10

1050 Words
IVAN POV "Ha? Eh medyo namumulikat na kasi ang katawan ko kaya I am not sure kung kaya ko pang mag gym." "Sayang naman, balita ko marami pa namang chicks don at tsaka makisama ka naman sana sa amin ni Carlo kasi napansin namin na madalas kang mag isa eh. Sige na pre, I take no for an answer." "Sige na nga," pilit kong sabi, "Pero umaga lang ako pwede ha? Mayroon pa kasi akong gagawin sa hapon." "Yown! Maraming salamat sayo pare, umaga lang naman talaga ang schedule namin ni Carlo kasi may family outing din ako." I smiled bitterly, at ngayon sumasagi sa isipan ko na what if buhay ang girlfriend ko. Siguro ay mayroon na rin kaming pamilya ngayon at mayroon na akong mga makukulit na ako. "Ikaw pare, kailan mo ba planong mag asawa?" tanong niya, and I was pulled away from my thoughts. "Ha? Eh... siguro darating din 'yan. Pero sa ngayon, focus lang talaga ako sa work." "Heto lang ha? Wag ka sanang ma offend sa akin pero you are already 35 years old, supposedly dapat mayroon ka nang anak sa lagay na 'yan. Oo alam ko na mayroong perfect timing ang lahat at importante na magkaroon ka ng ipon bago ka mag asawa, pero mahihirapan ka nang makahanap ng babae. Sayang naman yang ano mo kung di mo magagamit, sorry usapang lalaki lang tayo rito." "Hahahaha! Wag kang mag alala, next year baka meron na 'yan." "Pero di ba naikwento mo kay Carlo na may girlfriend ka dati? Anong nangyari sa inyong dalawa?" Napa buntong hininga ako ng malalim, I did not expect na didiretsuhin niya akong bigla. "Ha? Eh... wala na kami noon. Actually matagal na siyang namatay." Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabi ko. "Ha? Sorry, kailan siya namatay?" "Dati pa, unfortunately, may isang doctor na nag opera sa kanya. Although sinabi ng doctor na successful ang operation, bigla na lang may sumabog sa hospital at nasunog nito." "Ha? Eh di dapat makulong ang gumawa niyan?" "Unfortunately, hindi naman ako mayamang tao kaya walang hustisya para sa namatay kong girlfriend. Pero isa lang ang natitiyak ko, kakarmahin din ang gumawa nito sa kanya. At natitiyak ko na habang buhay siyang uusigin ng konsensya niya sa pagtakip ng krimeng ginawa niya." "Kilala mo ba ang doctor?" "Kilalang kilala pero hindi niya ako kilala dahil-" Nag preno ako ng pagsasalita, nagbago ang hitsura ko sa loob ng maraming taon kaya mahihirapan si Romualdo na makilala ako. At mabuti na rin na di ko muna pagkatiwalaan ang lalaking nasa harapan ko kaya mahirap na. "Dahil ano?" "Matagal na ang insidente na yun at wala na siyang balita sa akin." ------------------------------- ------------------------------- MITCH POV 12:50 pm, papasok pa lang kaming dalawa ni Chelsey sa classroom ng biglang sumipol ang isa naming kaklase namin sa loob ng classroom. Lumingon kaming dalawa ni Chelsey sa lalaki at tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit ka sumisipol?" seryosong tanong ng kaibigan kong uminit kaagad ang ulo. Tumayo ang lalaki naming kaklase, "Hi Chelsey, ako nga pala si Mark, ang ganda mo pala kahapon, sayang nga lang, ayaw nang prof natin na naka make up ka kase insecure siya sayo..." I crossed my arms over my chest, "Hoy anong sinasabi mong insecure? Pinapalabas mo bang gay si Sir Ivan?" "Ha? Hindi pa ba obvious? Anyway, gusto ko sana kayong ligawang dalawa kasi-" "Pass! Hindi ako napatol sa pango. At tsaka hindi gay si sir Ivan so tigil tigilan mo na 'yan dahil iuuntog ko ang ulo mo sa pader sa susunod," ramdam ko ang galit sa mga mata ni Chelsey nang bitawan niya ang mga salitang ito kaya hinila ko na siya. "Hayaan mo na 'yan, sadyang may mga epal lang na tao sa mundo." Nagpasaring pa yung kaklase namin pero inawat ko na si Chelsey. 1:30 pm ng dumating si sir Ivan. Kumpiyansa ako na makakapasa ako sa quiz at recitation namin dahil sa nag review ako. "Okay class sorry I am late," sambit ni Sir na parang hinihingal pa. "Anyway I expected all of you na memorize niyo na ang male and female organs. So let us start with..." Umikot ang paningin ni sir Ivan hanggang sa huminto ito sa akin. Sheems! Bigla akong kinabahan at nawala ako sa uliran. Inilis niyang bigla ang kanyang mga mata kay Chelsey. "Stand up, since ikaw ang naka make up kahapon, ikaw ang mauunang mag recite." Tumayo si Chelsey, kitang kita ko ang confidence sa mga mata niya. "Okay, can you define the female reproductive organ and name at least five parts of it." Kumpiyansa naman ako na masasagot ni Chelsey ang tanong dahil matalino ito at maning mani sa kanya! "The female reproductive system is made up of the internal and external s*x organs that function in the reproduction of new offspring. In humans, the female reproductive system is immature at birth and develops to maturity at puberty to be able to produce gametes, and to carry a fetus to full term. Example parts of female are fallopian tube, ovary, v****a, cervix, and uterine tube." Napangiti si sir, "Very good..." Pumalakpak ako sa kaibigan ko, nakaka proud lang na ginalingan niya. "Okay how about you Michelle." Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Sana ay madali lang ang itatanong sa akin ni Sir Ivan. "Recite the male organ parts and define their functions." Sheems! Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko kay Sir Ivan, natulala na lamang ako sa kanya. "Sis kaya mo 'yarn," bulong sa akin ni Chelsey. Tagaktak ang pawis ko pero nanatiling blangko ang utak ko sa mga sandaling ito. Binigyan lang ako ni Sir Ivan ng ilang minuto pero wala talaga akong naisgot sa kanya. Habang nasa kotse ako ni Chelsey, dito lamang ako nahimasmasan sa mga nangyari kanina. "Nakaka inis, paano na nito?" tanong ko sa kanya. "Nakaka disappoint, kahit anong gawin ko hindi ko talaga kaya ang subject sna science. Mabuti ka pa Chelsey, maning mani sayo ang subject natin" "Ano ka ba? May next time pa naman eh. And sure ako na maipapasa mo na 'yun. Hindi ka naman siguro babagsak kung wala kang naisagot kanina." 6 pm, nakarating na ako sa apartment at nadatnan ko si Sir Ivan na nagla laptop sa balcony habang umiinom ito ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD