CHELSEY POV
"Ayieeeeeee in fairness guwapo nga yang tinitingnan mo ha! Siya siguro ang dahilan kung bakit pinipilit mong mag punta rito?"
Lumingon ako kay Mila, "Ha? Ako ba ang kausap mo?"
"Hays! Malamang, alangan namang multo ang kausap ko?"
Kumuha ng bimpo si Mila at binigay pa niya ito sa akin.
"Ano to?"
"Chelsey, tumutulo ang laway mo sa lalaking pumasok dito. Aminin mo na crush mo siya no?"
"Ha? Professor ko siya sa school, anong pinag sasabi mo jan?"
"Professor? Sabagay mukha na siyang matanda, parang nasa fourty na yata siya eh. Pero hot pa rin naman, at mukhang may planong magpa ganda ng katawan."
Tumalikod ako kaagad pero sa gilid ng mga mata ko, tinitingnan ko pa rin si Professor.
"Akala ko ba aalis ka jan?"
"Nagbago ang isip ko Mila, ginanahan ako ulit mag gym hehehehe."
"Ay sus... kasi bakit? May inspirasyon ka na? Pero di ba bawal sa school ang love affair kung professor at student ang relationship?"
"Bawal kapag nahuli pero kapag hindi, tuloy lang ang laban. Susungkitin ko si Sir Ivan kahit na ano pang mangyari. Pero ngayon, hanggang nakaw tingin muna ako sa kanya. Wag mo itong sasabihin ha? Nako, yari ka sa akin Mila."
"Ano ka ba? Hindi kita isusumbong pero itutulak lang kita sa kanya kapag malapit siya."
"Puro ka kalokohan jan."
Ginanahan akong mag excercise at bandang 12 pm ng umalis na si Sir Ivan, subalit nanatili ang dalawa niyang mga kasamahan.
Hinatak kong bigla si Mila. "Halika may pupuntahan tayo."
"Teka... saan?"
"Basta mamaya ka na magtanong."
Hinakot naming dalawa ang mga gamit namin at lumabas. Dali dali kong pinaandar ang kotse ko at sinundan namin si sir Ivan.
"Hoy Chelsey, ganyan ka na ba ka desperada? Bakit balak mong sundan ang professor mo?"
"Eh kasi gusto ko lang makita kung saan siya nakatira. Nothing more and nothing less," sambit ko.
"Eh jan naman nagsisimula ang lahat eh. Stalk mo ang bahay tapos palagi ka nang tatambay doon. Pupusta ako naka follow ka na rin sa mga social media account ng sir mo?"
"Oo, puro na nga pictures niya ang nasa gallery ko. Pero wala namang masama na magkaroon ng crush no! Bahagi ito ng pagiging isang teenager."
"Ikaw ang bahala pero pag nagka traffic, bababa ako ha?"
"What? Hindi ka ba sasama sa akin?"
"No need na... may iba pa pala akong gagawin."
"Grabe ka naman Mila, ang unsupportive mo naman," nagtatampong sabi ko. "Kung si Michelle ang kasama ko rito, sigurado akong sasakyan lang niya ang trip ko sa buhay."
"Ihinto mo ang sasakyan, bababa ako," seryosong sabi ni Mila.
Napakamot na lang ako sa pagiging kill joy niya. Pero naisip ko na mas mabuti na lang na wag na siyang sumama sa akin kasi baka masira pa ang lakad ko sa kanya. Inihinto ko ang sasakyan at pagkatapos ay nagsalita niya ng padabog.
"Good luck sa pagiging desperada mo ha? Sana lang hindi masira ang pagkakaibigan ninyo ni Michelle."
Padabog pa niyang isinara ang pintuan. I rolled my eyes, may pagka maldita talaga ang babaeng yan kahit na nilibre ko na siyang mag gym. Nag focus na lamang ako sa pag stalk kay sir Ivan. Halos dalawang oras na nga akong humahabol sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil.
I guess I need to give up dahil baka maligaw pa ako pag uwi. I was about to return nang biglang dumeretso ang sasakyan ni Sir Ivan sa isang cemetery. Sinundan ko pa rin ang sasakyan niya hanggang sa loob kung saan mayroon siyang pinuntahang isang puntod.
At sa unang pagkakataon, nakita ko kung paano umiyak si Sir Ivan. Siguro ay sobrang importante ng taong ito para sa kanya. Parents? Siblings? Or relatives? Pwede ring kaibigan. I feel so sorry for him dahil halatang nangungulila siya.
So far, lola at lolo ko ang parehas na namatay. And it really breaks my heart kaya kahit papaano, nakiki simpatya ako sa kanya. Umabot na siya ng dalawang oras sa tapat ng puntod, ginutom ako kaya kinain ko na ang baon kong sandwich.
Nang bumalik siya sa kotse at umalis, lumabas ako and I took pictures sa puntod ng binisita niya. And then sinundan ko siya ulit. Medyo mahaba haba ang biyahe pero napansin ko na parang pamilyar ang tinatahak niyang daanan.
"Teka papunta ito sa bahay ni Michelle ah?" bulong ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng magkamali dahil dalawang beses na akong nagpunta rito.
3 pm ng hapon, pumasok siya sa Annex building subalit hinantay ko pa rin siyang makalabas. 20 minutes later, lumabas ang itim niyang sasakyan. But this time, napagod na akong sumunod sa kanya kaya umuwi na lamang ako.
Pag pasok ko pa lang sa gate, nakaabang na kaagad ang mama ko.
"4 pm na Chelsey, saan ka na naman nag gala?" tanong niya.
"Mom... may pinuntahan lang po ako."
"Si Michelle ba? Don't tell me na sinabi mo sa kanya ang sinabi ko kanina?"
"Of course not! I am not stupid enough to confront her about it. Lalo lang pong lalaki ang gulo kapag ginawa ko 'yun. Sige papasok na po ako sa loob. But I did not come to her apartment, may iba lang po talaga akong inasikaso."
"Sige, pero anak tandaan mo, ikaw ang dapat na mag excel sa klase dahil ikaw ang dapat na pumalit sa amin balang araw at hindi 'yung anak ng kriminal."
"Don't be so mean, Mom! I believe na mabuting tao si Michelle at mananatili po kaming magkaibigan."
Nag kulong ako sa aking kwarto, nagmumuni muni dahil sa hindi ako makapaniwalang pumasok sa Annex building si Sir Ivan. Doon ba talaga siya nakatira o mayroon lamang itong dinalaw? Isa lang ang sagot sa tanong ko, kailangan kong agahan ang pag sundo ko kay Michelle para maabangan ko rin kung lalabas ba ang sasakyan ni Sir Ivan.
Sa gitna ng pag mumuni muni ko, naalala ko na pinicturan ko pala ang pangalan ng puntod na pinuntahan kanina ni Sir Ivan.
"Mikaela Laurelle De Guzman. Born in 1960 and died in 2000."
Out of my curiosity, I wanted to know more about this woman.