CHAPTER EIGHT Minulto ako ni Lolo!

531 Words
Naiwan ako sa bahay mag-isa ng gabing iyon dahil nagpunta sila mama at papa sa bahay nila lola. Wala lang naman sakin at ni hindi ako nakaramdam kahit kaunting takot. Napakalamig ng gabing iyon at malakas ang ihip ng hangin. Nang dumating sila mama ay nagtaka ako dahil namumula ang mga mata ni mama. Para syang galing sa pag-iyak. " Ma, bakit?" tanong ko. " Wala na si Lolo mo." sagot ni mama na nagsisimula na namang maiyak ulit. Para naman akong biglang nanghina sa sinabi ni mama. Nung kailan lang kasi ay nagku- kwentuhan pa kami ni Lolo Jose habang namimitas kami ng mga kalamansi na tanim ni mama sa likod ng bahay namin. Binibiro-biro pa ako ni lolo noon. Inaya kami ni papa na pumunta ulit kila lola. Naroon na ang ilang mga kamag-anak namin. Si lolo naman ay nasa kwarto kung saan sya binawian ng buhay. Inaantay na lang ang bukas para i-pick-up ang katawan nya ng mga mag-e- embalsamo. Isa-isa silang pumasok doon para makita si Lolo pero hindi ako sumama. Ewan, pero hindi ko talaga kaya. Matapang naman ako ( tapang-tapangan lang) hindi ko kayang lumapit or tumingin sa patay kahit siguro sulyap lang. Pakiramdam ko kasi ay hindi na iyon maaalis sa utak ko lalo na kapag matutulog ako. Hindi naman nila ako pinilit. Kinaumagahan, ginigising ako nila papa at mama. Wla sa isip ko na pupunta ulit kami kila lola. Dahil nga maaga pa at sanay akong gumising ng tanghali na kapag walang pasok hindi ko pinapansin ang panggigising nila sa'kin. Siguro ay nanawa na sila sa kakagising sakin dahil di talaga ako bumabangon. Nagtalukbong pa ako ng kumot dahil malamig ang panahon at ang sarap pang matulog. Nakiramdam ako dahil parang biglang ang tahimik. Tinanggal ko muna ang kumot ko. Nasa loob pa rin ako ng kulambo. Hindi pala tinanggal ni mama. Napangiti pa ako kasi mas mapapasarap ang tulog ko neto. Pero biglang nawala ang antok ko nang pagtagilid ko ng higa pakanan paharap sa may bintana ay mukha ni lolo ang nakita ko. Nakahiga sya sa tabi ko at nakapikit ang mga mata habang nakasuot ng barong! Mga ilang segundo rin siguro 'yon at ilang kurap ang ginawa ko bago sya nawala sa paningin ko. Nang ma-realized ko na kamamatay nga lang pala kagabi ni lolo at ngayon nga pala sya i-embalsamo, grabe nataranta ako sa sobrang takot sabay gulong pakaliwa. Bumagsak ako sa sahig namin na tabla kaya grabe ang kalampag. Napaakyat tuloy sila mama. Pinagtawanan pa nila ako dahil nahirapan akong makatayo at nagkakakawag ako sa sahig. Bukod kasi sa kumot na nakapulupot sa'kin ay napigtas din pati ang kulambo ng bumagsak ako at pumulupot din iyon sa katawan ko. " Bakit, anong nangyari sayo?" si mama. " Ma, si Lolo! Nakahiga sya sa tabi ko!" nahihintakutang sabi ko. " Uhm, yan kasi kagigising mo ng tanghali. Sinabi ng pupunta tayo don ng maaga. Ayan ikaw ang pinuntahan." ani naman ni Papa na tatawa tawa pa. Siguro iniisip nilang nanaginip lang ako. Pero sa sarili ko, alam kong hindi iyon panaginip! Totoong nakita ko si Lolo! at dahil nga lagi nya akong binibiro noon nagparamdam sya para gisingin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD