Buntis?" gulat na wika ni Anica nang sabihin ni Claire ang tungkol sa kalagayan ni Ren na hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ding malay. Dinala sa hospital ang dalagang walang malay mula sa nangyaring aksidente. Habang nasa emergency room ang dalaga napag-alaman nina Claire na nagdadalang tao ang dalaga. Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa dinadala nito. Nabigla siya nang malaman ang kalagayan nang pamangkin. Hindi niya alam kung papaano sasabihin sa pinsan niya ang sitwasyon nito. Pero naisip ni Claire na karapatan naman nina Anica na malaman iyon dahil sila ang mga magulang ni Ren. “Anong ibig mong sabihin buntis?” Maya-maya ay wika ni Andrew matapos ang ilang sandaling pagkabigla. Hindi yon ang inasahan nilang sasabihin ni Claire tungkol sa anak nila. “Yun ang lum

