Do you recognize this place?” Tanong ni Eirick sa dalaga nang mapansin na napatingin ito sa paligid. Nakatingin lang ang dalaga sa mga kotseng nandoon. Hindi niya alam kung naalala pa ba ni Ren ang lugar na iyon. But it was the same place, na pinagdalhan niya sa dalaga noong gabing tinulungan niya ito nang masira ang kotse nito. “Bakit tayo nandito?” Tanong ng dalaga saka bumaling sa binata. She recognizes this place. Lalong naalala niya ang gabing iyon. That one intimate night that they’ve shared na dahilan kung bakit siya nagdadalang tao ngayon. “I live here. I own this garage.” Wika nang binata saka ipinarada ang sasakyan niya. “I did not ask if you live here. I am asking, bakit mo ako dinala dito?” tanong nang dalaga sa binata. “Tutulungan kita sa research mo.” Wika nang binata

