Ilang sandali pa at panandaliang nawaglit sa isip ko ang lahat ng stress at anxiety na idinulot sa'kin ni Marco nitong mga nakaraang araw. Ang totoo niyan, naisantabi ko muna ang gigil ko sa kanya dahil sa masasarap na pagkain na nakahain sa harapan ko. Ang mga pagkain ang naging priority ko kaya burado bigla ang pagka-bad trip ko sa kasama.
Hindi ko man lang ma-pronounce nang tama yung mga pangalan ng in-order ko kanina na kinakailangan ko pa talaga ang assistance ni Marco upang hindi mabulol at mapahiya sa waiter, pero pagdating ng mga ito sa mesa namin ay hindi naman ako binigo. Amoy pa lang ay nakakatakam na. Kahit iyong hitsura nga ng presentation ng mga pagkain ay mukhang afford na nito ang tuition fee ng isang sem sa college... sa isang mamahaling university.
Fine dining ang estilo ng pagsisilbi ng pagkain, ang dami pang nauna bago ang main course. Masasabi kong kawawa ang dishwasher sa restaurant na ito sa rami ng mga platong nagamit tapos iyong mga laman ay maliliit na serving lang ng pagkain. Mabuti na lang at hindi naman tinipid iyong steak na main course namin.
Ang mga kaganapan ngayon ay masasabi kong isang pambihirang experience para sa katulad kong ordinaryong mamamayan na sakto lang iyong kinikita upang mabuhay.
Kaya normal lang na kinabahan ako kanina no'ng mapansin kong walang nakalagay na prsesyo sa menu nila rito. Kahit naman libre ito ni Marco ay gusto ko pa ring malaman kung magkano iyong kinakain ko. Pero sa kabilang banda ay mas okay na rin sigurong hindi nila nilagyan ng prsesyo dahil baka kada subo ko ay iyon pa ang alalahanin ko, hindi pa ako matunawan sa mahal nang kinakain ko.
"How's your steak?" untag sa'kin ni Marco na nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan.
"Masarap," tumikhim kong sagot.
Understatement of the year iyon dahil sobrang sarap nitong steak na in-order ko. Sa dami ng klase ng steak na nakalagay sa menu ay nahirapan pa ako kanina kung alin ang pipiliin.
"You can try mine, para may reference ka na next time," nakangiti niyang offer sa'kin.
"N-next time?" maang kong bulalas. "Ay, wala nang next time!" mabilis kong dugtong nang makabawi. "Nagpapatawa ka ba? Paanong may next time pa gayong alam mo namang hindi ko afford iyong mga pagkain sa ganitong lugar."
"Ililibre ulit kita," balewala niyang sagot habang naghiwa ng steak niya upang ilagay sa plato ko.
Hindi pa nga ako pumayag doon sa alok niya ay nilagyan na niya ang plato ko kaya wala na akong chance na tumanggi.
Napilitan tuloy akong tikman iyon. Binalewala ko iyong pag-iinit ng pisngi ko dahil pakiramdam ko ay masyadong intimate ang ginawa niyang pag-share ng pagkain niya sa'kin.
Pero nang tila natunaw sa bibig ko iyong karne kasabay nang pagsabog ng masarap nitong lasa ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sarap. Kung masarap iyong sa'kin ay mas masarap iyong sa kanya.
Out of nowhere ay nag-init ang magkabilaan kong pisngi nang biglang sumagi iyong isa pang masarap maliban sa pagkain... iyong masarap na bawal sa'kin.
Bakit kasi nasa line of vision ko itong si Marco tuwing sumusubo ako, parang gusto ko tuloy siyang tikman— este pandilatan ng mga mata.
Tingin kasi nang tingin sa'kin, kung ano-anu na tuloy pumapasok sa madumi kong utak. Ako lang yata iyong virgin pero iyong utak sobrang wild na katulad no'ng mga sinusulat kong nobela.
"Masarap 'di ba?" maya-maya ay tanong sa'kin ni Marco.
'Oo, ikaw.'
Muntik ko nang naisaboses ang bulong ng demonyo sa utak ko. Mabuti na lang at mabilis kong napigilan ang sarili.
"It's their specialty," nakangiting dagdag ni Marco. Wala siyang kamalay-malay sa kawalanghiyaang tumatakbo sa utak ko.
Kailangan ko pang ipaalala sa sarili ko na iyong pagkain ang pinag-uusapan namin. Wala namang kuwestiyon sa sarap ng pagkain, iyong utak ko lang talaga ang questionable.
Umayos na lang ako ng upo at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang tela nilang napkin na sa sobrang lambot ay nahiya ang face towel ko sa bahay. Inirapan ko siya para hindi halatang nahahati ang atensiyon ko sa malapad niyang balikat at matipunong mga braso at sa kagustuhang dilaan ang sauce sa plato ko dahil sa sarap.
"Hindi na rin masama," kunwari ay balewala kong tugon. "Expected ko nang ganito kasarap ang mga pagkain dito. Sa sobrang mahal ba naman ay dapat lang talaga." Bahagya kong hininaan ang boses at baka may makarinig.
Naaaliw na lumalatak si Marco bago nangalumbabang tumitig sa'kin. Bigla tuloy ay hindi kk mapigilang ma- conscious dahil tila ba nanunuot hanggang sa kaluluwa ko iyong mga titig niya.
Hindi ko pa nabawasan iyong dessert na kanina pa kumakaway sa'kin pero parang bigla ay naiilang akong magpatuloy sa pagkain.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" halos pabulong kong asik sa kanya.
"I'm just wondering..." usal niya habang tila sinasadyang ibitin ang gustong sabihin.
Nagsalubong ang mga kilay kong nakipagtagisan sa kanya ng tingin habang lalong nadagdagan ang pagkairita ko.
Wala sa sariling mapaghigpit ang kapit ko sa hawak na kubyertos habang ngali-ngaling itusok sa mga mata niya ang hawak na tinidor. Wala pa man siyang sinabi ay tila ba may ideya na ako na sisimulan na naming pag-usapan ang natuklasan niyang lihim tungkol sa'kin.
"Paano mo natago nang sobrang tagal sa pamilya mo ang tungkol kay Midnight Mist?" puno ng kuryusidad niyang tanong.
"Wala ka nang pakialam doon," nagtatagis ang ngipin kong sagot. "Alam mo ba iyong 'mind your own business'? Dapat ay iyon ang gawin mo."
Ibinaba ko ang hawak na kubyertos na lumikhan ng medyo kalakasang tunog nabg tumama sa mamahaling pinggan. Hindi ko masabi kung kabusugan ba ang dahilan nang biglang pagkawala ng gana ko o ang sinimulan naming usapan.
Kasunod niyon ay napagtanto kong masyado akong nakampante at bumaba ang depensa ko laban sa kaharap dahil sa lugar at pagkain. Panandaliang nawala sa isipan ko na ang kaharap ko ay ang lalaking nakakalam ng sikreto na maaaring sisira sa tahimik kong buhay at maglalagay sa'kin sa isang alanganing sitwasyon sa mga mata ng mga kaanak at kakilala ng pamilya ko. Kahit mga magulang ko ay walang ideya sa katauhan ko bilang Midnight Mist. Tuwing maisip ko ang mga pinagsusulat ko na maaaring mabasa nila at ng mga kapatid ko ay parang gusto kong mangiwi at manlamig. Hindi ako komportable sa isiping mababasa ng kahit sino sa pamilya ko o maging mga kakilala ang mga sinusulat ko.
Nagsusulat din naman ako ng hindi erotika pero sa erotic novels talaga ako mas kilala. Hindi ko nga lang alam kung kailan ako nagsimulang bansagan bilang 'Queen of Erotica' ng mga reader ko. Dati ay tuwang-tuwa pa ako pero ngayon ay parang ayaw kong magkaroon ng koneksiyon sa titulong iyon.
"Wala kang mapapala kung panghihimasukan mo ang personal kong buhay," matigas kong pagpapatuloy. "Kaya huwag mo nang isiping gamitin ang natuklasan mo laban sa'kin."
Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ni Marco, isang pilyong ngiti na tila ba mas lalong nagpaapoy sa inis na nararamdaman ko. Sumandal siya sa backrest ng kanyang upuan at pinagkurus ang mga braso sa dibdib, habang ang mga mata ay hindi pa rin humihiwalay mula sa pagkakatitig sa akin.
"You're being too paranoid, Tita Claudia," simula niya sa baritono at kalmadong boses. "I'm not here to blackmail you. At least, not in the way you're thinking. I was genuinely intrigued. You carry yourself with such... poise. Such traditional elegance. And then there's Midnight Mist— the 'Queen of Erotica' who writes with such raw, unbridled passion that she makes her readers' blood boil and hearts race. It's a fascinating contrast, don't you think?"
"Hindi mo kailangang i-analyze ang pagkatao ko," malamig kong putol sa kanya. "At huwag na huwag mo akong tatawaging 'Queen of Erotica' sa ganyang tono. Hindi mo alam ang sinasabi mo."
"Oh, but I do," mabilis niyang sagot. Bahagya pa siyang dumukwang, sapat lang upang malanghap ko ang mamahalin niyang pabango. "I did my research, Claudia. I don't just walk into a 'negotiation' without knowing exactly who I’m dealing with. And what I found was... impressive, to say the least."
Umismid ako at uminom ng tubig para lamang may magawa ang nanginginig kong mga kamay. Sa loob ko ay nagsitunugan na lahat ng mga warning bells pagkarinig na pagkarinig ko sa salitang 'negotiation'. Taliwas ang dating niyon sa'kin sa nauna niyang sinabing wala siyang balak na i-blackmail ako.
"Research? Bakit?" mahina man pero paasik kong tanong . "Wala ka na bang ibang mapagkaabalahan sa negosyo mo? Isn't a young, successful businessman like you supposed to be busy closing deals or attending board meetings? Bakit mo inaaksaya ang oras mo sa isang 'hamak' na erotic writer na katulad ko?"
Nagpakawala siya ng isang mahinang tawa na lalong nagpatingkad sa naaaliw na kislap sa kanyang mga mata.
"A 'mere' erotic writer?" pumapalatak niyang tanong bago unti-unting naging seryoso ang eksepresyon niya sa mukha. "Don't sell yourself short. That's modesty bordering on insult to your own craft. When I looked into Midnight Mist, I didn't find some 'porn writer' hiding in a basement. I found a literary powerhouse. You have millions of followers across multiple digital platforms. Your fandoms on social media are massive, loyal, and honestly, a bit terrifying in their devotion. You've built an empire out of words, Claudia. You're a brand. A very lucrative, very influential brand."
Natigilan ako. Hindi ako sanay na marinig ang mga numerong iyon mula sa bibig ng isang taong kakilala ko sa totoong buhay. Para sa akin, ang milyun-milyong reads at followers ay mga numero lang sa screen... isang abstract na bahagi ng aking sikretong mundo. Pero ngayong nabanggit ito ni Marco ay parang nagkakaroon ng bigat, nagkahugis at naging parte ng reyalidad ko ang lahat kaya nanganganib na mas madaling makita ng pamilya ko kung hindi siya titigil.
"May tanong lang ako," patuloy ni Marco, bumalik iyong kislap ng kuryusidad sa mga mata niya na nagpapitlag sa puso ko. "How do you do it? How do you write those scenes— the intimacy, the tension, the 'taboo' elements— while living this perfectly curated life under your famil's nose? Do you draw from experience, or is your imagination simply that vivid? Because some of those chapters... they felt incredibly real. Almost as if you were pouring out a side of yourself that you've kept locked away."
Namula ang buong mukha ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa matinding hiya at galit. Sa dami ng mga nagawa kong nobela ay hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang nabasa niya. Imposible naman kasing naubos niyang basahin lahat sa loob lang ng ilang araw.
"That is none of your business, Marco!" matigas kong sabi. Siguro kung nasa ibang lugar kami ay pasigaw ko na iyong sinabi. "Ang pagsusulat ay trabaho ko at imahinasyon ko iyon. At wala kang karapatang kuwestiyunin ang personal kong buhay base sa mga nababasa mo."
Sa isiping nabasa niya kahit isa sa mga gawa ko ay pakiramdam ko nakahubad ako ngayon habang magkaharap kaming nakaupo.
"I'm not judging, Claudia. I'm admiring," maagap niyang pagtatama. Napansin ko ang saglit na pagsulyap niya sa mga labi ko bago muling bumalik ang tingin niya sa'king mga mata. "It takes a specific kind of genius to command that much attention while remaining a ghost. But I have to wonder... what would happen if the 'Queen of Erotica' finally stepped out of the shadows? What would your siblings say if they knew their 'proper' sister is the one responsible for the most talked-about romance novels in the country? Or your parents? Would they see the talent, or would they only see the scandal?"
Bigla ay tila nagkaroon ng hugis ang pinakakinatatakutan kong mangyari nang marinig ko iyon mula sa kanyang mga labi.
"Huwag mo akong takutin," banta ko, kahit na sa loob-loob ko ay nangangatog na ako. "Ano bang gusto mo?" Kahit anong pilit kong maging kalmado ay kababakasan pa rin ng desperasyon ang boses ko.
"For now? Just another cup of coffee," sagot niya bago balewala kinumpas ang isang kamay upang tawagin ang pansin ng pinakamalapit na waiter. "And perhaps, the privilege of knowing the woman behind Midnight Mist. You're a mystery I've decided I want to solve, Claudia. And trust me, when I commit to a project, I'm very, very thorough."