chapter 12

1613 Words
Sinamaan ko ng tingin si Marco pero ang loko lalo lang lumapad ang pagkakangiti at iminuwestra pang pumasok na ako sa kotse. Aangilan ko sana siya pero nahagip ng tingin ko si Joaquin na nakatayo sa tabi ng kotse at nakatanaw sa direksiyon namin. Ayokong bigyan ito ng dahilan upang lumapit ulit, madadagdagan pa ang poproblemahin ko. Sa halip na makipagmatigasan pa kay Marco ay pinasya kong lumapit sa kanya upang sumakay sa kanyang kotse. Pero bago tuluyang lumulan ay sinadya kong apakan ang paa niya. Mas nainis pa ako dahil mukhang hindi man lang siya nasaktan, kasalanan ng mamahalin niyang sapatos kaya hindi tumalab ang ginawa ko. Padabog akong naupo sa loob ng sports car niya habang binalewala ang pamilyar niyang bango na sumalubong sa'kin. Ilang sandali pa ay tila binalot na ako ng kaaya-ayang amoy na iyon na sa tingin ko ay dumikit na sa balat ko. Ilang sandali pa at tahimik na naming binaybay ang highway papunta sa address ko. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo ko habang diretso ang tingin sa dinadaanan namin. Mahigpit kong hawak ang bag kong nakapatong sa'king kandungan. Kunwari ay tutok na tutok ako sa daan pero palihim kong pinakiramdaman ang katabi ko. Nasa isang intersection kami nang bigla ay lumiko ang sinasakyan namin sa kabilang kalsada na katapat no'ng papunta sa'min. "Excuse me," mabilis kong baling kay Marco. "Namali ka ng liko. Doon dapat sa kabila," sabi ko sa kanya. "Yeah, I know," maikling sagot ni Marco habang nananatiling relax ang pagkakahawak sa manibela. Maang akong napamulagat sa kanya habang biglang pumitlag ang puso ko. Umandar iyong pagiging writer ko at kung anu-anong eksena ang biglang nagsisulputan sa utak ko. Merong eksena kung saan ay serial killer pala itong si Marco at magiging biktima niya ako. May ilan pang mga senaryo na sobrang imposible dahil umiikot sa kidnapping, tanan, at ang pinakamalala ay iyong dadalhin niya ako sa biglang liko at pagsasamantalahan ang p********e ko. "Anong iniisip mo, Tita?" tila naaaliw na tanong ni Marco na napabalik sa'kin sa reyalidad. "Kakain lang po tayo," dugtong niya pa. Pakiramdam ko tuloy ay nababasa niya ang mga eksenang tumatakbo sa isip ko. Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa naramdaman pagkapahiya. Hindi pa nakatulong ang nakakaasar niyang ngiti sa labi. "Sinong may sabi sa'yong gusto kong kumain kasama ka?" pagtataray ko upang pagtakpan ang totoo kong naramdaman. Sinibat ko pa siya ng matalim na tingin. "Magugustuhan mo roon sa padadalhan ko sa'yo," sagot na at hindi man lang pinansin ang galit-galitan kong drama. "Ay hindi!" mabilis kong angal. "Ihinto mo ang sasakyan. Bababa ako!" utos ko pa sa kanya. "Tita, hindi pwede," malumanay niyang sagot. "Mag-uusap pa tayo, 'di ba?" makahulugan niyang dugtong. Nagtagis ang bagang ko habang nagngingitngit sa galit. "At tsaka, nandito na tayo!" masigla niyang anunsiyo. Napilitan tuloy akong ibaling ang tingin sa labas ng kotse. Awang ang bibig na napatitig ako sa hinintuan naming restaurant. Ito iyong exclusive restaurant na pangmayaman at kailangan ng advance reservation upang makakakain. May sinusunod ding dress code ang restaurant na ito at bawal ang kasalukuyan kong ayos na para akong istriktang librarian. "Sa tingin mo ay magugustuhan ko riyan?" maang kong bulalas habang nagpalipat-lipat ng tingin sa katabi ko at sa eleganteng entrance ng restaurant. "Yes," walang gatol niyang sagot. "Masasarap iyong pagkain nila riyan. Trust me, you'll love to try them." Bumaba na siya ng sasakyan habang ako naman ay pilit pang kinakalma ang sarili dahil bigla akong kinabahan. Unang beses kong makatapak sa restaurant na akala ko ay hanggang sa pangarap ko lang mapupuntahan. Kahit nga sa pangarap ko ay hanggang entrance lang ako nito at hindi na umabot sa parte kung saan ay titikman ko iyong mamahalin nilang mga pagkain. "Come on, let's go..." aya sa'kin ni Marco. Kasalukuyan na siyang nakatayo sa tabi ko at siya na rin iyong nagbykas ng pinto ng kotse para sa'kin. "Sigurado ka bang papapasukin ako riyan?" nagdadalawang-isip kong tanong. Kung kanina ay kuntodo ang pag-ayaw kong kumain kasama niya ngayon naman ay pinoproblema ko ang ayos ko dahil alam kong hindi ito pasok sa dress code ng lugar. "Stop worrying, I got you," kumindat niyang sagot. Bago pa ako makapagpahayag na karagdagang reklamo ay siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Muntikan ko na tuloy nalimutan kung paano huminga nang dumukwang siya palapit sa'kin. Langhap na langhap ko iyong bango niya, dahil sa lapit namin. Mabuti na lang at mabilis din agad siya lumayo pagkatanggal ng seatbelt ko. Nang maglahad aiya ng kamay sa'kin ay tila wala sa sarili ko iyong inabot. Nalango yaya ako sa mabango niyang amoy kaya nagagawa niya akong napasunod kahit na ayaw ko sa simula. Siguro ay dahil aaminin ko man o sa hindi ay excited din akong masubukan iyong mga pagkaing pangmayaman. Nang nasa tapat na kami ng entrance ay mabilis kong pinigilan si Marco. "Bakit?" kunot-noo niyang tanong matapos mapahinto nang tumigil ako sa paglalakad. "Libre mo ba 'to?" naniniguro kong tanong. Mahirap na at baka kanya-kanyang bayad pala 'to. Baka tubig lang ang afford ko riyan sa loob. "Of course," natatawa niyang sagot. "This is my treat." "Dapat lang," pairap kong sagot. "Sa stress na binigay mo sa'kin ay kailangan mo talaga akong i-treat," bubulong-bulonf kong dugtong. Kumawala ako mula sa pagkakahawak niya at nagpatiunang naglakad. Pero nakailang hakbang pa lang ako ay agad ko rin siyang binalikan at kumapit sa dulo ng sleeve ng suit niya. "Baka sitahin ako ng guard dahil sa ayos ko," paingos kong usal nang taasan niya ako ng kilay. Kahit welcoming iyong ambiance ng lugar ay hindi ko pa rin mapigilang maintimida dahil sa unipormadong mga guwardiya. Hindi ako nare-relax ng mga ngiti nila dahil sa ayos ko na mistula naligaw sa lugar na ito. Nakakahiya kung bigla akong harangin at hindi papasukin. "Walang sisita sa'yo," pahayag ni Marco. Hinawakan niya pa ang kamay ko upang ikapit sa braso niya. Hindi na ako nagreklamo pa dahil natuon na sa'min ang atensiyon no'ng mga guard. Pagkapasok pa lang namin ay tila huminto ang paghinga ko. Ang lamig ng aircon ay humalo sa bango ng mga mamahaling bulaklak at incense na lalong nagpatingkad sa 'exclusive' vibe ng lugar. Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Marco habang pasimple kong pinasadahan ng kamay ang suot ko kahit wala namang gusot. Agad kong napansin iyong ibang mga kumakain at ang sopistikada nilang mga ayos, medyo malayo sa pang-librarian kong pormahan. Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng kumpyansa sa sarili ay isang lalaking naka-formal attire ang mabilis na naglakad palapit sa amin. Hula ko ay ang manager ito, sa tindig pa lang nito. Imbes na harangin ako dahil sa "out of place" kong ayos, isang malapad at magalang na ngiti ang isinalubong nito sa amin. "Good evening, Mr. Laraza! Welcome back to Azure," bati ng manager. Mukhang nadamay lang pala ako sa ngiti niya at para talaga iyon dito sa kasama ko na sa palagay ko isang VIP dito. "Please, follow me, your table is being prepared as we speak." "Thank you, Leo," pasalamat ni Marco rito. ""It's my pleasure to serve you, Mr. Laraza," magiliw na tugon ni Leo, habang iginigiya kami sa loob. "It has been a while since your last visit, but we're glad you dropped by." Hindi ko mapigilang mapatulala sa paligid. Ang Azure ay hindi lang basta kainan, isa itong paraiso ng karangyaan sa gitna ng siyudad. Ang bawat chandelier na nakasabit sa mataas na kisame ay tila mga dyamanteng nagbibigay ng mainit na liwanag sa buong hall. Pero sa kabila ng ganda ng lugar, ang atensyon ko ay nananatili sa kung paano kami tratuhin ni Leo. Kahit napadaan lang itong si Marco at wala ngang reservation ay halatang welcome na welcome ito. Maging ang pakikitungo sa akin ng manager taliwas sa inasahan ko kung saan ay huhubaran ako nito ng tingin dahil sa simpleng suot ko. Ni hindi nga ito kumurap sa kabila ng ayos ko at nanatili ang magiliw na ngiti sa mga labi nito nang bumaling sa'kin. "And you too, Ma'am... Welcome to Azure. I hope you'll have a great time with us," dagdag pa ng manager bago ito bahagyang yumukod at nagpatiuna na papunta sa inilaang mesa para sa amin. Nakakabilib na kahit ang boses nito ay walang bahid ng pag-aalinlangan, na tila ba ang suot kong mahabang palda at blouse ay kapantay lang ng mga designer gown na nakikita kong suot no'ng mga umuukopa sa natatanaw kong mga mesa. "See?" pukaw ni Marco sa naglalakbay kong diwa. "I told you, walang sisita sa'yo." Iningusan ko lang siya at muling ibinalik ang atensiyon sa magarang kapaligiran. Hindi talaga ako makapaniwalang nandito ako ngayon sa loob ng Azure. Kukuha ako mamaya ng maraming pictures para remembrance. Bihirang pagkakataon lang iyong ganito, baka hindi na maulit kaya susulitin ko na. Nahagip ng tingin ko ang isang sopistikadang babaeng titig na titig sa'kin. May ilan itong kasama sa mesa pero tanging ito lang iyong nasa akin ang tingin. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil tila ba sinisino niya ako gayong hindi ko naman siya kilala. Nang saglit na magtagpo ang tingin namin ay bahagyang tumalim ang tingin niya. Tuloy ay wala sa sarili na napahigpit ang kapit ko kay Marco. "What's wrong?" agad na tanong ni Marco sa'kin. "Wala," umiling kong sagot. Hindi na niya kailangan pang malaman na merong customer na nairita yata sa presensya ko at tiyak na dahil iyon sa ayos ko. Hindi na nag-usisa pa si Marco at maging ako ay hindi na binigyang pansin ang nakasunod na tingin no'ng babae. Tantiya ko ay kaedaran lang ito ng pamangkin ko at ni Marco mismo, kaya pagpasensyahan ko na. Ganito talaga siguro ang mga kabataan ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD