Pagkalabas na pagkalabas ni Marco sa pintuan ay parang may pinindot na play button sa loob ng silid dahil iglap pang ay nagkagulo ang lahat. Kung kanina ay parang nasa library kami sa sobrang tahimik, ngayon ay parang nasa gitna na kami ng nasusunog na palengke. "Bilisan ni'yo! Sabi ni Sir Marco as soon as she's done!" tili ng head organizer habang aligagang pumapalakpak sa harap ng mga makeup artist. "Unahin ni'yo na siya at ihanda na iyong susuotin niya! Dali-dali, double time!" "Ma'am, sandali lang po, iyong eyeliner!" taranta ring sagot nung nag-aayos sa akin na halos masundot na ang balintataw ko sa sobrang pagmamadali. Konti na lang, baka maging Pirates of the Caribbean ang look ko dahil sa panginginig ng kamay niya. "Iyong buhok! Lagyan ng mas maraming spray para hindi gumalaw

