“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ren saka nilapitan ang binata. Nang marinig ng binata ang boses nang dalaga agad siyang napalingon nito. Napakunot naman ang noon ang dalaga nang sa halip na magsalita biglang binuksan nang binata ang pinto nang passenger’s seat nang sasakyan. “Gusto mo akong sumakay?” Tanong nang dalaga. Simpleng tango naman ang tinugon nang binata. Nagkibit balikat lang si Ren at sumakay sa kotse. Nang makasakay ang dalaga, agad naman isinara nang binata ang pinto at nagmamadaling nagpunta sa driver’s seat. “Ha.” Napabuga nang hangin na wika nang binata nang makasakay saka tinanggal ang suot na sombrero at facemask. Taka namang napatingin sa binata si Ren. “Ang init.” Wika nang binata. “Ano ba kasi ang ginagawa mo dito at bakit ganyan ang suot mo. Mabuti nalang a

