Unang Kagat
Lahat tayo ay may sikreto. Lahat tayo ay may mga bagay na itinatago. Mga bagay na hindi maaaring malaman ng iba. Mga kakaibang lihim na ikinikimkim. Mga pangyayaring naganap pero ikinukubling misteryo.
Ako si Jon, tunay kong pangalan, at ito ang aking kuwento. Basahin mong mabuti at malalaman mo ang aking mga sikreto, ang kakaibang misteryo na bumabalot sa aking pagkatao.
♡
Nagsimula ang aking kuwento isang linggo bago ang unang araw ng pasukan sa kolehiyo, taong 2014. Mula sa aming bayan ay gumayak ako patungo sa siyudad upang makahanap ng boarding house na matutuluyan sa pag-aaral sa kolehiyo. Medyo kinakabahan ako noong mga oras na iyon, na medyo nasasabik at medyo napapa-bahala na. Medyo nahirapan pa ako maghanap ng boarding house dahil kung hindi puno, ay hindi ko naman ito gusto. Hindi ko naman iniisip ang bayarin, dahil hindi naman sa pagmamayabang, may kaya rin ang aking mga magulang.
Pagkaraan ng halos walong boarding house na aking napuntahan, sa wakas, sa pang-siyam nakahanap din ako. Iisa lang ang bakante at tingin ko talaga, itinadhana sa akin ang bagay na iyon. Tiningnan ko muna kung ano ang estado ng bahay na tutuluyan bago pumayag at inabot ang aking bayad na one month deposit at one month advance. Inabot naman sa akin ng landlady ang dalawang susi, isa para sa bahay at isa para sa aking silid. Napangiti ako. Medyo nasasabik kasi mamumuhay akong mag-isa, iyong hindi na asa lahat sa magulang, at siyempre, iyong naririnig kong mga kuwentuhan na sa kolehiyo lang nagaganap.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Maliit lang ito at bubungad sa iyo pagkapasok ay ang kusina, kung saan naroroon din ang pabilog na lamesang yari sa plastik, na napapaikutan din ng limang silya. May isang mahabang upuan din sa isang tabi, marahil para mapunan lamang ang lahat na nanunuluyan dito. May refrigerator din sa isang gilid, katabi ng water despenser. Hindi naman nakatakas sa aking mga mata ang umiilaw na wifi modem! Antisipado ko naman na ganito ito at hindi na rin ako nabigo. Hindi ito kutulad ng aming bahay na kompleto ang lahat ng kagamitan. Sabagay, paupahan lang naman ito at hindi kinakailangan ng marami at marangyang mga gamit.
Tumungo ako sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang mga silid. Ayon sa landlady ay dalawang double deck beds ang napapaloob sa isang silid. Mayroong apat na silid, ibig sabihin labing-anim kaming naririto sa isang bahay. Okupado na ang lahat pero nagsiuwian muna sa kanilang mga bahay ang mga okupante na makakasama ko. Kaya mag-isa lang talaga ako rito ngayon.
Tiningnan ko ang numerong nakadikit sa susi. Tinahak ko ang pasilyo at huminto sa dulong silid sa kanan na may numerong 2 na nakapirmeng nakadikit sa pinto nito. Ipinasok ko ang susi sa seradura at marahang pinihit ang busol. Magaang itinulak ko ang pinto. Mula sa pintuan, aking nasilayan ang silid na aking tutuluyan sa loob ng apat na taon, kung sakali. Malinis ito. May dalawang double deck beds sa magkabilang gilid ng kuwarto, saradong jalousie windows at dalawang bakanteng lamesa, kung saan may dalawang upuan sa harap nito.
Idinaan ko ang aking katawan sa pagitan ng pintuan. Napansin ko sa magkabilang dako ang dalawang pares ng kabinet. Naka-padlock ang tatlo at may iisang hindi, na marahil ay mapupunta sa akin. Pinagmasdan kong maiigi ang mga higaan nila. Nakaayos naman ito maliban sa iisang kama na nasa itaas na tanging foam lang na walang kobre ang nakalapat. Lumapit ako doon. Ibinaba ko ang aking dalawang duffel bag sa sementadong lapag at ipinatong ko naman ang aking backpack sa aking magiging kama.
Nais ko sanang magpahinga muna saglit pero mas pinili kong mag-ayos kasi kinakailangan ko pang gumayak at bumili ng mga kulang ko sa mall. Una kong binuksan ang isa kong duffel bag, inilabas ko ang isang pares ng sapatos at inilagay sa shoe rack na nasa isang dako, kasama sa mga sapatos ng mga kasamahan ko dito. Sunod ay binuksan ko ang kabinet na para sa akin. Maliit ito ngunit tingin ko naman ay magkakasya ang lahat ng gamit ko. Nagsimula na akong isalansan ang aking mga nakatuping damit mula sa aking bag patungo sa kabinet. Natapos ako pagkaraan nang ilang minuto. Nagsimula na rin akong magpawis sapagkat nakaligtaan kong buhayin ang bentilador. Hinubad ko muna aking t-shirt at tumungo sa switch ng ceiling fans at binuksan ang mga ito.
Nakaramdam naman ako ng pagkapuno ng pantog. Agad kong inikot ang aking mga mata sa loob ng kuwarto ngunit wala na akong makitang ibang pintuan. Marahil komun na palikuran ang mayroon sila kaya napagdesisyunan kong bumaba. Nahanap ko naman ang aking hinahanap, dalawang kulay luntiang pintuan na may nakasulat na TOILET at SHOWER, na katapat lamang ng lababo. Una kong pinasok ang may pangalang TOILET, at dito ko nakita ang dalawang cubicle kung saan naroroon ang mga inidoro, gripo at balde't tabo. Pumasok ako sa isa at hindi na ako nag-abala na isara ang plywood na nagsisilbing pinto ng cubicle. Ibinaba ko ang aking siper at inilabas ko ang aking ari. Nagsimula akong umihi na nagtagal din ng ilang segundo bago ko ito pinagpag at muling ibinalik sa loob ng aking pantalon. Binuhusan ko naman ito bago ako tuluyang lumisan. Sunod kong pinasok ang katabing pintuan, sa loob ng SHOWER naroroon ang apat na shower heads. May shower curtains naman pero ang sakop nito ay dalawang shower area. Ibig sabihin, magkasabay na maliligo ang dalawang tao at magkakakitaan.
Lumabas na ako pagkatapos ko matingnan ang shower area. Halos magulat naman ako dahil may nakasalubong ako sa paglabas ko ng pintuan. Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan niya na ako.
"Bago ka?" tanong niya.
"Oo, kakalipat ko lang ngayon. Jon pala," sabay abot ko sa aking pasmadong palad.
Inilipat naman niya ang hawak na sabonera sa kaliwang kamay at inabot sa akin ang kaniyang kanang kamay. Hindi naman nakaiwas sa akin ang pag-unat at pagbaluktot ng kaniyang braso. Nakita ko kung paano bumukol ang kaniyang biceps at kung paano nagkaroon ng guhit sa likurang bahagi ng kaniyang braso dahilan upang madepina ang kaniyang triceps.
"Tom," banggit nito. Nakita ko ang pagsilay ng kaniyang ngiti na akin namang ibinalik. "Welcome home," ani niya sabay tawa saka binitawan ang aking kamay.
Nahiya naman ako nang mapansin kong hubad-baro pala ako sa kaniyang harapan, lalo na't napansin ko ang malaking pagkakaiba sa anyo namin. Nakasando siya na hapit sa kaniyang katawan. Matikas ang kaniyang mga braso at malaman. Malapad ang kaniyang dibdib, at sa pagkakahapit ng ng kaniyang suot na sando ay bumabakat ang kaniyang malaking dibdib at maalsang mga u***g.
"Akyat muna ako," nahihiyang banggit ko sabay kamot ko sa aking leeg. Naaasiwa kasi ako kapag kaharap siya sapagkat mapapansin ninuman ang malaking pagkakaiba sa aming katawan. Katamtaman lamang ang aking katawan ngunit nagmukha akong payat sa pagtabi ko sa kaniya.
"Sige, sige," pagsang-ayon niya bago lumapit sa akin at tumapik ang kaniyang malapad na palad sa aking kaliwang balikat.
Bilang hudyat, nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa aking silid. Tinapos ko ang lahat na dapat tapusin. Napagdesisyunan ko naman na maligo na upang maaliwalasan. Kinuha ko ang makapal na tuwalya at isinabit ko sa aking balikat. Dinala ko rin ang karton ng sabon at bote ng shampoo na akin ring dala.
Sa pagbukas ko ng pintuan ng paliguan, narinig ko agad ang malakas na buhos ng tubig at pamilyar na boses na kanina ko lang narinig. Narito pala si Tom na kasalukuyang inaaliw ang sarili sa ilalim ng dutsa, habang sinasabayan niya ito ng pag-awit. Naaninag ko ang kaniyang bulto sa likuran ng basang kurtina. Hindi ako tiyak kong pinapabula niya ang shampoo sa kaniyang buhok o binabanlawan niya ito. Nakaangat kasi ang kaniyang mga braso at naglalaro ito sa kaniyang buhok, ngunit hindi ako tiyak sapagkat anino niya lamang ang aking napapansin.
Dahan-dahan akong lumapit at dahan-dahan ding bumabaybay pababa ang aking mga mata sa katawan ni Tom. Natigilan lamang ako ng marinig ko ang pagpihit ng tatangnan ng dutsa at ang pagtigil ng pagbuhos ng tubig. Muling umangat ang aking paningin. Akala ko tapos na maligo ito ngunit nagulat ako nang matunghayan na ang kaniyang mga braso ay mapuwersang sinasabon at hinahaplos ang kaniyang katawan. Nakita ko kung paano maglakbay ang kaniyang mga kamay sa kaniyang leeg, pababa sa kaniyang mga balikat at patungo sa kaniyang mga dibdib, kung saan nagtagal siya roon. Nakita ko kung paano niya ito sinapo at sinabon sa sirkular na pamamaraan.
Nasa kalagitnaan siya ng pagsasabon ng kaniyang dibdib nang mapansin niya ang aking presensiya. Tumigil siya sa pag-awit. Pinihit niya ang kaniyang katawan at humarap sa aking kinaroroonan. Nakita ko kung paano lumabas ang kaniyang kamay sa maliit na siwang ng shower curtain. Ang kaniyang daliring may sabon ay kumapit sa dulo ng kurtina at dahan-dahang hinawi ito. Inilabas niya ang kaniyang mukha upang silipin ako. Napansin ko ang medyo paalon nitong buhok, basa at may ilang butil ng tubig na tumutulo. Ang kaniyang itim na mga mata ay tumitig sa akin, kasabay sa pag-alsa ng kaniyang mga labi. Ngumiti siya na bumagay sa kaniyang papatubong bigote at balbas.
Agad naman siyang nagsalita noong mapansin niya ako. "Jon," banggit niya, "Tara! Sabay ka na sa akin." Pagkasabi niya ay bigla niyang hinawi ng malawak ang kurtina bilang paanyaya. Sumilay sa akin ang kaniyang katawan na kanina lamang ay aking naaninag sa kurtina. Puno ito ng bula, na parang binagay sa kaniyang kayumangging balat. Basa ito at kumikinang ang mga butil ng tubig sa kaniyang katawan.
Hinubad ko muna ang aking pantalon. At kasama ng aking tuwalya ay sinabit ko ito malapit sa likuran ng pintuan, katabi kung saan naroroon ang sando, shorts at tuwalya ni Tom. Iniwan ko naman ang aking underwear at ginaya siya sa pagligo na tanging itim na brief lang ang suot. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya at marahan kong isinara ang shower curtain nang ito'y aking madaanan.
Abala pa rin ito sa pagsabon sa kaniyang katawan sa aking muling pagbaling sa kaniya. Dumaan naman ako sa kaniyang likuran upang marating ko ang dutsa sa kaliwa. Agad ko naman pinihit ang tatangnan at nagulat ako sa pagbuhos ng malamig na tubig. Halos mapamura ako ngunit nasanay naman ang aking katawan kalaunan.
Gamit ng gilid ng aking mga mata, pinagmasdan ko ang aking katabi. Nasilayan ko sa malapitan ang kaniyang malaman na balikat at malalaking mga braso, na umuumbok sa tuwing ginagalaw niya ang mga ito. Nakita ko kung paano lumandas ang sabon sa anim na umbok sa kaniyang tiyan at kung paano ito bumula nang mapadaan sa mabuhok na bahagi nito, direkta sa ibaba ng kaniyang pusod na lalong kumakapal pababa bago tuluyang magtago sa loob ng kaniyang brief. Ang mga pinong balahibo na naroroon ay nagulo at sumabay sa hagod ng kaniyang kamay.
Patuloy siyang nagsabon at inalsa niya ang garter ng kaniyang brief. Pumasok ang kamay niyang may hawak na sabon at sinimulan niyang kuskusin ito. Hindi ko na nakita ang buong proseso pero malinaw sa aking paningin kung paano nagulo ang kaniyang bulbol. Ang iba ay nakatakas at kitang-kita sa kaniyang underwear. Tumagal siya ng ilang segundo roon. Sinabon niya ito ng mabuti, tinitiyak na malinis at mabango ito. Binitawan niya ang nakabanat na garter ng kaniyang brief dahilan upang gumawa ng tunog nang sumalpok ito sa kaniyang mabalahibong puson. Agad naman akong napabalikwas at itinuon na lamang ang pansin sa pagligo.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-shampoo, nang mapansin kong dahan-dahang hinubad ni Tom ang kaniyang itim na brief. Yumuko siya ng bahagya para tuluyang matanggal ito at maibaba hanggang paanan. Inangat niya ang kaniyang paa nang magkasunod at tuluyan na siyang nakahubad.
"Una na ako, Jon," wika nito. Tapos na pala siya at handa nang lumisan.
Bago pa ako makasagot at bago ko pa mapagmasdan ang kaniyang hubad na katawan ay naipihit niya na ang tatangnan at tuluyan na siyang tumalikod. Ang naabutan ko na lamang ay ang kaniyang malapad na likuran at matambok na puwet, hanggang mawala na siya sa aking paningin.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagligo. Natapos ako pagkalipas ng sampung minuto. Umakyat ako sa putungo sa ikalawang palapag na tanging tuwalya lamang ang nakabalabal sa aking beywang, hawak ko sa iisang kamay ang sabon, shampoo at aking damit na pinaghubaran.