Isang linggo na ang nakalipas nang umalis siya sa mansyon ng mga Montefalco. Sa isang linggo na iyon malaki ang ipinagbago ng kanyang katawan. Hindi siya makatulog ng maayos sa gabi dahil naging praning siya. Na baka puntahan siya ni Enrico sa kanyang bahay at patayin. Kaunting kaluskos lang naging alerto na siya. Nakasarado ang kanyang buong bahay. Wala ring nakakaalam na kapitbahay niya na nariyan na siya. Mabuti nalang at may mga stocks siya sa kanyang tindahan, iyon ang naging konsumo niya sa isang linggo. Sabado. Nasa bayan siya, hinihintay ang pagdating ni Nenita. Hindi siya umaasa na pupunta rito ang dalaga pero nagbabakasali siya. Nakapurong ang kanyang ulo at mukha. Kinakabahan siya na ilantad ang kanyang mukha dahil baka nasa paligid lang si Enrico. Uuwi na sana siya nang

