Lance's POV Part 1 Lumabas ako sa gate ng bahay namin para magpahangin. Nababagot na kasi ako sa loob at wala na naman akong magawa. Sa tuwing gabi pagsapit ng ganitong oras ay dito ako tumatambay dahil oras ito ng uwian ng mga nagbabasketball galing sa covered court malapit dito. Nagbabakasakali na may mabingwit na naman akong masarap at makatas na basketbolista. Dalawang linggo na mula nang makauwi ako dito at sa loob ng dalawang linggo na iyon ay apat na sariwa at masasarap na barakong basketbolista ang bumagsak sa mga kamay ko. Nagsindi ako ng yosi habang nakatambay. Pagkatapos ay may isang puting kotse na pumarada sa tapat ng bahay ng mga Hidalgo. Lumabas ang isang gwapong lalaki upang pagbuksan ang kung sino mang nasa passenger seat. Tumaas ang kilay ko nang makilala ko kung s

