9

1022 Words
MITCH POV "Ano ba 'yan, siguro dapat magkaroon na rin pala ako ng notes na isara ang zipper ko," pagbibiro ni Sir. Ngayon, bumalik ang pantasya ko sa kanya at bigla kong pinangarap na isara ang zipper ng kanyang pantalon. Pagka alis ni Sir Ivan ay siya namang chat sa akin ni Chelsey. Sheems! Naalala ko naman ang ginawa kong pagbubuking ko sa kaibigan ko. Pero buti na lang at pumayag si sir Ivan na itago namin itong dalawa. "Sis, 7 am sharp susunduin ulit kita, and please don't be late ha? Filipino time ka pa man din," chat niya na may tatlong laughing emojis pa sa dulo. Feeling ko ay hindi rin naman apektado si Chelsey ng competiton naming dalawa. "Oo gising na naman ako. Kumain na rin naman ako ng may sabaw kaya nawala na ang amats ko. Ikaw ba? Lasheeng ka pa ring ba?" nilagyan ko rin ng laughing emoji ang chat ko sa kanya. "Hahahahah! Wala na rin naman akong amats, sa katunayan pwedeng pwede na nga akong mag take ng recitation mamaya sa klase ng nakapikit ang mga mata eh," pagyayabang niya pero bilib na bilib ako kasi totoo naman ang sinabi niya. "So hindi ka na ba galit kay Sir?" "No," mabilis niyang chat, "Tama ka, kailangan kong mag aral ng mabuti para naman ma impress siya sa akin. Pramis, mapapansin na ako ni Sir Ivan this time pero hindi sa makapal na make up kung di sa pagiging mabuting student." 6:50 ng umaga, lumabas na ako at sa parking lot, natanaw ko si Chelsey na nakasandal sa kanyang sasakyan. Abala ito sa pag seselpon at nang makalapit ako sa kanya, lumingon siya sa akin at napatingin sa orasan. "Wow! 6:59 am, mukhang ready advance ng 1 minute ang cellphone mo ha?" "Siyempre. Hindi naman kita pwedeng pabayaang naka tambay rito sa labas. Mamaya makakita ka pa ng gwapo tapos sundan mo hanggang sa mawala ka na." Tinaasan niya ako ng kilay at kumunot ang kanyang noo. "Nako Mitch, simula ng makilala ko si Sir Ivan at ang angkin niyang kagwapuhan, never na akong nag stalk sa ibang mga lalaki. Iba ang datingan ni sir, para bang na magnet na ang puso at mata ko sa kanya. At wala na akong ibang nanaisin pa kung di ang maging kami balang araw." Punong puno ng kasiyahan ang mga mata ni Chelsey at wala akong nababakas na kalungkutan. Limot na nga niya ang ginawang pagpapahiya ng kinahuhumalingan niyang professor sa kanya. Sumakay na kaming dalawa sa sasakyan niya. "Ikaw Mitch, wala ka bang plano magkaroon ng sarili mong sasakyan?" "Ha? Ayaw mo na akong pasakayin dito?" "Of course not, pero I mean syempre nag iisang anak ka lang naman and syempre dagdag kagandahan na rin naman kung magkakaroon ka ng sasakyan. Di ba?" "Sis, I don't need car kasi okay naman ako kahit commute. Siguro kung mahihirapan na akong mag commute, tsaka na lang ako magde decide na magpabili ng sasakyan kay Dad."' "Ay siya nga pala Mitch, kaya rin pala ako nag pabili ng sasakyan kasi pangako ko na magiging top dean lister ako sa klase nating dalawa. Sorry, I don't mean to compete with you pero ayaw ko rin namang magtago but my dad wants me to become the best of the class." Napa nganga talaga ako sa rebelasyon sa akin ni Chelsey. Muli na namang nagka traffic kaya napalingon ulit siya sa akin. "Pero Chelsey, kahit ano pa ang pressure sa atin ng parents natin, magkaibigan pa rin tayong dalawa. Wala tayong ibang dapat competition kung di ang sarili lang natin." "Wala naman talaga tayong competition but I don't want to disappoint my dad. Ang mas maganda pa siguro, magtulungan na lang tayo and kung sino ang the best sa class, ang mga professor na natin ang magde decide. So at least wala tayong tampuhan dalawa." "Promise?" "Oo naman. Matagal na ang pinagsamahan nating dalawa kaya hindi tayo basta basta matitibag ng kahit anong pagsubok sa buhay." Nagyakapan kaming dalawa ni Chelsey pagkatapos naming mangako sa isa't isa na kahit ano man ang mangyari ay magiging magkaibigan pa rin kami hanggang sa huli. "Siya nga pala Mitch, may kakabukas lang na gym malapit sa amin and this coming Saturday, gusto ko sana na pumunta tayong dalawa. Para naman maging physically fit tayo." "Sus... ginagawa mo ba talaga ito dahil gusto mong maging physically fit or para kay Sir Ivan?" Namutla bigla ang mga pisngi ni Chelsey at kahit hindi ito sumagot, alam ko na kung ano ang totoo. "Eh siyempre kasama na 'yun. Hindi man allowed ang make up sa klase natin, sure naman ako na allowed maging physically fit di ba? I mean, medyo tumataba na rin kasi ako so baka need ko lang ng ilang push ups and heavy exercises. So sumama ka na para may friend ako doon." Wala talaga ako planong mag gym. Skinny na naman ako at kontento na ako sa ganitong katawan. Kung may balak man akong sa weekend, yun ay ang mag aral ng mabuti para magkaroon ako ng honor. Tutal wala na akong magagawa kung di sundan ang yapak ng parents ko. "I won't promise Sis, baka kasi may gawin ako sa Saturday." Tiningnan niya ako ng may pagtatampo sa kanyang mga mata, "Hay nako! Sige na nga, cousin ko na lang ang aayain ko. Tutal baka maputol ang braso mo kapag nag buhat ka ng mabibigat at mabinat ka pa. Ako pa ang masisi." "Hoy grabe ka naman marunong naman ako magbuhat ng-" "Nang alin?" "Never mind, babawi na lang ako sayo sa susunod." "Oo, next time kailangan mo rin akong papasukin sa condo mo." "Sure, pero baka matagalan lang." -------------------------------- -------------------------------- IVAN POV Hanggang sa pagkakape ko sa office, hindi ko pa ring mapigilan na isipin ang nangyari sa amin ni Michelle at kung gaano na siya nagiging awkward sa akin kanina. Feeling ko ay kulang na kulang pa ang ginawa kong pagluluto sa kanya ng sinigang kaya mamaya, bibilhan ko pa siya ng cake. "Uy pare baka pwede tayong mag gym sa Saturday?" tanong ni Cyrus, professor na naging close ko rin sa office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD