CHAPTER SIX

648 Words
Bago kami matulog ay nagdasal na muna ako. Nasa bahay na ulit namin ako sa Libon Albay. Ako lang ang mag-isa sa kwarto sa itaas at sina Papa at Mama ko ay sa papag or katre sa baba natutulog. Mas maaga sila matulog kaysa sa akin dahil ako, nagbabasa pa muna ako ng pocketbooks sa higaan. Pampa antok lang ba. Di kasi ako mapakali kapag hindi ko natatapos basahin noon ang isang book. Kailangan kapag nasimulan ko na ay matapos ko agad. Mga bandang alas dose na ng hating gabi noon kaya naisipan ko ng matulog kahit may ilang chapters pang natitira sa binabasa ko. Lagot kasi ako kay papa kapag nakitang gising pa ako ng ganoong oras. Bawal nga kasi sakin ang magpuyat dahil low blood ako. Kakapikit ko pa lang noon nang may marinig ako parang kakaiba sa labas ng bahay namin. At dahil antok na din ako, deadma ko na lang. Maya maya lang ay sina mama at papa naman ang naririnig ko. Boses ni papa na parang galit. So ginawa ko, bumaba ako. Akala ko kasi ay nag-aaway na yung dalawa. Naabutan ko si mama na nakaupo at parang nahirapan sa paghinga. Binangungot yata. Pumasok ako sa loob ng kulambo nila at hinimas ko ang likod ni mama. Si papa naman ay galit pa din at kinuha yung buntot page na nakasabit sa dingding. Tinanong ko si mama kung ano ang nangyari. Sabi nya may yumakap daw sa kanya mula sa likod nya habang nakahiga sya patagilid at nakapaharap kay papa. Pahigpit daw ng pahigpit at nahihirapan na syang huminga. Sabi ko naman, baka binabangungot ka lang, ma? Sabi nya hindi raw. Nagising daw talaga kasi sya para umihi sana. Parang ayaw ko pa maniwala pero hindi na lang ako umimik para kumontra. Si papa naman, pinaghahampas ung mga sulok sulok ng bahay at yung mga dingding. Nung kumalma na si mama, siguro ala-una na ng madaling araw yun, bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga na din ng patagilid para iwas bangungot. Kakapikit ko pa lang ng mata ko nang maramdaman kong parang may yumakap sa akin. Una naigalaw ko pa yung mga binti ko pero patagal ng patagal humihigpit yung yakap at pati binti ko di ko na rin maigalaw dahil para na akong nadadaganan. As in ang higpit talaga at ang hirap na huminga. At dahil nga gising pa ako, nakuha kong sumigaw ng tulong. Buti na lang at di ko nai-lock ang pinto ng kwarto kaya nakapasok agad sila mama at papa. Biglang nawala yung parang bagay na nakadagan sa akin. Si papa lalong nagalit non at pinagmumura kung sino man daw yung may gawa non at pati kami ay ginagambala. Nagdasal ulit ako sa isip ko. Maya maya'y biglang may kumalampag sa likod ng bahay namin. Sa tapat mismo ng bintana ng kwarto ko. Si papa, hawak pa rin ang buntot page tumakbo sa labas kung saan nanggaling ang ingay na akala mo'y may hinahabol habang panay ang hampas at mura. Pinapalayas daw nya kung sino man ang naroon na hindi namin nakikita. Naikwento na din sa'kin ni mama na hindi na bago ang gano'ng pangyayari dahil dati pa daw ay may ganoon na ding mga paramdam don sa bahay namin. Dati daw yung pinsan ko ang naging biktima naman. Habang himbing daw ang tulog at humihilik pa, bigla na lang daw may humawak sa ilong nito para pigilan ang paghinga. Yung pwesto daw kasi ng bahay namin ay daanan ng mga elemento. Mayroon nga din one time, bago namatay yung pamangkin ko sa pinsan na baby. Yung mga aso umaalulong na nakaharap sa bahay ng pinsan ko. Grabe nung time na yun talaga, nakakakilabot dahil sabay sabay talga yung mga aso at pagkatapos ay parang may hinahabol sila at yung daan nila ay doon sa may bakuran namin. Then kinaumagahan, wala na yung anak ng pinsan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD