Nagulat na lamang ako nang bigla akong hawakan sa braso ni Kiel pagkatapos ay mabilis niya akong hinila palabas ng restaurant na iyon. "Mag-usap tayo!" sabi niya saka niya ako kinaladkad hanggang sa makarating kami sa may parking area ng lugar. Nakita ko pa na sa amin nakatingin ang mga kumakain sa loob. "Hey! Bitawan mo si Renz!" sabi ni Jacob na nakasunod pala sa amin. "Wag kang makikialam dito!" galit na sigaw ni Kiel sa kanya. Lalapit pa sana si Jacob pero ako na mismo ang pumigil sa kanya. "Hayaan mo na kami. Mag-uusap lang kami. Hintayin mo na lang ako sa loob." mahinahon ko namang pakiusap sa kanya. Lumuwag ang pagkakahawak ni Kiel sa braso ko kasabay ng pag-aatubili ni Jacob na iwanan ako sa kamay ng lalaking ito. Hindi nagtagal ay nagpasya na lamang siya na umalis. Nang tu

