11

1014 Words
MITCH POV I hate seeing him right now! Yung tipong ayaw ko na muna siyang kausapin pagkatapos kong bumagsak sa oral recitation. Mabuti na lamang at abala siya sa pag la laptop. Pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagkatapos kong magbihis, biglang may kumatok sa pinto. Hays, mamaya pa sana ako lalabas sa kwarto ko kaya lang mukhang wala na akong choice kung di makipag interact kay sir. Nang buksan ko ang pinto, naka ngiti na naman siya sa akin. Para bang walang nangyari kanina. "Bumili pala ako ng cake kanina. Tara kain tayo," nakangiting sabi niya sa akin. "Sir..." "Tara na... okay lang kung bumagsak ka sa recitation kanina. Bumawi ka na lang next time, pero natutuwa ako kasi matalino pa lang ang kaibigan mong si Chelsey. Sure ako na malayo ang mararating niya sa larangang ito. And hindi ako sa nag e-exaggerate pero I think may chance siyang maging c*m laude." I faked a smile, nakaramdam ako ng bitterness dahil kay Chelsey. "Sige prof, kumain na po ba kayo?" "Hindi pa eh. Kung gusto mo magpapa deliver na rin ako para makabawi ako sa ginawa ko kagabi." "Ha? Ibaon na po natin sa limot ang nangyari kagabi. Wala na po 'yon sa akin." "Ganun ba? Sige tara sa balcony, magkwentuhan na rin tayong dalawa." Sumama ako kay sir Ivan at tumambay kaming dalawa sa balcony niya. Mango cake ang binili niya na pinag saluhan naming dalawa. "Siya nga pala Michelle, wala pala ako sa sabado ha? Mayroon lang akong importanteng lakad kaya mga 9 pm na ako makakauwi. Pwede siguro kung mahiram ko muna ang susi sayo," pagbasag niya sa katahimikan. "Wala naman pong problema, pero dito lang po ako sa bahay ngayong sabado. Mag aaral po ako para hindi nakakahiya kay Dad, baka kasi kapag pinabayaan ko ang pag aaral ko, bigla naman niya akong patigilin. Eh baka makarating nga din po ang balitang ito sa kanya eh." "What? Don't worry, wala naman akong plano na magsumbong sa kanya. As I said last time, mapag kakatiwalaan mo naman ako sa mga secrets mo." "Salamat sir Ivan. Pramis, babawi talaga ako sa inyo. Actually kahit sa ibang subjects sa klase namin, sobrang nahihirapan po ako pero hindi ako sumusuko." He looked at me as if he was proud. "Keep it up, darating din ang panahon na mauungusan mo si Chelsey in terms of academics." Idinaan ko na lang sa ngisi ang pagkagulat ko sa sinabi ni Sir Ivan, "Actually wala naman po talaga akong planong makipag compete kay Chelsey and nag promise po kasi kaming dalawa sa isa't isa na hindi kami magpapa pressure sa nangyayari sa parents namin." "Michelle, paano ka naman nakaka sigurado na totoong kaibigan mo si Chelsey?" tanong ni Prof, may pag dududa sa kanyang mga mata. "Of course matalik ko siyang kaibigan and she is actually my childhood friend. Nag promise pa nga kami sa isa't isa na wala kaming magiging competition." Isang tawag mula kay Dad ang nag istorbo sa pag uusap naming dalawa ni Sir. "Ay saglit lang po ah? Baka pwedeng pumasok muna ako sa kwarto, tinatawagan lang ako ni Dad," pagpapaalam ko sa kanya. "Sige lang, bumalik ka na lang rito kapag tapos mong makipag usap sa dad mo." Pumunta ako ng kwarto ko at pag sagot ko ng video call, seryoso at parang galit kaagad ang tano ng pananalita ni Dad. "What is going on with you?" tanong niya. "Dad? Anong ibig niyong sabihin?" "Balita ko nauungusan ka na ni Chelsey sa academics. Ang sabi sa akin ng tatay niya, puro matataas ang scores na nakuha niya sa mga exams ninyo. And how about you? Why are you not updating me about what is going on with your life? Please don't make me resort to calling each of your professor dahil may tiwala naman ako sayo." Nakakainis, halos manliit ako sa sarili ko dahil sa sinabi ni Dad. "Dad, babawi na lang po ako sa susunod, pramis ko po 'yan." "Hay nako! Wala ka pa lang binatbat kay Chelsey pag dating sa academics, sure ako na kung nabubuhay pa ang mama mo, magagalit siya sayo at sobrang disappointed siya." This time, sumabog na ako ng tuluyan at lumuha ako sa harapan ni Dad. "Bakit dad? Di ba sinabi ko naman sayo na education ang gusto kong kuhain. Pero pinilit mo pa rin ako pagkuhain ng course na gusto mo dahil nag iisang anak lang ako at wala akong ibang choice kung di ang sundin ang gusto ninyo. Na dapat kalimutan ko na ang pangarap kong maging isang guro." "At ganyan ka na ba makipag usap sa taong naging dahilan kung bakit ka nasa mundong ito? Kung di dahil sa amin ng mama mo, hindi ka magkakaroon ng magandang buhay." Palagi ko na lang naririnig ang katagang yan kapag nag aaway kaming dalawa ni Dad kaya naman ay rinding rindi na ako at wala nang salitang lumalabas sa aking bibig. "Sige na, marami pa akong aasikasuhin dito. Mga 30 days pa kami mag i stay sa batangas. Hinabilin na naman kita kay Ivan, siya na ang bahalang mag bantay sayo. And yung renta nga pala niya, yun muna ang kuhain mong allowance sa school mo." Binaba na ni Dad ang tawag, nagpahinga lang ako ng ilang minuto at pinunasan ang pawis ko at muli akong bumalik sa balcony kung saan busy rin si Sir Ivan sa tawag sa kanyang cellphone. Pagkaupo ko ay pinatay kaagad niya ang tawag. "Oh anong nangyari sayo Michelle? Bakit ang lungkot mo? Pinagalitan ka ba ng tatay mo?" I tried my best to smile pero hindi talaga nakikisama ang mata ko dahil sa lungkot. "Eh... nakarating lang po ang balita kay Dad tungkol sa amin ni Chelsey and disappointed po siya sa akin kasi unlike her, hindi ako nag e excel sa class hanggang sa mag away kaming dalawa." "Ikaw na rin ang nagsabi kanina di ba? Hindi ka susuko sa pag subok? Kaya mo 'yan Michelle, actually si Romualdo ang kausap ko at sinabi niya na ibigay ko ang bayad ko sa renta sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD