YOU AND ME AGAINTS THE WORLD
Chapter 1:
Vieda Sandrial's POV
Ang sarap bumangon lalo na kapag alam mong mahal ka ng boyfriend mo. I smiled, loko nag iimagine pa'kong may boyfriend e wala nga! Bwesit. I just need to get up, may pasok pala ako. I went up to the kitchen to eat, it's already 6 o'clock in the morning, buti nalang 9 pa klase ko.
"Dah! Ang ganda ng gising ng señorita ah!"
Arf, heto na naman si ate! Lagi nalang galit kaya tumatandang dalaga e. Ang sarap sampalin ng tinidor to sa mukha, kakain nga lang ako e.
"I'll go ahead na, just eat your food madaam, and try not to wash that plates, ihahampas ko 'yan sayo pag uwi ko!"
Dagdag pa niya. Galit yan? haha tumawa nalang ako ng mahina.
"Patingin ka ng mukha ng galit, ipa-print ko lang."
Pamimikon ko sa kanya, atras tayo nakataas na yong kilay e panigurado galit na to haha. Buti nalang umalis na. By the way, kami nalang dalawa ni ate dito sa bahay, bata palang ako nang maaksidente ang mga magulang namin kaya si ate na nag alaga sakin ever since the world begun haha charot.
Pagkatapos kong kumain, nag asikaso nako para makapunta na ng school, studyante pala ako e no? Muntik ko ng makalimutang kinalimutan pala niya ako ay este opo, opo. 4th yr college na'ko, BSIS ang kursong kinuha ko at kung itatanong niyo kung bakit? wag nalang tayong mag usap.
Pagkatapos kong mag asikaso, lumabas nako at naghintay ng masasakyan. Almost 1hr din yong biyahi pa school, ayaw kasing pumayag ni ate na mag boarding house ako kasi hindi na niya makikita yong maganda kong mukha paggising niya araw-araw diba?
After 1hr of ka chuchunes, nakarating na rin ako ng school. Ito yong Castle ng mga bobo, matatalink, bida-bida at mga pa humble na tao. Saan kaba na belong sa sinabi ko? Basta ako, I belong to his fvckin heart. uwu
"ASIANIC UNIVERSITY"
Diba sosyalin ang pangalan ng School namin, pero sa totoo sosyal talaga to. Kung ilalarawan ko ang school nato, ang lawak neto, malaki gaya ng pagmamahal ko sa kanya este oo nga malaki nga yong school, may sariling swimming pool, may maganda at malawak na garden, may malaking library na punong puno ng samo't saring libro, magandang cafeteria, may sudent learning center with aircon pa, may gym. Maganda siya in total package.
"Viedaaaaaaa!"
Napalingon ako sa may ari ng boses na tumawag sa'kin, grabi ang impakta ng boses neto! Nakaka inspired umakyat sa langit tapos hindi pa pala ako welcome doon kaya bumaba ako, hindi pa daw fixed ugali ko ee sabi ni Lord. Sorry po.
"Ano ba ha? ang ingay mo para kang may ka-away na sampung demonyo!"
Reklamo ko kay Morie, fake friend ko siya since 1st yr college kami. Sarap hampasin ng bangko e!
"I missed you, pa kiss nga!"
Kinikilig pa niyang sabi, jusko ang clingy ng babaeng to sarap itapon sa kalawakan!
"Tigilan mo'ko Morie, ang landi mo!"
Landi ng babaeng to, kung may makakita sa amin na hindi pa nakakilala sa amin, iisipin talaga mag jowa kami. Inirapan niya ako sabay pasok sa room namin, 3rd floor room 305. Ang laki ng room, may aircon pa, sosyal.
May ibang kaklase na rin kaming nandito, they look so happy while talking, para silang pre-schooler na masayang masaya kasi may pasok ulit. While me? dito lng sa gilid, naghihintay ng instructor.
Maya-maya pa dumating na rin yong 1st subject instructor namin, he's just discussing some overview and objectives of the subject which is Business Intillegence then announced a dismissal, literally good dahil gutom na'ko. What a boring life!
"Tara cafeteria, gutom na'ko."
Sasabihin ko pa lang sana 'yon kaso naunahan ako ni Morie , masyadong nagpapahalata na patay gutom ee.
Sinabayan ko nalang siya sa paglalakad. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, natanaw ng mga mata ko ang isang lalakeng hindi ko na sana gustong makita pero I have no choice because we're schoolmates. Nakaupo siya sa isang bench sa tapat ng library namin.
Then I remembered the pain that man gave me, masakit palang habulin yong taong hindi ka kayang mahalin. It was 2 years ago pero 'yong sakit nandito pa rin.
"Elouise Greek, bakit hindi nalang ako?"
I whispered then sigh.
--
Morie Villa's POV
Napalingon na rin ako sa lalakeng tinitingnan ni Vieda kanina at nang ma recognized ko kung sino 'yon, I really felt bad because I know, she's till in pain.
"You haven't moved on yet right?"
I asked even though alam kong hindi. Tinasaan lang niya ako ng kilay, at magde-deny na naman to na naka moved on na siya kahit hindi pa, sarap naman itapon to sa other planet.
"Ang baho ng apdo mo baliw!"
Here's her expression again, so irritating ugh! Ang sarap nalang talagang itali tong aso nato, ayaw naman kumahol! Sa'kin pa talaga siya magtago, parang hindi fake friend ee!
"You'll really hide it from me e alam ko na nga kung anong paboritong color ng panty ang sinu-suot mo!"
I laughed so hard when I saw her expression haha, lumaki mga mata niya habang nakataas ang isang kilay grabing babaeng to parang asong baliw lang.
"Alam mo sa totoo lang,"
Sabi niya habang naka-akbay sa'kin, nakikita ko namang seryoso siya and she's hurting till' now.
"Sa totoo lang, ang sarap mo ng ilibing ng buhay sa lupa!"
She whispered then walked, ugh Vieda Sandrial you're getting into my liver! Sinundan ko nalang siya habang papasok sa cafeteria, what a jerk! Umupo na rin ako kung saan siya umupo, nakasimangot pa habang nakatingin sa kawalan. Sometimes, I really really wonder why she became my friend tsk!
"Kung anong oorderin mo 'yon narin sa'kin, bilisan mo inuutusan ka lang."
Utos ko sa kanya, inirapan lang ako saka siya tumayo, ang hirap naman paamuhin ng asong to!Ganito talaga siya kapag wala sa mood, kahut utusan mo pa yan ng kung ano, susundin niya yon haha. Kung ito uutusan kong mag suicide, gagawin rin niya siguro tsk.
Sinundan ko siya ng tingin habang papunta sa mga nakapila, she's not really in the mood, what a moody dog, bark now Vieda! Siguro dahil to kay Elouise. If you're wondering kung sino siya, siya lang naman yong lalakeng nanakit sa aso kong si Vieda. We were 2nd yr college that time when it happened, they used to be good friends until Vieda confessed that she had feelings for Elouise, then Vieda tried so hard to chase him. I can't say Elouise had no feelings for Vieda that time dahil nagpapakita rin naman siya ng motive kay Vieda. Noong prom night nga namin, he invited Vieda to be his date but turns out may iba pala siyang ka date. From that night on, tumigil na rin si Vieda sa pagpapapansin kay Elouise. I really don't know what happened exactly that night but Vieda told me, sinabi daw ni Elouise sa kaniya na hindi siya yong gusto ni Elouise. What a jerk, how could he hurt a woman who did nothing but love him. Pero tama na yata tong kaka-kwento ko buhay naman to ni Vieda kaya bahala siya haha.
"Oh heto na pagkain mo baliw!"
Grabi ang sama talaga ng ugali ng asong to! Kulang nalang itapon yong tray na may foods sa harap ko ee tsk!
"Kung natapon 'yon kakain mo ba ha?"
Inirapan niya ako.
"Don't bark, just eat!"
Inis pa niyang sabi. Ang sarap naman tusukin ng tinidor 'yong naglalakihang mata niya! You're getting into my Dandruff, Vieda!
"Ano na naman bang nangyari sayo ha? bakit parang umaakyat na naman pataas yong apdo mo papunta sa utak mo!"
Reklamo ko sa kaniya! Siguro kung lalake ako at naging girlfriend ko to mamamatay agad ako.
"Tumahimik ka Morie ha! Wag mo'kong pinipikon, papakin ko tong kutsara sayo ngayon, sge ka!"
At talagang binalaan pa'ko, akala naman neto takot ako sa kaniya! Nakakainis tong babaeng to, buti nalang maha ko kahit papaano tsk! Cute doggy. Kumain nalang din ako, ang sarap naman sana ng pagkain pero si Vieda parang nasusuka sa kinakain niya. Pangit ka bonding ng isang to!
"Hi can I seat here?"
Napalingon ako sa lalaking may ari ng boses na 'yon. Bigla nalang akong nawala sa mood nang makita ko siya! Hindi pa nga ako pumayag, umupo na. Kung kakapalan lang ng mukha, wala ng ikakapal 'yong mukha ng gagong to! Tsk nakakairita!
"So how are you?"
Tanong pa niya ulit. Tiningnan ko naman si Vieda, nakangita na halatang pinipikon ako!
"Sinira mo na araw ko, Raffa!"
He did ruined my day bwesit! He's Raffa, a famous basketball player, a womanizer! He's been chasing me for a year pero ayokong ma attached sa isang kagaya niya, I am securing my heart from heartbreaks. Hindi ako tanga kagaya ng asong nasa harap ko na pa tawa-tawa pa tsk. I'm reffering to Vieda na akala niya naman ikinaganda niya ang pamimikon sa'kin, ugh! Irritating!
"Nangangamusta lang ako."
Reklamo niya at talagang kumikindat pa, halata talagang play boy!
"Can you please stay away from me? Baka ma hampas ko pa tong tray sayo!"
Sabi ko, I'm so pissed off! Itinaas niya ang dalawang kamay niya as a response then he left. What the hell!!
"Grabi ka naman sa tao!"
Suway ni Vieda. Nagsalita 'yong parang hindi nabaliw kanina tsk!
"Don't bark, just eat!"
Ginaya ko yong sinabi niya then she smirked.
"Mabait naman siya, womanizer nga lang."
Sabi ni Vieda habang ngumunguya pa. Kahit kailan talaga, nakakadiri tong babaeng to tsk! But she was right, mabait si Raffa pero marami akong naririnig na balita tungkol sa pagpapaiyak niya ng mga babae.
"Mabuti nga't hindi ako tanga like you."
Pamimikon ko sa kanya, she just rolled her eyes. Ngumiti naman ako ng mahina.
"Oo hindi naman."
Himala, hindi nga siya komontro pero nakasimangot naman. What an ugly doggy!
Napalingon naman ako sa taong papalapit sa kinaroroonan namin. I know nakita na siya ni Vieda, kaya pala sumimangot nalang bigla tsk. Si Elouise, may dala-dala siyang vitamilk, paboritong inumin nilang dalawa ni Vieda to before. Tiningnan ko ulit si Vieda, I can't see any expression on her face.
"Vieda can we talk?"
--