CHAPTER 3

1998 Words
Deanna Point of View Masaya silang nanonood ng avengers habang ako ay tahimik lang sa tabi ni ate Mads. Napansin naman ni ate Jho na tahimik ako kaya naman lumipat ito sa tabi ko. "Uy tahimik mo, Deans. Anong problema?" "Wala po." Mababakas sa aking boses ang lungkot. "Weh? Bakit nga? Mula nung matalo natin yung adamson, lagi ka nang malungkot." "Eh kasi ate Jho guilty pa rin ako eh. Gusto ko mag-sorry kay Jema, dahil sa'kin na bash pa siya." Sabi ko. "Deans, na bash ka rin naman." "Oo nga pero ako ang nauna ate. Kung hindi ko siya inangasan, hindi rin niya ko aangasan." "Balita ko part na siya ng creamline, bakit hindi ka magpatulong kay Jia?" Sabi nito. "Eh nakakahiya, isa pa ayoko baka kung ano ang isipin ni ate Jia." "Ito naman, papatulong ka lang eh. Kesa nagmumukmok ka dyan." "Hay bahala na." I sighed. Napagdesisyunan ko na lumabas ng dorm at maglakad-lakad sa campus, gusto ko makalanghap ng fresh air. "Deanna?" I turned around. "Gi?" "Kamusta ka na?" He asked. "Maayos naman. Ikaw? Kailan ka pa naka-uwi?" He is Luigi Luna, my bestfriend. Nagbakasyon siya sa family niya sa ibang bansa kaya ilan weeks rin siya nawala. "Kagabi lang. Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Jema Galanza ah." "Ah ayun? Wala yun, hindi ko naman sinasadya and part ng game." I said. "Shiniship kayo, nakakatawa talaga ang mga tao." Naupo kami sa isang bench. "Actually guilty nga ako sa ginawa ko kay Jema, dahil sakin na bash pa siya." "Quits lang kayo, na bash ka rin naman." "Pero ako ang nauna. Isa pa bago magsimula ang game natamaan ko siya sa ulo ng bola." Inakbayan ako nito. "Hayaan mo na yun. Napaghahalataan kang may gusto kay Jema Galanza." "Uy sira wala, ni ngayon ko nga lang napansin yun eh." "Kasi ngayon lang nagpapansin." Binatukan ko ito. "Baliw." "Hahahah! Namumula ka, Deans. First time ko makita na ganyan ka pula yung mukha mo." Sisipain ko sana ito pero mabilis siyang lumayo. "Argh! Luigi panget mo!" "OMG Deans, Jema Galanza lang pala makakapag-pamula ng pisngi mo." "Tse! Hindi kaya." "Hindi? Edi si Ricci pala." "Tigilan mo nga ako, magkaibigan lang kami ni Ricci." Sabi ko. "Pero naging M.U kayo." "Uy hindi, friends lang kami." Tumayo ako. "Mabuti pa ilibre mo na lang ako ng ramen para mawala yung lungkot ko." "Hay! Mukha ka talagang ramen." He said. Tumungo kami sa gonzaga carpark dahil doon naka-park ang kanyang kotse. Habang kumakain kami sa ramen ay pinicturan ko si Luigi. Napatigil ako ng makitang nakatingin ito sa likod ko. "Uy bakit?" "Si J-jema G-galanza yun, diba?" I looked at my back and she's here nga, may kasamang lalaki. Boyfriend niya ba yun? "Oo." "Uy selos." "Sira! Bat naman ako magseselos? Eh hindi ko naman gusto yan." Sabay irap. "Bakit iba ang sinasabi ng iyong mata?" "Nagsasalita na ba ngayon ang mata, Gi? Nagbakasyon ka lang, nawala na agad utak mo." I said and laughed. Mukha ba kong nagseselos? Ni hindi ko nga kilala si Jema Galanza, tanging name niya lang ang alam ko pero ni isa sa pagkatao niya ay wala akong alam. Jema Point of View Kasama ko ngayon si Cy sa isang ramen restaurant, sinundo niya ko kanina pagtapos nung training namin. "Pangs, diba siya yung Deanna Wong?" Tiningnan ko ang gawi na nginunguso ni Cy. "Yeah." I said. "Boyfriend niya yun?" "Ewan, wala naman akong alam tungkol sa batang yan." "Makabata ka naman, mamaya mas matanda pa yan sayo. Hahaha!" He said. "Sira! Siya yung pumalit kay Jia na setter, matanda ata ako dyan ng dalawang taon." "Uy alam niya." "Tse!" "Bakit alam mo?" He asked. "Ata nga, diba?" Nang matapos kami kumain ay umalis na kami sa lugar na yun, pumunta kami sa gym niya. "Pangs tara." Dun kami sa ring ni Cy nag-boxing. Ilang oras lang ako nagtagal dun at hinatid niya na ulit ako sa adamson, last training ko na sa adamson. Pagtapos ng game namin bukas, aalis na ko sa dorm. Titira na ko mag-isa sa apartment ko. Yung kapatid ko na si Mafe ay luluwas na ng manila bukas pero sa UST siya mamalagi, siya ang new setter ng UST. Pinili niya ang school na yun dahil doon niya daw gusto grumaduate. Wala naman problema, support lang kami sa kanya. "Bye, Cy. Ingat." Habang naglalakad ako papasok sa gym ay hinarang ako ni Fhen. "What?" "Can we talk?" "Wala tayo dapat pag-usapan." Masungit kong sabi. "Jema meron." "Ano?" "Tayo." She said. "Walang tayo, tigilan muna ako." Nagsimula na ko maglakad ulit, binangga ko pa ang balikat nito. "Hi ate Jema." Nginitian ko lang sila at naupo sa bleacher. Wala ako sa mood makipag kwentuhan sa teammates ko. Nandito kami ngayon sa ateneo blue eagles gym, dito gaganapin ang last game namin against UST. "Coach bakit rito?" "May problema ba, Fhen?" "Wala naman coach, nakakapagtaka lang." She said. Lumabas na ko ng Dugout ng BEG at sa hindi inaasahan, nabangga ko ang setter ng ateneo na si Deanna Wong. "Sorry." "It-----Jema Galanza?" "Yeah, I am." I said. "Dito pala gaganapin ang game niyo." "Ah oo." "Goodluck." She said and smiled tapos ay naglakad na siya palayo. SHIT!! Nakakatunaw naman ang ngiti ng batang yun. "Ate Jema, close mo yun?" "Ah hindi Thang, nabangga ko kasi siya kaya nag-sorry ako." Biglang sumulpot sa gilid namin si Fhen. "Siya dapat ang mag-sorry sayo, kasalanan niya kung bakit maraming bashers kana naman." "Wala ka nang pakialam doon." Naglakad ako at umupo sa bench. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago nagsimula ang game. GOOD NEWS! Natalo namin ang UST in three straight sets but bad news, ngayon na ang pagtatapos ko sa UAAP. Pagtapos ko mag-shower ay lumabas agad ako ng shower room ng BEG, nakita ko si ate Jia kaya nilapitan ko agad ito. "Congrats mareng Jema, handa ka na ba para sa pagbabalik sa creamline?" "Yes naman ate Ji, namiss ko nga kayo eh." "Good. Nga pala kain tayo, celebrate natin yung pagkapanalo mo." "Cge ate Jia, paalam lang ako kay coach Air." Tumango ito. Tumungo ako sa bus ng adamson at hinanap si coach Air, nagpaalam ako rito at pinayagan naman ako. Dali-dali kong binalikan si ate Jia pero pagdating ko sa loob ay may kasama na ito. Lumapit ako sa kanila. "Ate Jia okay na." "Hi Jema." Bati sakin ni Bea. "Hello." Siya yung kasama ni ate Jia. "Jema, sama natin siya." "Sure no problem." I smiled. Kotse ni ate Jia ang ginamit namin patungo sa isang restaurant. Habang nasa loob ng kotse ay nagkausap kami ni Bea. "Congrats sa inyo." "Salamat." I said. "Ang galing mo talaga." "H-hindi naman." I said. "Hoy Bea may Jhoana ka na, wag mo landiin si Jema." Sabi ni ate Jia na nagdadrive. "Grabe ka naman, Jia. Hindi ko nilalandi si Jema, kinakausap ko lang siya." "Mukha mo, kilala kita." Natawa na lang ako sa pagbabangayan nilang dalawa. After a few minutes nakarating na din kami sa isang restaurant. "Deanna." Napatingin ako sa gawi na tinitingnan ni Bea. "Oh nandito na pala, upo kayo." Hinila ako paupo ni ate Jia sa tabi nito, sila naman ni Bea ang tabi. "Jema si Deanna pala, kilala mo naman siya, diba?" "Ah . . Oo ate Jia." Sabay tingin kay Deanna at nginitian ito. "Bagay kayo." Sabi ni Bea. "Ate Bea." Nakita kong pinanlakihan ni Deanna ng mata ito. "Pasensya ka na." "Jusmiyo. Umorder muna kayo bago tayo mag-kwentuhan." Sabi ni Jia. Inirapan ito ni Bea. "Mukha ka talagang pagkain." Tinawag nito ang waiter at umorder na nga kami. "So Jema sumama rito si Deanna kasi gusto ka niya makausap." Sabi ni ate Jia. "Ate Jia." I looked at Deanna. "It's okay. Bakit gusto mo ko makausap?" Napakamot ito sa kanyang ulo at halatang nahihiya. Biglang tumayo si ate Jia. "Bea, samahan mo ko. May kukunin lang ako sa kotse." Magsasalita sana itong si Deanna kaso pinanlakihan siya ni Bea ng mata tapos ay umalis na sila. "So ano nga yung sasabihin mo?" "Ah . . Kasi . . . Gusto ko mag-sorry sa nagawa ko. Yung tungkol sa staredown, kasalanan ko pati ikaw na bash." Napatungo ito. Ang cute niya. Baby face. "Ano ka ba, wala yun. Isa pa ini-stare down din kita." "Pasensya talaga, nadala lang ako sa game." "Wala yun." Sabi ko. "Nagalit ata sakin yung kaibigan mo, sama nang tingin eh." "Sino?" "Yung setter niyo. Pumunta kami nung nakaraan sa trinoma, nakasalubong namin tas sama ng tingin." "Ah pasensya na, medyo may sira kasi sa utak yun." I said. "Okay lang. Natamaan na kasi kita ng bola tapos ini-stare down pa kita." I nodded. Sakto pagbalik nung dalawa ay sinerve na ang order namin. Masaya kaming nag-uusap tatlo, habang yung katabi ko ay tahimik na kumakain. "Tahimik mo, Deans. Hindi ka naman ganyan kapag kumakain tayo." Sabi ni Bea. "Huh?" "Deans katabi mo lang si Jema, natahimik ka na." "Ate Jia naman." Sabi ni Deanna at pinalobo ang pisngi. "Shet cute." I whispered. "Jema, may binubulong ka?" Bea asked. "W-wala." Nang matapos ang aming kwentuhan at kain ay hinatid na ko ni ate Jia sa adamson. Yung dalawa naman ay hindi na sumabay. Pagdating ko sa dorm ay nag-ayos na ko ng gamit. Ngayon na ang aking alis sa dorm. Deanna Point of View Umalis na si ate Jia at Jema, kami naman ay tumungo ni ate Bea sa trinoma. "Ganda ni Jema, diba?" "Bakit tinatanong mo sakin?" I asked. "Ligawan mo, Deans. Bagay kayo." "Eh ayoko nga, mamaya may boyfriend yun. Isa pa hindi ko naman siya type." "Mukha mo. Akala mo hindi ko alam na pa-simple kang tumitingin kay Jema. Huli ka girl, wag muna ikaila." She said. "Ano bang bibilin mo rito?" "Change topic. Hahaha!" "Ano ngang bibilin mo rito?" Kunwaring naiinis kong tanong. Hinila niya ko sa bilihan ng potato corner tapos bumili rin siya ng pizza bago kami umuwi. Habang nagche-check ako ng i********:, naisipan kong i-stalk si Jema. Ang ganda niya naman. "Uy." Muntik ko na mabitawan ang aking cellphone nang biglang sumulpot si Ponggay. "GUYS INII-STALK NIYA SI JEMA!!" "Hoy! Hindi kaya." "Ayieee! Ikaw Deans ah, sumbong kita kay Jia." Sabi ni ate Jho. "Uy hindi, jinojoke lang kayo ni Pongs." Tumingin ako kay Ponggay at pinanlakihan ng mata. "Totoo kaya, Deans." "Uy may Fhen Emnas na yan." Sabi ni Ria. A.K.A Jake Zyrus. "Sinong Fhen Emnas? Yung setter ng adamson?" Tanong ni Cacee. "Tumpak! Girlfriend ni Jema Galanza si Fhen Emnas. Ito ebidensya oh." Sabay pakita nito samin ng phone niya. "Uy hindi pa nga kumikilos si Deanna, may kaagaw na agad siya." Sabi ni ate Mads. "Break na sila." Sabi ni ate Bea na kakarating lang galing kitchen. "Ayiee! May pag-asa na." Jules said. "Tahimik! Wala akong gusto kay Jema, okay?" Umakyat na ko para tigilan nila ako, basta kasama ko sila laging maingay. Ang kukulit. *BZZZTTT!* I took my cellphone and checked the text. "Hi." "Who's this?" Sino 'to? 09********* Wrong number siguro. Nag-vibrate muli ang phone ko. "Jema Galanza. Sorry hiningi ko kay ate Jia yung number mo." "Ay ikaw pala yan. Okay lang, bakit mo pala hiningi?" "Wala lang, trip ko lang." She replied. "Hahahah!" Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin reply kaya pumunta ako sa twitter. WAHHH!!! Follow niya ko sa twitter pati sa i********:. Ma-follow back nga. Nakakahiya naman kung hindi. Nagising akong nakangiti. Ewan ko ba basta alam ko maganda mood ko ngayon, para akong nasa ulap at nakahiga. "HOY DEANNA!" "Bakit ka ba sumisigaw, Dani?" I asked. "Kasi kanina pa kita kinakausap tapos nginitian mo lang ako. Para kang tanga, siguro naiisip mo si ate Jema." "Uy hindi ah, bakit ko naman siya mamimiss? Close ba kami?" Sa totoo lang masaya talaga ako. Basta hindi ko alam, ang alam ko lang ay masaya ako ngayon. "Tse! Sabihin ko sa kanila inlove ka kay ate Jema." Bago ko pa ito mahila ay nakatakbo na ito kaya naman natawa na lang ako. Siraulo talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD