Chapter 2
"Tapos na ba?"
"Malapit na ho!" Sigaw ko Atat naman neto.
Inaayos ko kasi ang inidoro eh, Dahil bumaha 'yon, Tangina ang baho! Pero okay lang ganito naman araw araw eh.
"Tapos na." ngumiti ako sa empleyado ng kompaniya. "Tangina feelers!" Bulong ko.
Naka nevi blue akong uniporme, Jumper iyun na may terno pang puti sa loob. 2 years na akong nag ta trabaho dito. Sa first floor hangang sa last floor ay nililinis namin, Hindi lang naman ako ay janitress dito. May mga kasama ako at Syempre boring din pag break time pag walang kasama kaya At mabuti nalang at nandito sila.
"Kumain ka muna." sabi ni nay lusi, Kasamahan ko siyang janitress dito tapos guard naman ang asawa niya.
"Salamat nay."
Nanay tawag ko sa kaniya siya kasi ang nakakatanda saamin, Pumunta ako sa maliit na pahingaan namin para duon mag hapunan. Nag hugas na muna ako dahil galing akong cr kaya pagdating ko duon kumain na ako.
"Oh may sideline tayo ngayon." Napatingala ako kay lita.
Nag bagong buhay narin pala ang gaga, Okay na daw na maging alipin wag ng maging alipin ng mga lalaki sa bar. Kasama ko siya, Nakakatuwa lang kasi na may pa make up make up pa siyang nalalaman pero janitress din naman pala.
"Ano naman?"
Umupo siya sa may tabi ko. "Kasi may nakita akong pwedi natin pasukan. Regular na 'yonn key."
May ipinakita siya saakin. "Ano yan?" Tumaas ang kilay ko. "Alam mong wala tayong tinapos."
"Yon na nga eh Wala tayong tinapos kaya kailangan natin 'yan."
"Paano?"
"Ang kompaniyang yan ay nangangailangan sila ng highschool graduated. Eh qualified tayo roon, Saka isa pa gusto ko naman ay umangat tayo. Besh naman hindi naman habang buhay janitress tayo. May pangarap pa tayo hindi ba? Makapangasawa ng mayaman." pag mamaktol niya. Eh bakit pa kasi sumama ito saakin eh may pangarap din naman pala.
"Sigurado ka highschool graduated kailangan nila?"
"Hmm-mm binibigyan nila ng pagkakataon yung walang trabaho kaya gano'n. Saka isa pa pwedi ka roon." Tumayo siya at pinatitigan ako. "Maganda ka? Sexy! Makinis ang balat. Maputi."
"At bakit na naman mukha ko ang nakita mo?"
"Malay mo at magustuhan ka ng big boss duon, Mayaman ngunit matanda." bungisngis niya. Pina ikotan ko nalang siya ng mata.
"Sige na nga kailan ang interview? Kailangan bang maging formal duon?" Tanong ko.
"Hindi- kailangan naka bra panty ka lang duon."
Tinignan ko siya ng masama, tapos biglang naging seryoso. "Syempre uy, kompaniya 'yon Malaking kompaniya!" Sigaw niya.
Napangiti nalang ako, Kahit kailan talaga nakakatawa parin siya.
...
"Manong bayad po." Abot ni lita sa bayad ng traysikel Hindi kasi naman afford ang taxi Saka pang jeep tropic kaya nag traysikel nalang kami.
"Okay na ba 'to?" Kinakabahan ako Eh kasi first time ko at hindi pa ako natanong pero magaling din naman ako sa sagutan mga ganern.
"Oo naman ganda mo nga eh." Inayos niya ang neck tie ko, Pina neck tie pa ako e mag a apply lang din naman kami.
Naka suot ako mg skirt hangang above sa tuhod. Tapos yung damit ko naman ay fitted na fitted parang hindi nga ako makahinga pero kurbadong kurbado ang pangangatawan ko.
Tapos si Lita naman ay naka suot ng pang formal pero sexy? E kasi galing kaya 'yan sa bar daming damit na sexy hindi ko nga alam bakit pumasok sa pagiging janitress e pwedi naman siya mag hanap ng bago. Di yung sinamahan pa ako ng gago.
"Halika na baka mahuli tayo."
"Sige." Pumasok kami saka nag mading pumunta sa may 15th floor duon daw gaganapin ang interview at Saka excited narin ako. Pagdating namin ay agad kaming umupo sa may bench baka kasi may makauna pa saamin mahirap na talaga.
Buti at nag aga kami, Andami na kasing taong nag sidatingan Nag hihintay lang kami. Ang iba ay lumalabas na disappointed ang mukha. Ang iba ay naka ngiti. Ako kaya? Bahala na.
"Highschool graduated ka?" Tanong ng nasa unahan ko. "Oo hindi na ako naka pag college dahil walang pera." sabi ko.
"Pareho tayo. Wala din pera."
"Okay lang 'yan bata ka panaman." Sabi ko.
"Ilan taon kana?" Tanong niya.
"28 na ako mag ti-turning 29 sa susunod na taon."
"Ah ate na pala kita I'm 23 po." Magalang na sabi niya.
"Basta galingan mo ah?"
"Oo naman."
Bigla akong kinalabit ni lita.
"Oh?"
"Alam mo ba ano a-aplyan natin?"
Umilinga ako.
"Magiging cashier sa isang malaking mall." Tili niya pero pabulong.
"T-talaga?" Napalunok ako. Marunong naman ako ng math pero paano kong may mga amerikanong bumili? Hindi ako marunong mag English. Jusko naman tulugan moko!
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Galit na sabi ko.
"E ngayon ko lang din nalaman Galit agad?"
"E kasi ano ba ang itatanong saatin?" Baling ko sa kaniya.
"Na marunong tayong mag bilang?"
Binatukan ko nga. Tangina niya!
"Miss key-anne tolintino!" Sigaw ng babaeng lumabas sa pinto.
"Maam?" Tumayo ako.
"Ikaw na. Bilis!" Halata sa kilos nito ang pagka maldita.
"Goodluck besty!"
"Heh!"
Ngumisi lang si lita.
Pagpasok ko ay may naka upong tatlong lalaki at halata sa mga itong mga bata pa. Tapos tatlong mga babaeng kasing gulang ko rin at yung babaeng matanda na parang maldita.
Ang su-swerte nila, Nahihiya ako dahil hindi ako naka pagtapos. Tapos sila ay mga professional na. Tapos kasing edaran ko lang din sila.
"Umupo ka miss tolintino."
"Salamat ho." Umupo ako tapos tinitigan nila ako.
"So miss tolintino?"
"Po?" Kinakabahan ako.
"Are you willing to win this job?"
So a'yon Naintindihan ko naman kaso diko alam ano isasagot ko. "Umm pwedi tagalog po?"
Napangiti sila. "Pwedi kahit na anong salita miss tolintino. Basta naiintindihan namin."
"Salamat po, Ummh willing po akong ipanalo itong trabaho dahil ako lang ho bumubuhay sa pamilya ko, Hindi po ako naka pag tapos ng pag aaral kaya nais ko sanang matapos ang susunod kong kapatid. Gusto ko siya 'yon-"
"Stop!" Sabi ng matandang mukhang unggoy.
"You're here for job right? How do we all know that you are good at in this? You supposed to know how to learn this job. So what is the strategy that you could give on us to improve our company? Although sa mall ka dapat." Sabi ng matanda. Kahit nga mga katabi niya di nakakahirit.
Humugot ako ng lakas ng loob para simagot.
"Thank you for the wondering questions, Ang strategy na maibibigay ko ay maging magalang. maging pala-kaibigan sa ating customers tapos palaging naka ngiti kasi maam Kapag ikaw ay palaging naka simangot, Palaging galit dika lalapitan ng iyong kostomer dahil matatakot na sila agad. Dapat be wise. You can be happy habang nasa trabaho."
Okay napa-inglis na ako ng tuluyan. May tiwala ako sa english ko. Selfish ika nga nila.
Wait diba dapat self-love? Jusko sana pumasa ang sagot ko iyon nalang sana.
Lahat sila ay nakanganga Okay sabi ko na nga ba di papasa 'yon. Napayuko ako.
"Wait!" Biglang may tumawag sa isang babaeng naka salamin. Halata sa mukha nito ang takot saka kinakabahan.
"Sir... Tinapos na h-ho namin ang interview while you were not here. Po? Sir di na po. Kaya na namin 'to." Bigla itong natahik.
"Sige 'ho. Pumunta na 'ho kayo?"
Ilang minutos ang hinintay kaya gano'n nalang din ang gulat ng nasa harapan ko at tumayo sila ka gaaad, ako naman ay nganga lang So chill lang ako, Bigla akong napalingon. Nanlaki ang mga mata ko.
Shit.