Chapter 1
Isang malakas na katok ang narinig ko sa aming pintoan ng mga alas sais ng umaga na naging dahilan sa aking paggising at pagbangon. Medyo inaantok pa ko at tinatamad pa kong tumayo.
"Aleng Magda! Tao po?" tawag ni manang rosa sa aking ina habang walang tigil parin siya sa pagkatok ng aming pintoan.
Paglabas ko galing sa kuwarto ko, nakita ko si mama na nakaupo sa upuan habang dala-dala niya ang isang tasa ng kape. Gising na pala siya. Iniligay niya ang tasa sa mesa at siya'y lumapit sa pintoan para buksan ito.
"Sandali lang po." sabi ni mama kay manang rosa.
Dali-dali naman akong lumapit kay mama at sinamahan ko siya. Pagbukas niya ng pintoan, nakita namin ang sama ng mukha ni manang rosa habang nakatitig siya sa amin dalawa. Ang aga-aga pa, mainit na yung ulo niya.
"Hanggang kailangan pa po ba kayo babayad sa upa niyo? Ilang buwan na aleng magda at nauubos na ang pasensya ko sa inyo. Mukhang imposible na nga sigurong makakabayad pa kayo ng utang niyo na nagkakahalaga na ng walong libo! Ano? Magbabayad ba talaga kayo o hindi?" matigas na boses ni manang rosa at sya'y napabuntong ng hininga.
Hindi nasagot si mama dahil nahihiya narin siyang makiusap kay manang rosa at sa kanyang itsura ay nakikita kong nag-aalala na siya kung ano ang kanyang gagawin kaya ako muna ang humarap at kumausap sa kanya.
"Ah, manang, wag po kayong mag-alala. Gagawa po ako ng paraan para makabayad kami agad sa utang-" naputol ang aking salita ng biglang lumakas ang kanyang boses sa harapan ko.
"Ay, naku! Diyos ko! Ayoko nang makinig sa mga pakiusap niyo! Masakit na sa tenga! Bibigyan ko nalang kayo ng isang linggo, kung hindi kayo makakabayad agad, umalis na kayo dito at lumayas na kayo dito sa bahay na inuupahan niyo! Naiintindihan niyo ba?" galit ni Manang Rosa bago siya tumalikod sa aming harapan at umalis papalayo.
Nang wala na siya, isinarado ko agad ang pintoan dahil nahiya ako sa mga kapitbahay namin. Dahil sa lakas kasi ng boses niya, alam kong rinig iyong ng mga ka-boardmates namin. Humarap ako kay mama at kinausap ko siya.
"Ma, pasensya, ha. Hindi pa kasi ako nakahanap ng trabaho kasi kahapon alam mo naman, ninakawan ako ng wallet. Mabuti na lang, may mga inipon pa ako dito." malungkot na sinabi ko sa kanya.
"Okay lang anak. Naiintindihan ko naman. Siguro kung wala akong sakit sa puso, ako nalang yung maghahanap ng trabaho para mabayaran ko na 'tong utang na 'to at matulongan ko kayo sa mga pangangailangan niyo pero anak, di ko na talaga kayang magtrabaho." paliwanag ni mama sakin at ako'y naawa sa kanyang kalagayan.
"Hindi po ako titigil. Pangako. Maghahanap ako ng trabaho ngayon. Wag na kayong mag-alala. Basta, alagaan niyo po ng maayos si Bobby at wag niyo pong kalimutan na ibigay niyo sa kanya yung inhaler na binili ko baka kasi bumalik na naman yung asthma niya." paalala ko sa kanya habang nakikita ko pa rin sa kanyang mga mata ang lungkot.
Simula nung pagkamatay ng aking ama, mas lalong naging malungkot na ang buhay ko. I missed my papa so much. Siya kasi yung palaging nagpapangiti sa amin at siya palagi yung nagpapalakas ng loob namin. But now, he's gone.
Hindi parin mawala sa sarili ko ang pag-alala para sa aking bunsong kapatid nasi bobby lalong lalo na sa aking ina. Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa hirap ng buhay at kinakapus narin kami sa pera. Pati si bobby, nahinto din ang kanyang pag-aaral.
Kaya ngayon I will do my best to find a job para magkapera lang ako. Kahit anong trabaho, papasukin ko. Wala nakong pipiliin pa. Basta lang matulongan ko si mama at ang kapatid ko.
Pagkatapos ng aming almusal, agad akong nagbihis at umalis ng bahay. Lalabas na sana ako ng gate kaso nagkita kami ni Leah.
Leah is my friend at ka-boardmate ko siya. Siya ay mabait at maaasahan na kaibigan that's why I like her. Nakilala ko siya simula nung paglipat namin dito sa boarding house.
"Oy! Hi, Justin! Aalis ka?" tanong niya sakin.
"Oo, bakit?" tanong ko naman.
"Naghahanap ka ba ng trabaho?" nagulat ako ng malaman niya ito.
"Pano mo nalaman?" pagtataka ko.
"Ay naku. Narinig ko galing sa mga chismosa nating mga kapitbahay. Di ko alam saan galing nila nakuha ang source of energy." sabi niya sakin na may halong pagbibiro.
"Ganun ba." nang marinig ko ang kanyang sinabi, naisip ko tuloy na dapat talaga kaming mag-ingat dito sa mga kapitbahay namin. Di talaga sila mapagkakatiwalaan.
"Suggest ko lang, ah. Bakit hindi ka kaya magtrabaho dun sa bar na pinagtatrabahuan ko. Tamang-tama yung boss namin nangangailangan ng isang bartender. Agree ka ba?" mungkahi ni leah sa akin.
"Talaga ba? Sige! Tamang-tama kailangan ko ng pera para sa pambayad namin dito sa upa." sang-ayon ko sa kanya.
"Oh, Sige go! Hintayin mo ko, ah! Sasamahan kita dun kasi papasok narin ako." sabi niya sakin bago siya umalis.
Mga ilang minuto ang aking paghihintay, dumating narin si leah at nakasuot na siya ng barmaid uniform niya. Sabay na kaming umalis at sumakay ng taxi. Pagdating namin sa bar na kanyang tinutukoy, kami'y pumasok dalawa sa loob at ipinakilala ako ni leah sa kanyang boss.
Sa paga-apply bilang isang bartender, hindi na daw kailangan ang formal educational qualifications pero kailangan nila ng certificates katulad ng Responsible Service of Alcohol para makapagtrabaho ako sa kanilang bar kaya inasikaso ko agad ang requirement na kanilang kinakailangan.
Nang maibigay ko na sa kanila ang RSA, sa wakas, nakapasok narin ako at pwede nakong makapagtrabaho sa kanilang bar. Dumaan muna ako sa isang training para ma practice daw yung skills ko for being a bartender.
Naisip ko na hindi lang dapat ako aasa sa trabahong 'to, I will find another job para doble ang kayod ko at mabayaran ko na agad ang utang namin kay manang rosa. Medyo nakakapagod kung araw-araw ang pagsisikap ko pero kakayanin ko nalang 'to.
Pagdating ng tatlong araw na pagtatrabaho ko dito sa cheers and beers bilang isang night bartender, naging mahusay na ko sa mga gawain ko at natutuwa naman ako sa aking trabaho habang naglilingkod ako sa iba.
Hindi naman ako masyadong nahihirapan kasi tinutulongan naman ako ni leah at isa pa, nakapag-ipon-ipon narin ako ng kaunting pera subalit di pa talaga sapat.
Isang gabi, habang nagse-serve ako ng mga inumin sa mga customers, may napansin akong lalaki na nakatitig sakin habang naninigarilyo ito. Hindi ko nalang siya pinansin baka ma-distract yung pagtatrabaho ko dito pero maya-maya, I can't believe na ang mga mata ng lalaking 'to ay nakatutok parin sakin.
Palagi niya kong binabantayan. Ano bang meron? May mali ba sa suot ko? May dumi ba sa mukha ko? May binabalak ba siyang masama? Nakakatakot naman 'tong taong' to. Ewan ko ba sa kanya. Ako tuloy napalapit kay leah at kinausap ko siya.
"Leah." tawag ko sa kanya habang may nililista siya sa papel. Hindi ko alam kung ano ang mga sinusulat niya.
"Ano?" tanong niya at sya'y napahinto sa pagsusulat saka siya tumingin sakin.
"Nakikita mo ba yung lalaking yun, banda ron sa gilid. Nakasuot siya ng itim na jacket tapos matangkad siya." sabi ko sa kanya at sinundan naman ni leah ang tingin ko na nakatutok dun sa lalaking tinutukoy ko sa kanya. Hindi ko tinuro baka kasi mahuli niya ako na pinag-uusapan namin siya.
"Saan ba?" tanong niya uli habang patingin-tingin siya kung saan-saan.
"Ayan oh! Yung lalaking naninigarilyo tapos medyo may kunting balbas siya sa mukha." paglalarawan ko.
Hanap si leah ng hanap kasi hindi niya masyadong makita dahil sa dami ng tao hanggang sa nakita narin niya yung lalaki na tinutukoy ko.
"Ah, ayan ba? Hala ka, baka may interes yan sayo. Patay ka." biro ni Leah sakin at tinawanan niya ko.
"Gaga, ewan ko ba sa kanya. He's really weird. Natatakot na tuloy ako sa kanya. Alam mo, mukha siyang kriminal." sabi ko sa kanya.
"Pero gwapo." dugtong niya sa sinabi ko.
Nang tinitigan ko ang mukha ng lalaki, yup. Leah is right. Gwapo nga siya at may magandang pangangatawan. Matangos yung ilong niya at makapal ang kanyang mga kilay. Maganda rin ang hugis ng kanyang mukha at maputi din siya. Mukha ata siyang mayaman.
"Hoy! wag tayong magpadala sa itsura niyan baka kriminal nga talaga yan." awat ko sa kanya at sya'y napatawa uli.
"Hay, sige na justin. Umalis ka na nga! May nililista pa ko dito, bantayan mo muna yung mga customers natin baka may kailangan sila." saad niya sakin at tumango lang ako sa kanya bago ako tumalikod at nagpatuloy sa aking trabaho.
Habang binabantayan ko ang mga customers, napansin kong wala na yung lalaking parating nakatitig sakin kanina at hindi ko alam kung nasan na siya kaya binalewala ko nalang yung taong yun. Mabuti naman, umalis na siya.
At 12:30 p.m., nagsarado na ang bar at uuwi na ako ngayon sa bahay kaso napansin ko, wala ng mga sasakyan at naririnig kong kumukulog na yung langit. Sa palagay ko, uulan ata 'to kasi nararamdaman ko yung lamig ng hangin. Naku! Pano na 'to! Si Leah nakauwi na sa kanila, ako nalang ang hindi pa.
Hindi kasi kami nagkasabay na umuwi kase inutusan pako ni Boss Edwin kanina. Wala akong choice kundi maglakad nalang at umaasa na sana may makita akong sasakyan para naman makauwi nako. Ilang sandali, bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.
Shit! Wala akong dalang payong. Tatakbo na sana ako subalit nagtaka ako kung bakit di ako nabasa hanggang sa nagulat na lamang ako ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ko at pinayongan niya ko.
"Um, excuse me po?" nagtataka ako sa kanya dahil hindi ko siya kilala hanggang sa nang pinagmasdan ko ang kanyang mukha ay naalala ko tuloy na siya pala yung lalaki na parating nakatitig sakin kanina dun sa bar.
"There's no time for introducing ourselves each other, hali ka, sumama ka sakin." pagmamadali niya at makapagsalita itong lalaking 'to sakin parang close na close kami.
"Wait, do I know you sir? Hindi ako basta-bastang sasama sayo. Sino ka ba?" I get annoyed.
"If you're thinking that I'm a bad guy, you're wrong. Sumama ka sakin kasi may kotse ako at ihahatid kita sa inyo para makauwi ka na. Wala kanang makikita pang taxi dito pero kung ayaw mo talagang maniwala sakin. It's up to you. Wala nakong pake kung anong mangyari sayo dito. Bahala ka." seryoso niyang salita na halos muntik na siyang mairita sakin.
"Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan kita?" paninigurado ko habang nagugulohan na yung isip ko kung papayag ba talaga ako sa kanya o hindi.
"Oo, just trust me, okay? wala akong gagawing masama sayo. Hindi naman kita gagahasain. Hali ka na." sabi niya sakin kaya wala akong nagawa kundi sumama nalang sa kanya at kami'y nagtungo doon sa kanyang kotse.
Pagdating namin, pumasok agad ako sa loob at ako'y umupo sa backseat. Ayokong tumabi sa kanya baka ano pang gawin niya sakin.
Tiniklop ng lalaki ang kanyang payong bago siya pumasok sa loob ng kotse at umupo sa driver's seat. Sinabi ko sa kanya ang address ng tirahan ko kaya bumiyahe agad siya para ihatid ako. Habang siya'y nagmamaneho, binantayan ko talaga siya ng mabuti at patingin-tingin ako sa driving mirror para makita ang kanyang mukha.
"By the way, I'm Tristan Guevarra." pagpapakilala niya sakin pero hindi ako sumagot sa kanya. Nanatili lang akong tahimik.
"Don't worry, hindi ako masamang tao. I'm not a criminal." paalala niya uli sakin.
"Oo na, sige na! Wag munang ulit-ulitin pa! Mabait ka na nga, hindi ka masamang tao." naiinis kong salita sa kanya dahil sa paulit-ulit niyang paalala sakin.
"Diba, ikaw yung lalaki na nakita ko dun sa bar?" deritsahan kong tanong sa kanya.
"Yes, ako yun." sagot niya.
"Kitang-kita kita. Ba't ka nakatitig sakin kanina? Ano bang meron?" curious kong tanong.
"Wala lang, may mali ba?" suplado niyang boses.
"May mali talaga! Napagkamalan tuloy kitang kriminal dahil sa ginagawa mo." I'm getting irritated to him.
"Well, I'm sorry." paghingi niya ng tawad.
Mga ilang oras ang biyahe, dumating narin kami sa Boarding House at ako na ay nagpaalam sa kanya.
"Sige, salamat sa paghatid mo dito sakin. Aalis na ko." sabi ko sa kanya at bababa na sana ako sa kanyang kotse subalit tinawag niya ko.
"Sandali!"
Ako'y napalingon sa kanya.
"Kunin mo 'tong payong baka mabasa ka. Sayo na yan." sabi niya at ibinigay niya ang payong niya sakin.
"Sigurado ka ba?" tanong ko habang nagtataka na talaga ako sa kanyang pag-uugali na pinapakita niya sakin.
"Oo, sige na! Gabi na, pumasok ka na sa inyo!" pilit niyang ibinigay ang payong sakin kaya tinanggap ko nalang ito at bumaba na ako ng kotse.
Pag-alis ko ay saka naman siya bumiyahe papalayo. Naku, that guy is really weird. He's acting to me like we're close. Agh! Never mind. Pagdating ko sa bahay, nakita ko si mama sa pintoan na nakatayo at hinihintay ako. Sa palagay, kanina pa ata siya dito.
"Sino yun, boyfriend mo?" tanong ni mama sakin habang siya'y nakangiti.
"Ano? Di no! Di ko nga kilala yun! Bigla nalang niya akong pinasakay sa kanyang kotse at hinatid dito." sagot kay mama habang tiniklop ko ang payong at ako'y nagmano sa kanya bago ako pumasok sa loob.
"Asos! Binigyan ka pa nga niya ng payong. Oh, sige na. Matulog kana. Ay sandali, tapos ka na bang kumain?"
"Opo ma. Tapos na po. Kayo po ni Bobby, tapos na po ba kayong maghapunan? Kumusta siya?"
"Oo, tapos na. Ayun, tulog na yung kapatid mo. Sige na, magbihis ka na at matulog na dahil alam kong pagod ka galing sa trabaho."
"Sige po, ma." sagot ko sa kanya saka ako pumasok sa loob ng aking kuwarto para magbihis at matulog na.