"Ren, bakit ngayon kalang saan ka galing?” tanong ni Nathaniel na nasa labas nang bahay nila. Kakababa lang niya noon sa sasakyan ni Eirick. Inihatid siya nang binata matapos siyang maghapon na manatili sa bahay nito dahil sa research na ginawa niya. Nang lumabas siya nang sasakyan Nakita niya si Nathan na nakaupo sa labas nang gate nang bahay nila. Tiyak hindi ito pinapasok nang mga kapatid niya. Pero bakit hindi pa rin ito umaalis? Kahit na pinagtatabuyan ito nang mga kapatid niya talagang nagpupumilit ito. “Kaya ka pala ginabi dahil siya ang kasama mo.” Wika ni Nathan nang makita si Eirick na lumabas sa driver’s seat. “Bakit kasama mo siya?” Tanong ni Nathan kay Ren. Napatingin naman si Ren sa binata. “Hindi Mabuti ang maidudulot nang pagsama-sama mo sa kanya.” wika pa ni Nathan. “Ti

