Wala siyang lakas para bumangon. Lumapit sa kanya si Ethan at inalalayan siyang tumayo. Muntik pa siyang mabuwal ng bitawan siya ng lalaki ng makatayo siya. Hindi siya makatingin dito. Lalo na kay Don Emmanuel. Ang takot niya ay hindi parin nawawala. Akala niya kanina siya ang binaril nang Don. Akala niya katapusan na niya, kasabay sa pagtapos ng kanyang matinding sikreto na ginawa sa buong pamilya. Gusto niyang magsalita, magpaliwanag kung bakit niya iyon ginawa ngunit parang tinahe ang kanyang bibig na hindi niya ito mabuka. "Umaalis ka na muna," wika ni Ethan sa mababang tono. "Sa ngayon, hindi pa namin kaya na pakinggan at intindihin ang paliwanag mo. " Mabagal na tumango si Nadia bilang tugon. Naka alalay na hinatid siya ni Ethan sa labas ng opisina ni Don Emmanuel. "Alam nam

