Chapter 1
"Ate.." Napalingon ako sa pag huhugas ng pinggan ng makita ko si Ana ang kababata kong kapatid.
"Oh dumating ka na pala."
"Oo eh." Naka simangot siya one year nalang ang magtatapos na siya. Kaya naman ay todo kayod ako sa kaniya at pati sa kapatid naming lalaki Napalingon ako ng dumating narin si ulo. Yup! Ulo name niya dahil nuong ipinanganak siya malaki ang ulo niya. Kaya 'yon nalang tinawag namin sa kaniya.
"Oh alis mo na ang damit tapos maligo." Naglaro naman to panigurado.
Nang iaalis niya ang damit niya ay napabaling ako sa ibang direksyon. Nanduon na naman ang tahi niya. Mabuti nalang talaga at naka survived siya sa sinabing operasyon. "Ate nagugutom na ako.." Simangot niya.
"Oh siya maligo ka na at ipaghahain kita. Si nanay?" Tanong ko.
"Sa palengke nag titinda parin ng gulay."
Okay, Agad kong tinapos ang hugasan saka yumuko. Nakita ko na naman ang nakangiting si ulo. "Ate bakit po?" Umiling ako. Wala, Wala, Baby! Sabi ko sa sarili ko gagawin ko ang lahat para lang mailigtas kita at masasabi kong nagawa ko na 'yon.
"Ate kailangan na namin mag bayad para sa tuition." Napalunok ako Sabay sabay naman kasi, naubos ang five million sa isang iglap lang. Para lang yong hangin na dumaan at nawala bigla. Sa every sesion na ginagawa kay ulo noon hindi ko mabilang ilang libo at million ang nagastos, pagka gising ko nawala nalang iyon bigla.
"Ate sorry ah Pero pangako ko pag naka pag tapos ako ay ibabalik ko lahat lahat ng pagod mo. Lahat ng mga pag hihirap mo." Mangiyak iyak na si ana Nginitian ko lang siya dahil sa alam ko naman na pagnaka tapos siya gagawin niya ang lahat maka ahon lang kami sa kahirapan.
"Ohh! nandito na pala kayo." Si nanay na bagong dating dala dala ang Batang nasa bisig niya. Napangiti ako ng mawala ang pagod ko.
Na miss ko siya.
"Baby gee." Sigaw ni ulo, Agad na binuhat ang bata at pinaikot sa taas.
"Nanay ana." Lapit ng bata kay ana Ang kulit kukit niya talaga Kaya nakaka miss mag laro sa kaniya tuwing gabi. Yun nga lang wala na akong oras na makipag laro kay baby gee dahil pagod ako pag uwi. Wala akong pasok o mas magandang sabihin na hindi ako pumasok dahil sumakit ang ulo ko.
"Nanay key." sabay yakap saakin Hayst how i miss him. Yumuko ako dahil pinag pantay ko ang mukha ko sa mukha niya. "Nanay key tabi mo bilhan moko laruan?"
"Ah 'yon ba? Nakalimutan ni nanay key e, pero promise bibilhan kita pag nagka sweldo uli ako Okay ba 'yon?"
"Pramit mo ta'akin 'yan ah." Lumabi ang bata.
"Oo naman, Pramit!" Piningot ko angilong niya.
"O sige, sumama ka na kay kuya ulo mo maligo dahil baho baho mo na. Paamoy nga kili kili?" Itinaas niya ang braso sabay amoy ko no'n. "Hmm baho na. Ligo na." Kahit hindi naman pero tumawa ito sabay halik sa labi ko. "Sige po nanay key."
Tumayo ako sabay baling kay ana, "Samahan moko mamalengke bili tayo ulam."
Pag gabi na kasi kaya lulutuan ko na muna sila ng masarap na ulamin, Hindi ako pumasok dahil umuwi ako dito sa probinsya. Pagod na akong dumating tapos nakita kong hindi pa sila naka pag hugas kaya nag hugas nalang ako. Kumuha lang ako ng apartment sa manila para bawas gastos Mahirap na at malayo ang probinsya namin sa syudad. Nandito kasi kami sa probinsya at Ever since dito na kami nakatira. Umuuwi lang talaga ako sa maynila para sa trabaho ko. Simpling probinsya lang kasi ito.
Bumaba kami ni ana sabay nag hawak kamay. Na miss ko lang siyang kasama dahil di ko naman siya nakakasama. Madalang lang. Tuwing kapos sila sa pera ay hinuhulugan ko lang sila dahil sa minsan ay urgent ang trabaho ko at hindi ko sila napupuntahan.
"Hala siya ba iyon? Keybata bata naman at nabuntis!"
"Hala ka. Siya pala yung nabuntis limang taon na ang nakakaraan?"
"Balita ko ay nag aaral pa yang kababatang kapatid ni key ah?Bakit gano'n nalang kung ibigay ang sarili!?"
"Nakaka inis nga e, keybata bata ay naglandi na agad. Siya pa naman pinapaaral ng ate niya."
Kulang nalang ay sabunutan ko ang mga tsimosang ito Hinawakan ng mahigpit ni ana ang kamay ko saka umiling na nakatungo "Okay lang ate. Atleast masaya tayo diba?"
Tinignan ko siya Naaawa ako. Hindi ko alam pero bumalik lahat lahat.
"Bumili na tayo para makauwi na."
"O-okay Wag mo silang pakinggan nandito ako. Walang makakapanakit sayo." hinalikan ko siya sa ulo.
Flashback...
"Oh mama! Napa tawag ka?" Kakagising ko lang Madaling araw na at napatawag si mama. "Ma?" Di kasi siya umiimik. "Anyare mama?"
"Anak..." Nanlaki ang mga mata ko dahil imiiyak siya sa kabilang linya.
"Anyare mama?" Pati ako ay kinakabahan. "Buntis ang kapatid mo. Buntis si ana!"
"Ano po?! " Nanlaki ang mga mata ko. "4rth year College palang si ana. Ano buntis siya? Mama naman wag ka namang mag biro ng ganyan. Pagod na nga ho ako sa trabaho ay ganito ang balitang maibubungad-"
"Buntis siya anak. Tinakasan siya ng lalaking naka buntis sa kaniya kaya iyak na iyak siya."
Shit... Napayukom ang kamao ko.
"Uuwi ako diyan.."
Pagdating ko ay kating kati na ako sumigaw. Walang utang na loob.. Walang awa. Nag pakahirap akong mag trabaho sa Manila ganito nalang ang ibibigay utang na loob niya sa akin? Kumakayod ako para buhayin lang siya pero ito igagante sa akin. Pag dating ko sa bahay ay walang imik ang mga tao. Si mama ay nakayuko Kalong kalo niya si ulo. Napatingala ako ng pigilan ko ang iyak ko.
"A-ate.." Baling saakin ni ana. Pinipilit kong ayaw siyang sampalin pero kusang lumapit ang paa ko para sabunutan siya.
"Hayop ka Ito igagante mo saakin? Ha? Ito ba? Nagpa buntis kang hayop ka." sinabunutan ko siya. Pati siya ay sumusunod nalang sa agos. "Tama na.. Anak masasakatan mo ang kapatid mo."
"Yun na nga ginagawa ko ma! Sinasaktan ko ang hayop na 'to! Ako nagpaparaal sayo. Kumakayod ako para sayo. Walang hiya ka, Ito ang igagante mo saakin?! Kahit na pagod ako sa trabaho nag o over time lang ako para may ipang bayad ka sa paalan mo!" Napaiyak na ako ng mapagod ako. Kusang humiwalay ang kamay ko sa buhok niya
"Sorry ate... Sorry!" Yumakap siya saakin habang umiiyak. "Hindi ko sinasadya. Hindi talaga!" Napailing iling nalang siya Kusang lumapit ang kamay ko para haplusin ang buhok niya.
"Ana naman.." Napa hagulgol na ako. "Sorry ate... Sorry... Diko sinasadya."
"Bakit ganito nalang ang parusang ibinibigay saakin!?" Pati si nanay ay napayakap narin
Malapit narin o-operahan si ulo pero wala pa akong alam na saan kukuha ng pera para ipang bayad sa operasyon niya.
"Ate Patawarin mo ako. Patawarin mo ako."
Napatingala ako. Jusko tulungan niyo kami.
"T-tahan na... Diko sinasadyang sampalin ka." Bulong ko.
"Mag aaral ka parin, Ipapangako ko makaka pag tapos ka ng pag aaral."
...
"Manok po isang kilo." Sabay abot ng bayad. Si mang ignasio ang suki namin pagdating sa bilihan. Kapit bahay namin siya kahit na malayo layo. Minsan ay naghahatid sila ng ulam. Dahil sa sobrang bait nila ay minsan ay sila narin tumutulong kay mama na ihatid ang paninda sa palengke.
"Ang ganda gand mo parin Key walang kupas."
"Di naman mang egna."
"Tsk may boyfriend kana ata e. Meron na ba?"
"Wala po. Trabaho muna bago iyong ganiyan ganiyan."
"Ikaw ana? Kamusta yung pamangkin ko? Si baby gee?"
"Mabuti naman ho. Malusog nga ho eh."
"Ay ang anak mong iyan. Sobrang bibo tinulungan nga akong mag hakot ng panggatong kahit ang liit liit pa."
"Ganyan po siya. Matulungin sa kapwa ang anak ko!" Sabi ni ana.
"Sige ho at ng makauwi na kami." Pag papa alam ko.
"Sige sige. Mag ingat kayo ha?"
"Okay po!" Sabay sabi namin ni ana.
Pagkatapos mamalenge agad ko nilutuan ng manok na paburito ni baby gee minsan lang sila makatikim na masasarap na ulam pag umuuwi ako dito.
Inilapag ko ang kanin pati ang ulam. "Kain na, Mama." Tawag ko sa kanila. Lumabas sila sa kanila kwarto si mama ay halata ang pagod sa mukha niya.
"Mama diba sabi ko itigil mo muna pag bebenta ng gulay? Nagkakasakit kana tuloy."
"Di pwedi anak Paano kung hindi mo na kami masusustensyuhan? Tapos minsan ay busy ka pa sa trabaho mo. Minsan ay umaate ang ang asma ni ulo. Sa pag bebenta ko lang na gulay ay nakakatulong na sa pang araw araw na gastusin anak."
Napatitig lang ako kay mama. Sabagay may punta siya. "O siya kumain na tayo!"
"Sige ho ma."
Umupo sila sa mesa. Pinaandar ni ulo ang tv. At mabuti naman ay nabilhan ko din sila ng tv at cable para malibang sila. Ito ang isa sa mga ni re request ni baby gee para daw makapanood sila ng cartoon.
"Woooh nandiyan na siya!" Halata sa kilig ni ana.
"Sino naman?" Kunot noong tanong ko.
"Duh ate dika naman ata siguro pinanganak kahapon diba?"
"Eh bakit nga?" Sumubo ako ng kanin.
"Sikat na photographer sa buong bansa. He is most hot and handsome man and first ever younger photographer na naka bilang sa international photography, Si cholo colash kleron."
Napabuga ko ang kinain ko. "Oh okay ka lang?" Binigayan niya ako ng tubig. Umiiling ako sabay baling sa tv.
Nanduon siya at ngumingiti sa camera. Nasa ibang bansa ata to dahil sa puro buhangin. Tapos hawak hawak niya ang malaking camera ko sa tansya ko ay napaka mahal.
"Bakit siya inaabangan mo?"
"Model siya ate, Pero mas hilig niya talaga mag take ng picture. Napaka ganda niyang kumuha ng picture kahit pangit pa ito. Marami na rin ang nakuha niyang award dahil travelers siya at kahit saan na siya nakaka punta, Tapos most of the time ay kinukuha siya ng mga sikat na artista. Hindi siya kumukuha ng maliit ang bayad. Tapos bali balita ay ang gwapo niya sa personals. May company siya dito na tinatawag nilang CP! Maari ka lang maka pasok sa kompaniyang 'yon kapag naka pag tapos ka sa pag aral, Kaya nga gustong gusto ko makapag tapos ate para duon makapasok." bungisngis niya saakin.
"So you mean kapag di ka nakapag tapos ay dika qualified duon?"
"Nadali mo ate. Kaya nga lahat ng kababaihan ay gustong makapasok sa kompaniyang 'yon. Hindi sila tumatanggap ng babae minsan Kaya swerte mo pag nakapasok ka duon."
"Updated ah."
Sarcasm na sabi ko. Sabay baling sa tv This time ay ini-interview na siya.
"Ayan na ate. Ganda ng boses niya manly na manly, I dol!" Cheer pa niya.
"See yah manila." Sabi niya sa may tv.
"Oh emm geee! Uuwi na siya? For real?"
"Umupo ka na nga.
"Ate... Ate gusto ko siyang makita sa personal..." Mangiyak iyak na siya.
"Tumigil ka saan ba siya galing?"
Sorryip na curious lang ako.
"Duh! Sa LA siya namalagi five years. Uuwi na talaga siya..." Sigaw niya.
"Kumain kana." Inis na sabi ko.
"Sikat siya sa kabataan, Tapos mas sisikat pa siya dahil sa may panibago siyang trabaho."
"Ha?"
"Imean nakabalita na sa buong television na ikakasal na ang kambal niya sabagay napaka yaman nila tapos. Akalain mo billionaire mga parents niya. Tsk sana tayo din nuh?"
"Kontento na ako sa binigay ng dyos para saatin Ana."
"Oo nga ako rin." tapos ay kumain na siya.
"Nanay key uuwi ka na bukas?"
Bilang tanong ng apat na taong gulang na si gee.
"Oo baby eh. Mag ta trabaho ako para a inyo."
"Tapos iyung pangako mo taakin."
"Oo tutuparin ko 'yon." Kinurot ko ang maliit niyang ilong.
"Sige po." Masayang saad niya.
Mahabang panahon pa naman para makita ko sila ulit. Lubos lubusin ko na makasama sila.
Dahil pag bumalik na naman ako sa Manila. Mag ta trabaho na naman ako para mabuhay kami. Akala nila ay maganda ang buhay ko sa Manila. Akala nila isa akong empleyado pero nagkakamali sila.
Isa akong janitress sa isang maliit na kompaniya.
Janitress na nag lilinis lang sa mga dumi nila. Pinapahirapan pero sapat na ang sahod kong 15k kada dalawang buwan. Sapat na para mabuhay kami.
Sapat na sapat na para sa akin pero hindi ko pinapakitang nahihirapan ako. Hindi ko ipinapakitang hirap na hirap na ako. Highschool graduated lang ako kaya walang tumatanggap na ibang kompaniya sa akin, Kahit saan ako mag-apply ay tinataboy nila ako. Hindi daw nila kailangan ng walang pinag aralan, Maganda lang daw ako. Sexy pero wala daw utak.
Nakaka intindi ako ng English pero konti lang sapat na para maintindihan ko. Okay lang maging janitress kesa pinasukan kong Bar nuon, Ayoko ng bumalik ulit duon. Ayokong maalala ang lahat.
Tahimik na ang buhay ko. Masaya na ako. Sapat ng may nag mamahal saakin. Nandyan sila para mahalin ako.
Sapat ng may pamilya ako. At nakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.