang ulit. Malapit na sana ako makatulog kaso bwiset na Ponggay. Nag-ingay habang papasok. "s**t ka naman, Gaston. Bakit ba ang ingay mo?" "Sungit mo naman. Porket may Ricci at Jema ka." "Tigilan mo ko ah." "Hahahah! Sino ba talaga? Si Ricci o si Jema?" Umupo ito sa kanyang kama. "Hindi ako ang may tanong niyan, kundi ang mga fans mo." "Malalaman natin in the future, sa ngayon ay tumahimik ka muna dahil matutulog ako." Sabi ko at muling humiga. Nagtakip ako ng unan sa mukha saka pinikit ang aking mga mata. Two Days Later . . . . Nang matapos ang klase ko ay nagpasama ako kay Luigi bumili ng perfume. "Kamusta relationship with Jema Galanza?" Tanong niya habang nagdadrive patungo sa UPTC. "Wala pang kami." "Nalaman niya ba yung tungkol sa upfront?" "Hindi. Hindi ko sinabi, muntik na nga ako mabuko kahapon." Sabi ko. "Bakit hindi mo sinabi? Natatakot ka? Nahihiya ka?" "Hindi. Ayoko lang talaga sabihin." "Sus, natatakot ka sa magiging reaction niya." "Argh! Bakit ba laging tama ka, Gi?" Inis kong tanong. "Kasi lagi kang mali." "Grabe ka naman." Tinawanan lang ako nito. Nang makarating kami sa UPTC ay dumeretso kami sa H&M. Doon kami bumili ng versace bright crystal perfume ko then bumili din si Gi ng damit niya. "Let's eat." He grabbed my hand so magka-holding hands kaming naglalakad. 'Sweet naman nila.' 'Sila? Bagay sila.' 'Akala ko ba Deancci?' Ilan yan sa mga narinig kong sinasabi ng mga tao habang dumadaan kami ni Luigi. "Mga chismosa talaga." "Hayaan mo na. Sikat ka kasi kaya ganyan." Sabi niya. "Makapagsalita ka parang ikaw hindi." "Hindi naman talaga." "Ay ewan ko sayo." Sabi ko. Kumain kami sa starbucks tapos ay bumalik na kami sa ateneo. "Deans dito na lang, may pupuntahan pa ko eh. Malapit na rito dorm niyo." "Cge, salamat Gi." Tinap ko ang shoulder niya tapos ay bumaba na ng kotse niya. Nakangiting pinagmamasdan ko ang paligid habang naglalakad. "Deanna." Nilingon ko ang gawi ng taong tumawag sakin. Seryoso siyang nakatingin sakin at nakikita ko sa mata nito ang galit. "Yes ms?" "I know you know me." Lumapit ito sakin hanggang sa three inches na lang ang pagitan. "Alam ko alam mo kung anong meron sa past namin ni Jema. Gusto ko layuan mo si Jema." I crossed my arms. "Sino ka para utusan ako?" Halatang nanggigigil ito dahil nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Nanlilisik ang kanyang mata. "Layuan mo siya, sa akin si Jema. Mahal na mahal ko siya, layuan mo na si Jema para bumalik siya sakin. Pag hindi mo siya nilayuan, may mangyayari sayong masama." I smirked. "Hindi ko siya lala——" Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay naramdaman ko na ang kanyang kamao na dumapo sa mukha ko. Shit! It hurts. "b***h!" She punched me again so napahiga na lang ako sa sahig. "St . . op." "Asshole! Hindi magiging kayo ni Jema!" She punched me again and again hanggang sa naramdaman ko na lang na puro dugo na ang mukha ko. Hindi ko . . . na kaya . . . Mamamatay . . na . . . ata ako. "DEANNA!!" Nakita kong may humila kay Fhen pero hindi ko maaninag ang mukha dahil puro dugo ang mukha ko. I took my handkerchief and wiped my face. Dahan-dahan kong nasilayan ang taong nasa harap ko. "Deanna, are you okay?" "Jema." Ngumiti ako at dahan-dahan pinikit ang aking mata, hindi ko . . . na talaga kaya. Jema Point of View Nandito ako ngayon sa ateneo para makita si Deanna pero wala daw 'to. Si ate Alex ang kasama ko, naisipan na lang namin maglakad-lakad. Hanggang sa . . . Nakita namin si Fhen na may binubugbog. Nung una hindi ko kilala pero nung malapit na kami ay napamura na lang ako. "DEANNA!!!" Hinila ko si Fhen at dali-daling hinawakan si Deanna. "Deanna, are you okay?" "Jema." Yun lang ang sinabi niya at dahan-dahan ng pinikit ang mata nito. "Ate Alex, kailangan natin siya dalin sa hospital." Napatingin ako sa mga ibang student. Nagpatulong ako sa kanila na buhatin si Deanna papasok sa sasakyan. Si ate Alex na ang nagdrive, baka maaksidente pa kami kung ako ang magdadrive. Napayakap na lang ako kay ate Alex dahil sa takot. "Shhh . . Everything will be okay." "Kailangan malaman ng teammates niya." I said. Nanginginig pa ang kamay ko habang dinadial ang number ni Maddie. "Hello?" "Mads si Jema 'to, sinungod ko si Deanna sa hospital." "WHAT? ANONG NANGYARI?!" "Mamaya ko na sasabihin basta pumunta na kayo rito sa st. Luke's." Pagtapos ay binaba ko na. ARGH!! It's my fault, bwiset na Fhen 'to! Hindi ko akalain na magagawa niya yun kay Deanna. Kapag may nangyari talagang masama kay Deanna, may mangyayari sa kanya. Maya't-maya lumabas ang isang doctor sa ER. "Doc kamusta na siya?" "Okay na siya, ililipat na siya maya-maya ng room." Sabay alis nito. Napayakap na lang ako kay ate Alex. "Sabi sayo eh, wag ka na umiyak." Habang nagkine-kwento ko kila Mads ang nangyari ay makikita mo sa mga mata ng teammates ni Deanna ang galit. "Humihingi ako ng pasensya, dahil sakin nangyari ang bagay na iyan kay Deanna." "Wala kang kasalanan ate Jema." Dani said. Hindi umimik si Mads so nag-decide na lang ako lumabas ng kwarto ni Deanna. Kailangan ko ng hangin, sa tingin ko mauubusan ako ng oxygen sa katawan. "Bakit lumabas ka?" "Labas muna tayo." Tumango naman ito at naglakad na kami. "Nagalit sila sayo?" "Hindi naman. Nga pala tinawagan mo na ba si ate Jia at ate Alyssa?" "Oo. Nasabi ko na sa kanila, okay lang daw sabi ni coach Tai." Tumungo kami sa canteen ng st. Luke's at kumain, hindi pa pala kami nagme-merienda. "Anong balak mo?" "Kanino?" "Sa ex mo. Grabe pala yan si Fhen, akala ko mabait yun. Nag-iiba katauhan niya kapag galit siya." "Yeah. Hindi naman ako ang sinaktan niya so wala akong karapatan para kasuhan siya o anuman. Si Deanna lang ang may karapatan na gumawa noon." Sabi ko. Nang matapos kami kumain ay binalikan ko na si Deanna. Naabutan ko ito na nakasandal at gising na. "Gising ka na pala." I smiled. "Sino ka?" Ang tanong na yun ay parang gumuho ang aking mundo. She didn't know me? Bullshit! Hindi pa nga kami nagsisimula, may problema na agad. She lost her memory . . . ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD