Marahang iminulat ni Ren ang mata niya nang maramdamang may nakakapang kakaiba sa tabi niya. Hindi naman pwedeng maging unan niya iyon dahil hindi naman matigas ang unan sa silid niya. Bukod doon nararamdaman din niya ang mga bisig na nakayakap sa kanya. Yakap? Wika nang isip nang dalaga. Tama hindi siya maaring magkamali may nakayakap sa kanya. Pero sino? May nakapasok ba sa silid niya nang hindi niya nalalaman? Dahil sa pagtataka marahan niyang iminulat ang mata niya. Ganoon na lamang ang gulat nang dalaga nang makita si Eirick sa tabi niya. Lalo pa niyang ikinagulat na ang mga kamay niya nakadantay sa dibdib nito bukod doon nakayakap dina ng binata sa kanya. Biglang naguluhan ang dalaga. Pilit niyang inalala kung anong nagyari nang nakaraang gabi. Ang alam niya nang pumasok siya sa b

