CHELSEY POV
Saturday morning, 6 am pa lang ay gising na gising na ako. Sobrang ganda lang ng mood ko today dahil mag gi gym ako kasama ang cousin kong si Mila. Nag handa na ako ng fitted kong damit, dalawang one liter ng tubig at towel.
Pag baba ko pagkatapos kong mag toothbrush, nakita ko ang Mama ko na mag isang nag aalmusal.
"Oh honey, come and join me!" sambit niya ng nakangiti. "You make your mother really proud so I wanted both of us to celebrate your success."
Ngumiti ako at naupo sa tabi niya, nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Anyway anak, you are doing so great at proud na proud kami ng tatay mo sayo."
"Thanks Mom," kumuha ako ng plato at hinainan ko ang sarili ko.
"By the way, atin atin lang ito anak, plano naming bilhin ang natitirang shares ni Romualdo sa hospital at angkinin ito. After all, panahon na para tayo naman ang mamahala ng kumpanyang pinag hirapan natin buuin. Ilang dekada na tayong alila ni Romualdo at pamilya niya kaya panahon na para patalsikin siya sa pwesto."
"Mom! Why are you talking like that? Akala ko ba matalik ninyong kaibigan si Uncle?"
"Anak, that word does not exist. There is no such friend na walang lamat. And now that you are already a full grown adult, dapat mong malaman na matagal na mayroong hidwaan ang papa Piolo mo at ang tatay ng kaibigan mong si Michelle. Isang malaking sikreto na itinago ni Romualdo sa loob ng mahabang panahon."
"Sikreto? At anong storya po?"
Tinaas ni Mom ang isa niyang kilay, "20 years ago, hindi pa naitatag ang hospital natin, nagkaroon siya ng hospital sa Batangas. Mayroong isang babaeng pasyente na kinailangan ng kidney transplant. Nag agawan ang papa mo at si Romualdo sa operation dahil sobra itong komplikado pero magiging President ng hospital ang magtatagumpay."
"Ineksperimentuhan nila ang pasyente?"
"Anak, ganun na nga ang nangyari. Hindi naging successful ang operation ng pasyente kaya binawian din ito ng buhay. At dahil sa ayaw ni Romualdo na makulong, nakiusap siya sa papa mo na sunugin ang hospital para mapag takpan niya ang lahat."
"And bakit naman po nakipag connive si Dad?" tanong ko.
"Dahil nag block mail si Romualdo at sinabi nito na idadamay niya ang papa mo sa nangyari. At aminado ako, nasilaw kami ng papa mo sa 20 million pesos na ibinigay niya para mapalabas na aksidenteng nasunog ang hospital."
Halos manlumo ang buong katawan ko sa mga narinig ko kay Mom, hindi ko lubos akalain na ang pinaka mabait na kaibigan ng papa ko ay mayroong krimen na karumal dumal. At ang masakit pa rito, dinamay niya pa ang tatay ko sa mga ginawa niya! I wanted to cry, mahal ko ang tatay ko and I want to make him proud of me. I cannot accept the fact na naging bahagi siya ng krimen ni Uncle Romualdo.
"Bakit ngayon mo lang ito sinabi ma? Nakalimutan mo na ba na best friend ko ang anak ng lalaking kasusuklaman ko habang buhay?"
Hinawakan niya ang kamay ko, "Anak, I know you have been friends for a very long time pero nothing lasts forever. Lahat ng relasyon ay nagkaka lamat. I am not saying na layuan mo si Michelle pero ngayong nalaman mo na ang horrible past ng tatay niya, ang magagawa mo na lang ay ungusan siya in terms of academics."
"Mom? Nag pramis na po kami ni Michelle sa isa't isa na kahit ano mang mangyari, magiging magkaibigan pa rin kami hanggang sa huli."
"Pero Chelsey, sa ayaw at sa gusto mo, damay na ang pagkakaibigan ninyong dalawa. Gugustuhin mo bang makisama sa anak ng lalaking dahilan kung bakit tayo nag suffer ng ilang taon? Sakim si Romualdo at bilang ganti sa ginawa niya, kailangan mong maungusan ang anak niya."
"Si Michelle, alam ko na wala siyang kinalaman sa mga nangyayari. Sigurado akong biktima lang din siya gaya ko," pagtatanggol ko sa matalik kong kaibigan.
"I know you would say that. But believe it or not, darating ang panahon na mag aaway din kayong dalawa ni Michelle at pag nangyari 'yun, pagsisisihan mo na naging mabait ka sa kanya. Now, try mo lang siyang pakisamahan pero fake it."
Galit na galit ako kay Uncle Romualdo pero there is no way na ibubuntong ko ang galit ko kay Michelle. It's so wrong!
"Sige Mom, aalis na po ako, baka hinahantay na po ako ni Mila sa gym."
At exact 9 am ng umaga, nagkita kaming dalawa ng cousin kong si Mila sa loob ng gym. Sobrang ganda ng facilities nila but medyo kaunti lang tao. Dumeretso muna kaming dalawa sa pag ju jumping rope. Para ngang gusto ko nang umuwi kasi wala na ako sa mood.
"Okay ka lang Chelsey? Akala ko ba excited kang mag gym ngayon kasi gusto mong maging physically fit?"
Huminto ako sa ginagawa ko, "Oo kagabi excited ako pero nawala ang excitement ko sa nai kwento sa akin ni Mom. It really ruined my mood today."
"Oh ano eh gusto mo pa ba 'tong ituloy?" tanong niya sa akin.
Napa buntong hininga ako ng malalim, "Hindi ko rin alam..."
"Ano ba kasing sinabi ng mama mo?"
The fact of the matter is, sikreto lang namin ito ni Mama at walang dapat na makaalam ng kahit na sino- maging ang cousin ko. Involve si Dad at baka masira ang pangalan niya kung magiging madaldal ako sa darkest past nila ni Uncle Romualdo.
"It's too personal to discuss eh."
"Sus, too personal? Mabuti pa nga yung friend mong si Michelle, nasasabihan mo ng mga problema. Samantalang ako na pinsan mo, naglilihim ka."
"Sorry na, next time sasabihin ko na talaga ito sayo. Pero sa ngayon, I decided na wag nang mag gym kasi tinatamad na talaga ako."
Pagkasabi ko nito, napalingon ako sa entrance door at nakita ko si Sir Ivan kasama ang ibang mga professors sa school namin. Naka suot siya ng sanda at shorts, at mayroon siyang dalang backpack. Mukhang balak din nilang mag gym.