Nagising ako na may humahaplos sa pisngi ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Mama. Nakangiti siya at bumati sa akin ng good morning. Nagsalubong ang mga kilay ko. Teka paano siya nakapasok sa silid ko? Inilock ko yung pintuan kagabi matapos niya akong mahuli na nanonood sa kanila ni Tito Benjie. Naalala ko na may susi nga pala siya ng silid ko. Marahan naman akong bumangon saka ako tumingin sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin at namayani ang ilang sandaling katahimikan. "Hindi ko inasahan yung nakita ko kagabi Ma." simula ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatulala sa kama. Hindi na ako nakatiis at hinawakan ko ang kamay niya dahilan upang mapasulyap siya sa akin. "Hindi naman kita huhusgahan Ma. Gusto ko lang malaman yung totoo. Ano ba talaga

