Huminga ako nang malalim at tumikhim habang pinapanatili ang prim and proper kong disposisyon.
Mabilis kong inalis sa aking isip si Marco, kung pwede ko lang ipagpag ang lalaking iyon na parang alikabok ay ginawa ko.
Tatanggihan ko sana ang alok ni Joaquin pero agad sumagi sa isip ko iyong nakakairitang mukha ni Miss Arcenas. Palagay ko ay kakailanganin ko nga ng abogado kung sakaling magkrus ulit ang landas namin kung hindi ako makapagpigil. Mas maigi na rin iyong may kakilala akong katulad ni Mr. Amorio, iyong koneksiyon namin ay pwede kong mapakinabangan balang araw.
"Give me your phone, I'll call my number para ma-save ko rin iyong number mo," nakangiting wika ni Joaquin.
Walang salita kong inabot ang cellphone ko sa kanya, buti na lang may load ako. Pasimple kong pinagmasdan ang mga daliri niya habang tumitipa sa phone ko. Pantay ang pagkakagupit ng malinis niyang mga kuko, habang mahahaba naman ang mga daliri niya... sakto lang sa malaki niyang kamay.
Bigla akong napalunok.
'Think pure thoughts, Claudia!' saway ko sa'king sarili. Bilang si Midnight Mist, ang mga ganiyang kamay ay madalas kong gawan ng dalawang pahinang deskripsyon tungkol sa kung paano humahawak ang mga iyan ng... ballpen. Oo, tama ballpen lang dapat ang iisipin ko at hindi kung anu-ano.
Maya-maya ay narinig ko ang mahinang tunog ng phone niya sa bulsa, senyales na opisyal na kaming connected.
"There," nakangiting wika ni Joaquin habang ibinabalik ang phone ko.
"Sige po, mauuna na ako," saad ko pagkakuha ng phone ko sabay mabilis na talikod.
"See you around, Claudia," narinig kong pahabol ni Joaquin.
Hindi ko na siya sinagot pa ni sinulyapan at tuloy-tuloy na akong naglakad patungo sa direksiyon kung saan ako pwedeng mag-abang nang masasakyan pauwi. Sinadya kong lakihan ang hakbang dahil ayokong bigla na lang siyang mag-offer na ihatid ako.
Pagkatapos ko pa nga lang isipin ang tungkol sa bagay na iyon ay biglang may kotseng humarang sa dinadaanan ko. Muntikan pa akong mapahiyaw dahil sa gulat, konti na lang talaga at masasagi na ako nito. Ayoko na ng dagdag na eksena lalo na at napansin ko iyong mga bodyguard nitong nakaantabay sa 'di kalayuan.
Pero tila may humabol na kamalasan sa'kin sa araw na ito dahil paghakbang ko pa lang sa gilid ng gutter ay isang itim na sports car ang biglang humarurot at humarang sa dinadaanan ko.
Muntikan akong napahiyaw sa gulat lalo na at konting-konti na lang talaga at masasagi na ako ng bumper nito.
"Ano ba?! Marunong ka bang magmaneho o sadyang naghahanap ka lang ng mababangga?!" sigaw ko habang hinihimas ang dibdib ko na parang sasabog na sa kaba.
Kung afford ko lang talagang magasgasan ito ay kanina ko pa pinukpok ng suot kong sandalyas ang hood nito. Lintik naman kasi na driver, mamahalin ang sasakyang minamaneho tapos ito ay walang disiplina!
Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang nakakaasar na mukha ni Marco Axel Laraza. Nakasuot siya ng leather jacket at may bitbit na ngising parang nanalo sa karera.
"High blood ka na naman agad, Tita," pang-aasar niyang bungad sa'kin na para bang hindi niya ako muntikang sinagasaan. "Get in. Ihatid na kita."
"In your dreams, Marco! Hindi ako sasakay sa kotseng minamaneho ng kaskaserong driver na katulad mo," mataray kong sagot habang pinandilatan siya ng mga mata. "At huwag mo nga akong ma-Tita-Tita d'yan! Mag-commute na lang ako kaysa makasama ka sa isang confined space!"
"Tita, mahihirapan kang maghanap ng masasakyan sa ganitong oras," sagot niya. Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya dahil halatang sinasadya niya talagang huwag makinig sa'kin at patuloy pa rin akong tinatawag na 'tita'.
"Maglakad na lang ako kung gano'n!" asik ko sa kanya.
"MM..." seryoso niyang sambit na mabilis kong ikinatigil.
Iyon ang tawag sa'kin ng mga readers ko bilang si Midnight Mist. At sa ginawa niyang pagbanggit niyon ay tila ba pinapaalala niya sa'kin ang tungkol sa sikreto kong hawak niya.
Bago pa ako makabuo nang sasabihin ay isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko.
"Is there a problem here, Claudia?"
Nalingunan ko si Joaquin na siyang nagtanong. Hindi pa pala ito nakaalis at mukhang nasaksihan nito ang pakikipag-argumento kay Marco kaya heto at lumapit. Hindi nakaligtas sa pansin ko ang pagiging malamig at seryoso ng awra ni Joaquin, kabaliktaran ito no'ng kausap ko ito kanina. Sa palagay ko ay para kay Marco ang kalamigan niya ngayon.
Mula sa'kin ay napadako ang atensiyon ni Marco kay Joaquin. Bigla ring naglaho ang kapilyuhan niya at tinapatan ang kaseryosohan ng huli. Bigla ay ramdam iyong tensiyon sa paligid nang magkatitigan ang dalawa.
Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nila, pero pansin kong mukhang kilala nila ang isa't isa. Hindi na iyon nakapagtataka dahil pareho sila ng mundong ginagalawan.
"Joaquin Amorio," usal ni Marco. Bahagyang umaawang ang bibig ko dahil sa pagiging pormal ng boses niya.
Ibang-iba siya kapag nagseryoso, parang hindi siya iyong twenty-five years old na best friend ng pamangkin ko na naabutan ko sa loob ng sarili kong silid. At aaminin kong ang lakas ng dating ng isang Marco Axel Laraza kapag umakto siyang ganito.
"Fancy meeting you here, Amorio," pagpapatuloy ni Marco habang nakipagtagisan ng tingin kay Joaquin. "Bibihirang pagkakataong makikita ang chairman ng Amorio Group of Companies sa parking lot ng isang school."
"Marco Axel Laraza," tugon ni Joaquin, ang boses ay kalmado pero bakas ang kalamigan. "The heir of the Laraza Global Empire. I didn't know you were interested in... PTA meetings."
Magkakilala nga sila pero sa tono nila ay mukhang hindi sila magkaibigan.
Ako iyong tila kakapusin ng hininga dahil sa lalong pagtindi tensyong namumuo sa pagitan nila. Pareho silang nasa same circle— impluwensyal, mayaman, at mga halimaw sa mundo ng negosyo. At heto ako, sa gitna nilang dalawa, mukhang meatloaf sa isang sandwich na punung-puno ng ego.
Parang gusto kong mag-walk-out at hayaan na silang dalawang mag-usap tutal ay mukhang magkasingkatawan lang naman sila. Kung aabot sila sa suntukan ay yakang-yaka na nila iyon, ang mahalaga makauwi na ako at makalayo sa kanila.
"Si Claudia ay kasama ko," sabi ni Joaquin sabay hawak nang bahagya sa siko ko. Isa iyong protective na gesture na tila hindi nagustuhan ni Marco na nakasunod ang tingin sa kamay ni Joaquin. "I was just about to give her a ride."
Sa pagkakataong iyon ay bumukas ang pinto ng kotse ni Marco at walang pagmamadali siyang bumaba. Bigla ay tila nakakaintimida ang presensya niya nang tuluyan siyang nakatayo sa harapan ko.
Tsaka ko lang din napagtanto kung gaano siya katangkad, mas matangkad pa siya ng isang pulgada kay Joaquin at dahil naka-flat sandal ay lalo yata akong lumiit. Sa laki niyang tao ay hindi ko ma-imagine kung paano ko siya nagawang taray-tarayan no'ng naabutan ko siya sa kwarto ko gayong kung gugustuhin niya at pwede niya akong bitbitin gamit ang isa niyang kamay.
Nagpakawala ng mahinang tawa si Marco habang nakatingin sa akin.
"Hindi ba nabanggit sa'yo ni Tita Claudia na susunduin ko siya ngayon?" balewalang tanong ni Marco kay Joaquin. "May importante kasi kaming pag-usapan," makahulugan niyang dugtong na mabilis na nagpakabog sa dibdib ko.
Kung wala lang ngayon si Joaquin ay kanina ko pa sana sinamaan ng tingin itong si Marco.
Bago pa may makapagsalita sa'min ni Joaquin ay inabot ni Marco ang kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kanya, dahilan kaya napabitaw sa pagkakahawak sa siko ko si Joaquin.
Tila may kalakip na babala ang pagkakahawak sa'kin ni Marco kaya hindi ko na nagawa pang magprotesta o pumalag. Pero kahit nagngingitngit ang kalooban ko ay hindi pa rin nakaligtas sa pansin ko ang tila kuryenteng nanulay sa braso ko mula sa magkalapat naming balat. May kasama iyong mumunting kiliting ikinainit ng magkabilaan kong pisngi.
Mabilis kong pinilig ang sariling ulo mentally upang makapag-focus ako sa kasalukuyang nangyayari at hindi kung saan-saan napapapdpad ang imahenasyon ko gayong pasimple na nga akong bina- blackmail ni Marco.
"Hindi ba, Tita, sa'kin ka sasasama?" untag sa'kin ni Marco. Maaliwalas ang pagkakangito niya sa'kin pero malinaw ang pagbabanta sa likod niyon. Kulang na lang ay mag-flash doon ang title ng huling R-18 chapter na sinulat ko bilang si Midnight Mist.
Talo ko pa nito ang tinutukan ng matalas na kutsilyo sa tagiliran kaya kahit labag sa kalooban ko ay kailangan kong sumunod sa kanya. Sa labanang ito ay talo ang katulad kong may tinatagong sikreto.
"Is it okay with you, Claudia?" kunot-noo namang usisa ni Joaquin na para bang walang tiwala sa mga sinabi ni Marco.
Dahil hawak-hawak ni Marco ang kamay ko ay nararamdaman ko ang pagdaan ng tensiyon sa katawan niya dahil sa pahiwatig ng tanong ni Joaquin. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na tila sinasabing isang maling sagot ko lang at magiging trending na ang totoong katauhan ni Midnight Mist.
Nang sulyapan ko ang mukha ni Marco ay nanatili roon ang maaliwalas na ekspresyon at hindi makikita ang nararamdaman niyang tensiyon. Mukhang mas nakakabahala pa kaysa seryosong Joaquin ang nakangiting si Marco.
"O-opo, Joaquin. Ayos lang," pilit kong sabi, habang ang boses ko ay parang boses ng taong kaka-exorcise lang. "Best friend 'to ng pamangkin ko... medyo close sa pamilya namin. At totoong may kailangan kaming pag-usapan tungkol sa... family business."
Sa loob-loob ko ay pinaulanan ko na ng mura si Marco. Kailangan ko pa talagang magsinungaling kaya madadgadagan na naman ang mga kasalanan ko dahil sa kanya
"Are you sure?" hirit pa ni Joaquin, ang kaniyang pagiging protective ay tila ayaw pa ring bumitaw. "You look... pale."
"Pale? Ah, baka po sa powder ko lang 'to, Joaquin! Masyadong maputi ang nabili ko," palusot ko habang pinapawisan na ng malamig. "Sige na po, baka ma-late pa kayo sa... susunod ni'yong meeting." Kailangan na niyang umalis bago pa niya mapansin ang pamumula ko.
Ramdan ko kasing nag-iinit na naman ang mukha ko dahil kasalukuyan nilaro-laro ni Marco ang daliri ng kamay kong hawak-hawak niya.
Halata mang hindi pa rin kumbinsido ay sadyang gentleman si Joaquin at may sapat na respeto sa desisyon ko.
"Sige, ingat kayo," anito bago tumango at tumalikod na.
Pagkatalikod ni Joaquin ay umikot sa kanyang kotse si Marco at nakangiti akong pinagbuksan ng pinto sa front seat na katabi ng driver.
Bumalik na iyong kakaibang kislap sa mga mata niya na walang mintis na nagpapitlag sa puso ko, hindi ako sigurado kung dahil sa kaba ba ito o sa excitement.
Nalintikan na talaga!