Maraming kakatwang pangyayari pa akong na-experience. Naalala ko nung second year high school kami. Napanaginipan ko yung classmate ko nung elementary pa kami. Kasama raw namin habang nagf-flag ceremony sa school namin ngayong high school na. Malinaw na malinaw ang panaginip ko noon na pati kulay ng bag nya at sapatos ay napagtuunan ko pa ng pansin.
Pagkagising ko, binalewala ko lang ang panaginip na iyon kung may ibig sabihin ba o wala. Hindi ko na rin naikwento kahit kanino kasi imposible naman iyon dahil ang alam ko ay nasa maynila na iyon nag-aaral at halos isang buwan na din mula nung mag start ang pasukan. So imposble nang mag-tranfer pa yun dito.
The other day, nagmamadali ako dahil tinanghali ako ng gising. Malayo pa ang lalakarin ko papasok ng school. Ayaw ko kasing sumakay sayang pamasahe. Isa pa exercise na din yon sa umaga.
Pagdating ng school, late na nga ako! Buti na lang at member pa rin ako ng SGO kaya may pass akong makapasok.
Pagdating sa pila namin para sa flag ceremony, nagulat ako dahil naroon si Wilson— ang classmate ko nung elementary. Kinawayan nya ako at ang laki ng ngiti nya. Close kasi kami nito dati pa. Bahagya akong natulala dahil nang mapagmasdan ko ang kabuuan nya, mula sa buhok, damit, bag at sapatos na suot nya ay ganun na ganon ang hitsura nya sa panaginip ko!
May powers na ba ako? naisip ko. Tuwa, excitement, pangamba at kaunting takot ang naramdman ko nung time na 'yon. Napasambit ako ng kaunting panalangin.''hindi nga kaya bukas na ang third eye ko at napapanaginipan ko na ang mga bagay na mangyayari pa lang? '