"Mr. Carillo!” Wika nang manager nang makarating si Eirick sa boutique. Nakasara ng boutique dahil sa nangyari. At hindi rin nakaalis ang staff at Manager maging si Shane dahil sa pagdating nina Xander at Peter. Hindi naman matigil ang paghingi nang sorry ang manager dahil sa nangyari at dahil sa naging pabaya sila. “Hindi namin sinasadya ang nangyari. Naging pabaya ang shop sa----” biglang naputol ang iba pang sasabihin nang manager nang makita ang galit sa mukha nang binata. Mukhang kahit na anong sabihin niya hindi niya mababago ang isip nang binata. “Sa palagay mo, palalampasin ko ang nangyari? Pagkatapos manganib ang buhay nang magiging anak ko?” tanong nang binata. “A-anong ibig niyong sabihin?” “Sa palagay ko matalino ka naman Ms. Manager. Alam mo ang ibig kong sabihin. Alam

