chapter 23

1846 Words

Hapon na nang makauwi ako sa bahay. Nakabili na rin ako ng sapatos at hindi man ito kasing mahal no'ng naroon sa unang pinasok kong boutique ay hindi naman nalalayo ang hitsura. "Tita Claudia, may dala ka pong pasalubong?" salubong sa'kin ng pamangkin kong si Kim. Sa halip na sumagot ay inabot ko na lang sa bata ang nabili kong doughnut para sa kanila. "Wow! Paborito ko iyan!" masayang bulalas ni Mikael na kakarating lang. Kasunod nito ay ang kambal na sina Aivy at Aika na pareho ring nangingislap ang mga mata pagkakita no'ng bitbit ng pinsan nilang si Kim. "Thank you, Tita Claudia," magkasabay na pasasalamat ng mga ito. Abot tainga ang mga ngiti nila habang nagniningning ang mga mata. Iyong pagod ko ay himalang biglang naglaho dahil sa sayang nakikita ko sa mukha ng maliliit kong m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD