CHAPTER 4

1978 Words
Jema Point of View Five Days Later . . . . . Limang araw na ang nakaraan mula nung mag-sign off ako sa UAAP and ngayon ay nagtra-training na ulit ako sa creamline, kakapirma ko lang ng contract nung isang araw. "Jema, sama ka sakin." "Saan ate?" I asked to ate Ly. "Ateneo. Para makita mo si Deanna." Bigla naman akong namula sa sinabi nito. "Sinong Deanna?" Tanong ni ate Pau. "Deanna Wong. Ang agila na Nag-stare down sa isang Falcon." Sabi ni ate Jia. "Wah! Anong meron sa inyo friend?" Tanong ni Kyla at kumapit pa sa braso ko. "Wala." "Weh? Namumula ka, Jema." Sabi ni ate Mel. "Wala po talaga." "Weh? Sabi nga sakin ni Deanna tinext mo daw siya nung pagtapos natin kumain sa labas." Sabi ni ate Jia. "Ate Jia naman. Tinext ko lang siya, yun lang yun. Isa pa hindi na kami nagtetext ngayon." "Kaya pala masungit ka." Sabi ni ate Ly at ngumisi. "Hindi ah." "Hahahah! Nagde-deny si mareng Jema." Inakbayan ako ni ate Ly. "Sama ka na para hindi ka maging masungit." Hinatak na ko nito kaya wala akong nagawa kundi sumama rito, kasama din namin si ate Jia. Bakit ba nila ako inaasar kay Deanna? Dahil ba sa pag-ship ng mga tao samin? Eh may Ricci na nga yun eh. Mga tao nga naman oh. Basta kung ano yung makita, pinaniniwalaan agad. Makagawa lang ng mga issue, masasaya na. "Hi Deanna." Bati ni ate Ly rito nang makita ito. Tahimik lang ako sa likod nung dalawa. "Uy Jema, hindi mo ba babatiin si Deanna?" Hay na ko! Si ate Jia talaga. "Hi Deanna." "Grabe hi lang? Walang beso?" Argh! Pati si ate Ly dumagdag pa. "Ate Ly, ano palang ginagawa niyo dito?" Rinig kong tanong ni Deanna. Nandito kami sa isang cafeteria ng ateneo. Inaya kami ni Deanna maupo kaya naupo kami, nagkunwari na lang ako na may ginagawa sa phone. Na-awkward kasi ako eh. "Gusto ka makita ni Jema, Deans. Ganda mo talaga, mana sakin." "Morado mahiya ka naman, ang layo ng mukha ni Deanna sa mukha mo. Siya maganda, ikaw maitsura lang." "Grabe ka talaga, Valdez." "Hi." Napatingin ako sa katabi ko. "Tahimik mo." "Ah . . Wala naman kasi akong sasabihin." "Ayieee! Nag-uusap na sila. Deanna ikaw muna bahala kay Jema, may pupuntahan lang kami saglit ni Jia." Nakita ko naman ang pag-kindat sakin ni ate Jia. Sabi ko na nga ba eh! Dapat hindi na ko pumayag sumama. "Pasensya na kung inaasar ka nila sakin ah. Na-awkward ka ba?" "H-hindi naman." "Kumain ka na ba?" She asked. "Hindi pa, pumunta agad kami rito pagtapos ng training eh." "Wait lang, oorder ako." Akmang tatayo ito pero hinawakan ko siya sa kamay. Mabilis ko rin binitawan kasi para akong nakuryente "Wag na. Busog naman ako." "Busog? Sabi mo hindi ka pa kumakain. Paano ka nabusog?" She asked. "Basta. Wag na." Bigla naman kumulo ang aking tiyan, narinig ko ang impit na tawa nito. "Gutom ka na. Cge na hayaan muna ako." Tumayo na ito at umorder sa isang food stall ng pagkain. Pagbalik niya ay may dala na siyang tray. Deanna Point of View Nilapag ko ang tray na bitbit ko. "Salamat." Ngiti lang ang sinagot ko at nagsimula na kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang dumating si ate Ly. "Saan si ate Jia?" I asked. "Nasa labas, kausap si Marck." Umorder rin si ate Ly at sinabayan kami ni Jema kumain. "Deans, kamusta ang team?" "Ito ang hirap, basang-basa yung galaw namin eh." "Kailan laban niyo sa against FEU?" She asked. "Next week." Tahimik lang si Jema na kumakain sa gilid ko. Ang seryoso niya po. "Galingan niyo, sana mabalik na ninyo yung championship." "Sana nga ate." Maya't-maya dumating na din si ate Jia. "Grabe, hindi niyo man lang ako inorder." "Bakit nagbigay ka ba ng pera?" Ate Ly asked. "Deans libre mo ko." Dahil mabait na bata ako, inabutan ko ito ng pera. "Yiee! Salamat, don't worry tutulungan kita kay Jema." Napailing na lang ako at hindi mapigilan na ngumiti. Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw na ata ako. Lagi na lang si Jema ang nasa isip ko. Hindi kaya may gusto nga talaga ako sa kanya? Pero imposible naman kasi na magka-gusto agad ako sa kanya. Isa pa hindi ako madali magka-gusto sa isang tao. "Deans, nababaliw ka na ba?" "Huh?" Wala sa sariling napatingin ako kay ate Ly. "Ngumingiti ka mag-isa diyan. Ang creepy mo." Nandito na rin pala si ate Jia, hindi ko man lang namalayan. "Ikaw ba naman makatabi si Jema, hindi ka ba ngingiti?" "Bakit ba trip niyo kaming dalawa?" Kunot noong tanong ni Jema. Naku patay! Inis na ata. "Bagay kasi kayong dalawa." Sabay sabi nung dalawang tao na nasa harap namin. Napailing na lang ako at hindi na nakisali sa kanila. Ayoko baka pati sakin mainis si Jema. Ayoko nun. Nang matapos kami kumain ay naglakad-lakad kami sa campus, ayaw pa nila umalis eh. Nasa harap silang tatlo, ako ay nasa likod lang. "Uy Jema samahan mo naman si Deanna." Napaka-kulit talaga ni ate Jia. "Ate Jia hindi pa ba kayo aalis?" "Kami ni Ly? Oo aalis na rin kami mamaya para masolo mo si Jema." Napasimangot naman ako. "De joke lang." So ayun nga maya-maya umalis na din sila, bigla tuloy akong nalungkot. "Good luck sa game niyo." "Nalungkot si Deanna." Inirapan ko na lang si ate Jia. "Jema kiss mo muna si Deanna para makaalis na tayo." "Ate Jia." Pinanlakihan ko ito ng mata. "Cge na, Jema." Sabay tulak nito kay Jema kaya sumubsob siya sakin. Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko at ang aking katawan ay hindi mapakali, parang may nagwawala sa aking tiyan. "Are you okay?" "Yeah." Nagulat ako sa ginawa nito. OMG! She kissed me on my cheek. "WAHHHH!!!" Hindi ako nakapagsalita agad hanggang sa nakita ko na lang siya sa loob ng kotse. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko ine-expect na gagawin niya iyon. Jema Point of View "Grabe ka mareng Jema, hindi namin inexpect ni Ly na gagawin mo yun." "Nakakahiya nga eh." "Gusto mo ba si Deanna?" Tanong ni ate Alyssa habang nagdadrive pabalik sa CMS-Asia. Dun ko iniwan yung kotse ko eh. "Ewan." "Ewan? So meron nga?" "Ewan ko nga eh." "Naku pag naging kayo ni Deanna botong-boto ako, mabait yun si Deanna." Sabi ni ate Jia. "Halata naman ate Jia." "Maraming naghahabol kay Deanna, lalaki man o babae. Nga pala pareho kayo nun bisexual kaya walang problema." Ate Jia said. "Kung ako sayo Jema, kung may gusto ka kay Deanna magsimula ka na kumilos dahil maraming kaagaw ka. Lalo na't ngayon may kumakalat na picture nilang dalawa ni Ricci." Ate Ly said. Natahimik naman ako sa sinabi nilang dalawa. Gusto ko ba si Deanna? Hm . . Hindi naman malabo na hindi ko magustuhan si Deanna, mabait si Deanna at halata mo rin na sweet siya. Pero gusto ko nga ba? Ang hirap lalo na't ngayon ay ginugulo ako ni Fhen, araw-araw niya akong pinapadalhan ng flowers. Minsan pa nga ay pumupunta ito sa gym namin para kausapin lang ako pero dinededma ko ito. Naka-move on na ko sa kanya, ayaw ko lang talaga siya makausap. "Cge na, kita kits na lang ulit bukas." Sabi ni ate Jia at sumakay na sa kanyang kotse. Pagkaalis nilang dalawa ay ako naman ang umalis. Dumeretso ako sa UST, che-check ko si Mafe. "Hi ate maganda." "Kamusta ka?" Niyakap ko ito. "Okay naman ate. Ikaw? Sexy mo ah." She said. "Inggit ka? Pa-sexy ka rin." "Sexy na ko." She said. "Kumain ka na ba? Kumain ka ng mabuti ah, paghusayan mo ang iyong paglalaro at pag-aaral." "Yes ate." Sabay saludo nito. "Nag-merienda ka na ba?" "Hindi pa nga eh." "Tara." Pinagbuksan ko ito ng pinto saka pumasok sa driver seat. Dinala ko ito sa The Food Truck Manila, doon kami kumain. "Ate ang saya talaga rito sa manila." "Hindi rin, mas maganda sa laguna." Sabi ko. "Oo nga pero rito kahit madaling araw na may mga tao pa rin sa labas. Hindi katulad sa laguna na pagdating ng eight halos wala ng tao." "NCR kasi 'tong manila. Isa pa kaya maraming tao rito, madami kang pwede pagtrabahuhan sa manila." Sabi ko. "Nga pala ate, shiniship kayo ni ate Deanna ah. Nakakainlove yung staredown niyo sa isa't-isa." "Naku nakakainis nga eh. Parang yun lang tapos ginawan nila agad ng issue." "Ang cute niya kaya lalong lalo na si ate Deanna. Alam mo ate idol ko yun tsaka crush, swerte mo nakakalaro mo siya." Sabi nito kaya napatingin ako rito. "Crush mo siya?" She nodded. "Sorry taken na siya." "Hala! Paano mo nalaman?" Napaiwas ako nang tingin. Sira talaga ako! "Basta, teammate ko kasi si ate Jia kaya nalaman ko." "Ay oo nga pala." Nang matapos kami kumain ay hinatid ko na ulit ito sa UST, binigyan ko siya ng pera bago umuwi sa apartment ko. Nakakapagod isipin na nagawa ko kay Deanna na halikan siya. Sobrang nakakahiya ang ginawa ko. Ngiting pumasok ako sa dorm, para akong nakahiga ulit sa ulap. Grabe, hindi ko inexpect na hahalikan niya ko. "Hoy Deanna! Mukhang tanga kana naman." "Hindi mo masisira ang mood ko, Jake." I said to Ria. Asar namin sa kanya ang Jake Zyrus, hawig niya kasi yun. HAHAHAH!! "Paano hindi magiging masaya si Deanna? Eh kasama kanina si ms. Galanza." Sabi ni ate Jho. "Paano mo nalaman ate Jho?" "Nakita namin kayo kanina ni Bea at Maddie, kasama niyo si Jia at ate Alyssa." "Hindi ka man lang lumapit. Pero ate may bubulong ako sayo." Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga. "Kiniss ako ni Jema sa cheek." "Talaga?" "Oo, secret lang ah?" "Oo naman." "Uy anong secret yan?" Biglang sulpot ni ate Bea sa likod namin. "Secret nga diba? Edi bawal sabihin beh." Sabi ni ate Jho. Umupo si ate Bea sa tabi ni ate Jho at niyakap ito. "Ikaw Deans ah, nagde-date na agad kayo ni Jema." "Hindi date yun, kasama namin si ate Ly at ate Jia eh." Sabi ko. "Hahahah? So gusto mo hindi kasama yung dalawa?" Tumango naman ako. "May tama ka nga kay Jema." "Ah bahala na." Tumungo ako sa kwarto namin ni Ponggay, siya kasama ko rito sa kwarto. "Hi Pongs." "Hi Deans, saan galing?" She asked. "Diyan lang. Naglakad-lakad." "Weh?" "Oo nga. Sira!" I said. "Hinahanap ka sakin kanina ni Luigi, may ibibigay daw siya sayo. Text mo nalang daw siya." "Ge." Nagpalit muna ako ng damit bago kinuha ang aking phone at tinext si Luigi my Bestfriend. "Gi! Anong ibibigay mo?" Nakatanggap naman agad ko ng reply galing rito. "Labas ka, dito ako sa labas ng dorm niyo." Hindi na ko nag-abala na mag-reply pa, lumabas na agad ako ng dorm. Bawal kasi lalaki rito sa dorm pag-gabi na, umaga pwede pa. "Hi Deans." "Ano ibibigay mo sakin?" May binigay siya sakin na box, hula ko nalalaman ito ng shoes. "Yung shoes na sinasabi mo sakin." "Hala! Salamat Gi." Niyakap ko ito. "Welcome. Cge mauuna na ko, Deans. Dinaan ko lang talaga yan para sayo eh." "Salamat ulit." Sabi ko at pumasok na sa loob ng dorm. Sa kwarto ko na binuksan ang box. Cool. Ang ganda. "Ganda naman niyan Deans." "Ito yung bigay ni Luigi. May bago na kong panlaro, Pongs." Sabi ko. "Edi okay. Akin na lang yung shoes mo na bagong bili mo." "Hindi pwede." "Damot mo." Sabi niya. Binelatan ko siya. "Uso rin kasi gumastos, Pongs. Ang dami mong pera pero ayaw mo gumastos." "Eh ayoko. Tinatamad ako bumili." "Mukha mo! Eh lagi ka nga nasa SM kasama si Marco." Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at chineck. "Hi Deans. Sorry sa nagawa ko kanina, hindi ko sinasadya." Napangiti na lamang ako at dali-daling nag-reply. Iniisip niya yun? At nag-sorry pa talaga siya. Hindi niya naman kailangan mag-sorry, nagustuhan ko rin naman. HAHAHAHAHAH!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD