"Anong ginagawa ni Kuya Xander?” tanong ni Ren nang makita ang kapatid niyang may dalang alak at baso habang papalabas nang bahay nila. Kakatapos lang nilang maghapunan nang mga sandaling iyon. Nang marinig ni Ashmaria at Anica ang dalaga na nagsalita napatingin sila sa Binatang papalabas. “Ah, yan ba. Niyaya ni papa si Eirick na makipaginoman sa kanya.” simpleng wika ni Ashmaria. “Ano?!” gulat na bulalas nang dalaga dahilan para magulat si Ashmaria at Anica saka napatingin sa dalaga. “Oh, nakakagulat ba ang sinabi nang ate mo?” natatawang sika ni Anica sa reaksyon nang anak niya. “Ma may trabaho si Eirick bukas. Bakit siya makikipag inuman kay Papa at kuya----” biglang natigilan ang dalaga nang makita ang reaksyon nang mama niya at ate habang nakatingin sa kanya. “Oh, bakit ganya

