Nagimbal si Ren nang makita ang pulang mantsa sa damit niya habang patuloy ang pagsakit ng tiyan niya. Nanginginig ang kamay ni Ren na napahawak sa dugoang nasa damit. Lalo pa siyang nagimbal nang makita sa kamay niya ang dugo. Si Shane naman halatang nagulat din at natakot sa nangyari Hindi ito makagalaw sa kinatatayuan niya habang nakatingin lang kay Ren. “E-Eirick!” malakas na sigaw ni Ren na nagpapanic. Walang ibang pumasok sa isip niya ngayon kundi ang tawagin ang binata. Labis ang takot na nararamdaman niya. Ang Binatang si Eirick na nasa di kalayuan nang silid ay kausap pa rin si Anica sa kabilang linya at tila masayang nakukwento tungkol sa pagpili ni Ren nang damit pangkasal. Biglang natigilan si Eirick nang marinig ang tawag ni Ren sa kanya. Hindi rin Maganda ang tono nang bo

