IVAN POV
Fuck! Ang hot ni Michelle ngayong gabi, mabuti na lang at takot siya sa kidlat kaya komportable niyang ginawang unan ang braso ko.
"Sir Ivan, di ba lahat ng tao ay may kinakatakutan?" tanong niyang bumasag sa katahimikan.
"Oo, mayroon din naman akong ilang kinatatakutan sa buhay."
"Kagaya ng?"
"Losing someone important to me... and siguro karamihan naman ng mga tao, takot talagang mawalan ng mahal sa buhay," I am torn between choosing if I should tell about my ex's girlfriend's death or not. But after mili seconds, I chose not to.
"Siguro sa ibang tao, pero in my case, may iba pa akong mas kinatatakutan."
"At ano naman 'yun?"
"For my future. Kasi hanggang ngayon, mas gusto ko talagang maging isang guro kesa sa maging isang doctora. It's against my will lalo na't mahirap ang mga subjects dito. Obvious naman po di ba?"
"Well, wala naman sigurong masama kung susubukan mo eh. But ang tip ko lang sayo, aralin mo lang ang male and female reproductive organs kasi doon iikot ang mga exams natin. Kinaya mo naman ang recitations natin kanina kaya alam kong kayang kaya mong makapag tapos ng pag aaral."
Ngiti na lang ang naisagot sa akin ni Michelle, parang naging komportable na siyang gawing unan ang bisig ko. At kahit na nakakangalay, mas ninais kong tiisin ito alang alang sa kanya. But next time, pahihirapan ko siya sa exam para makuha ko ang gusto ko sa kanya- ang virginity nito.
--------------------------------------
--------------------------------------
CHELSEY POV
Tomorrow morning, on the way na kaming dalawa ni Mama sa hospital. Sakay ng magara naming Mercedes na kabibibili lamang niya.
"Sweetie, kamusta nga pala ang school mo?"
"Heto okay naman," malumanay na sagot ko habang nakasandal sa upuan.
"Why are you acting like that? Kanina ko pa napapansin na para kang walang interes sa araw na ito. What has gotten into you huh?"
"Nothing... just another bad day..." I cannot say to Mom what I have witnessed in school. In reality, wala naman talaga akong ibang taong pinag sasabihan ng problema bukod kay Michelle. But because she is the main reason kung bakit ako nagkakaganito, I guess I need to fake a smile.
"And what is the main reason? Nagagalit ka ba dahil hindi ka nakapasok sa school?"
"No, it's not like that. Medyo stress lang po dahil sa dami ng pinapagawa ng mga professor. Nothing more and nothing less."
"That's really apart of it, Sweetie. And it won't end there, pag nagkawork ka na, doon mo mararanasan ang totoong stress. Especially kapag nakita mo na ang actual na nangyayari sa loob, once you see patients lying on the bed."
"Di ba maglilibot po tayo ng hospital at ipapakilala ninyo ako sa mga shareholders?"
"Of course gagawin natin 'yan. But, pagkatapos kitang ipakilala sa mga shareholders, pwede ka munang tumambay sa Medical records department. Ipapa assist kita mamaya para maging aware ka rin kung ano ang mga kadalasang sakit ang nagiging dahilan kung bakit namamatay ang mga tao."
"Medical records?"
"Oo anak, doon din nakalagay ang mga records ng naging pasyente natin for almost 20 years. Ewan ko ba pero ayaw ipatapon ni Romualdo ang iba sa mga records. Kung tutuusin, dapat nga ay idispatched na ang iba doon eh."
Napa isip akong bigla, sumagi sa isip ko ang babaeng dinalaw ni Sir Ivan sa cemetery. I wonder kung mayroon ba siyang medical record sa hospital namin. In that way, malalaman ko kung kaano ano siya ni Sir since hindi naman sila magka apelyido at halos ka edaran lang niya ang babae.
"Sige po Ma, wala namang problema sa akin. Kahit nga hanggang gabi ako roon wala namang problema."
"See? Mukhang excited ka nang makapasok sa hospital to work. Just keep up, para maungusan mo kaagad ang anak ng kriminal na 'yan."
This time, hindi ko na naipagtanggol pa si Michelle dahil sa ginawa niyang pang aahas sa lalaking kinahuhumalingan ko. Sira na talaga ang pagkakaibigan namin at hindi na ito maibabalik pa sa dati. Ngayon, mas nai internalize ko na talagang walang friendship na tumatagal. Kahit gaano pa katagal ang friendship, isang lalaki lang talaga ang pwedeng magwakas nito.
Isang oras ang nakalipas, nakarating kami ni Mama sa hospital. Marami ang labas pasok, may mga ambulance pa akong narinig at may mga ilan pa akong nakikitang malulungkot na mukha. I cannot even stand looking at them, what more pa kaya kung nakausap ko sila.
Siguro mabibigat ang bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig dahil nasa hospital sila. Ang lugar na kadalasang iniiwasan ng mga taong puntahan. Nag punta kami sa fourt floor at pumasok kaming dalawa ni Mama sa loob, may dalawang lalaki at babaeng parang kasing edad lang ni Mama. And based sa hitsura nila, parang galante ang mga ito.
Tumayo silang lahat at ipinakilala na ako ni Mama sa kanila.
"I would like to introduce to you ang matalino kong daughter, siya ang natitiyak kong mag mamana ng company na ito, Chelsey Miranda!"
"You're such a beautiful girl," sambit ng lalaki, "I am looking forward to seeing you in the office together with Romualdo's daughter," dagdag pa niya.
Nasuya akong bigla. To think na maging sila, isasali pa ang hinayupak kong karibal, sobrang nakaka badtrip talaga.
"Nako! Pwede naman ang sinasabi mo pero ang anak ko ang magiging boss noong si Michelle. And I guarantee na maging si Romualdo, mas gugustuhin iyong mangyari. And I don't want to brag or anything of that nature pero itong si Chelsey, maraming beses nang nag e excel sa klase nila. Hindi ko lang alam kung ganoon din yung isa."
"Mr. Romualdo says that his daughter is doing great in school as well. Well, it seems na-"
"By the way, let us not talk about it," pagputol ng mama ko, "I brought my daughter here para naman maging aware siya sa mga nangyayari sa hospital. In that case, mas magiging malawak ang knowledge niya sa field and it will become her advantage."
After five hours of sitting with them, doing nothing except to listen to their meeting, I finally got the chance to visit the Retrieval department.