CHELSEY POV
My mom was not able to accompany me here kaya mag isa na lang akong nagpunta.
"Hello Chelsey, it's nice meeting you, my name si Almira and I am responsible for keeping all the medical records of the patients."
Iniikot ko ang mga mata ko at kahit saan ko ito itama, puro papel ang nakikita ko.
"Lahat ng mga files na nakikita mo rito, lahat yan ay mga files ng mga patients 10 years ago. Mayroon pang kabilang room which is also filled with lots of documents, and usually doon nakalagay ang 20 years medical reports. Hindi pa namin tinatapon kahit na karamihan sa mga patients ay patay na," pagpapatuloy niya pa ng explanation.
"Really? Pero naka list po ba sa computer niyo ang mga records ng mga files na 'yun?" tanong ko, it is the best way to know about Mikaela Laurelle De Gezmun's record kung sakali mang mayroon siyang record dito.
"Meron naman, pero bakit mo naitanong? Mayroon ba kayong project sa school na kailangan ng records?"
"No... never mind," sambit ko. "Pero can you show me kung paano mo ginagawa ang pag retrieve ng records, yung 20 years ago ang gusto ko."
"Ah sige," nakangiting sabi niya, she went to her files at ipinakita niya sa akin kung paano mag retrieve. "Oh ayan, halimbawa Cristy Mulaklakin, namatay siya noong 2001 sa sakit na cancer, makikita ang file niya sa right column.
Tumayo siyang bigla, "Anyway magsi cr lang ako ha? Ikaw muna ang bahala rito," pagpapaalam niya.
Umalis siya na iniwang nakabukas ang kanyang computer. Pag alis niya, na attempt akong tumingin sa records ng mga patients. Naupo ako at binuksan ko ang phone ko.
"Mikaela Laurelle De Guzman," I typed at luckily, biglang nag appear ang pangalan sa screen. Napangiti ako at nahiwagaan kung bakit mayroong record ang babaeng ito sa hospital namin. As I clicked the file, ang sabi lamang dito ay nakalagay ito sa docket 15 room b.
Ito mismo ang docket na tinuro sa akin kanina ni Almira. Mukhang wala naman siya kaya dali dali kong pinicturan ang screen ng monitor at nagpunta sa kabilang room. Medyo may kainitan sa loob at puro alikabok. Despite that, nag tiyaga pa rin akong hanapin ang record ni Mikaela Laurelle De Guzman bilang naging bahagi siya ng buhay ni Sir Ivan.
Inisa isa ko ang mga cabinet sa docket 15, naka alphabetize pa nga ang mga files sa loob. Sa pag titiyaga ko, nakita ko rin sa wakas ang file na hinahanap ko.
"Anong ginagawa mo rito?" ang boses na nagpahinto sa akin, napatingin ako sa pinto kung saan nakatayo habang nakangiti si Almira. "May hinahanap ka bang records?"
"Ahhh," tumulo pa ang pawis ko sa noo dahil sa kaba, "Eh kasi ano... praktis lang..."
Lumapit siya sa akin at inagaw ang document sa kamay ko, nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ito ng pagiging seryoso ng tingnan niya ang document.
"Ba-bakit? Mayroon bang problema?"
Hinatak niya ako palabas at sinara niya ang pinto, "Alam mo ba na hindi ka pwedeng humawak ng kahit na anong records dahil sobrang confidential ng mga ito?" galit na sabi niya.
"Eh anak naman ako ng may-ari," pabalang kong sagot, imbyerna siya kung sa tingin niya ay hindi ko siya papalagan.
"Anak ka lang ng stakeholder pero si Sir Romualdo ang may-ari ng hospital na ito. Siya at ang asawa niya."
"Ano ba kasing problema? Gusto ko lang naman makita kung ano ang ikinamatay ng pasyente na 'yan."
"Not unless kamag anak ka, you need to prove your relation to this person bago kita bigyan ng copy."
"Well... hindi ko siya kaano ano. Kung gusto mo, willing akong mag bigay ng pera para sa impormasyon ng tao na 'yan. Please, kailangan ko lang talagang malaman."
"No..." mariin niyang sabi, "Marangal akong nagtatrabaho kaya hindi ako masisilaw sa pera. Aside from that, mayroon ding mga cctv cameras sa lugar na ito kaya kapag nalaman ito ng mama mo, sure ako na pati ako ay damay."
"Talaga bang walang way para makumbinsi kita?" tanong ko ulit.
Tumungo siya, "Sorry talaga, irespeto mo na lang ang batas namin dito sa hospital. Pasasaan pa't dito ka rin papasok. Sure naman ako na magkaka access ka rin sa lugar na ito."
Still, in spite of what she had said, I won't give up that easily. Gagawin ko ang makakaya ko para mapasa akin ang document na ito.
"Walang problema and sorry kung naabala pa kita."
"Pwede ka bang lumabas muna?"
"Ha? At bakit naman?" pagtataka ko, "Dito ako pinapwesto ni mama eh."
"Eh kasi itatago ko itong paper, baka kasi may iba ka na namang gawin. Ako pa ang mayayari nito kay Sir Romualdo."
Nayamot ako at minaltidahan ko talaga siya, "Pinapangako ko sayo, kapag ang parents ko na ang may ari ng hospital na ito, ikaw ang una kong ipapatanggal."
Ngumisi siya, "Wag kang ma attitude diyan teh! Si sir Romualdo pa rin ang magiging boss dito kasi may voting sa mga shareholders next week. Sa totoo lang, si Sir Romualdo ang pinaka mabait na boss ko kaya sure ako na malabo yang sinasabi mo."
Hindi na ako nakipag talo pa sa kanya at baka makarating pa ito sa mama ko. Bagkus, ay lumabas na lamang ako at hinintay ang mama ko sa lobby.
7 pm, bumaba si Mama and she gave me a long face upon seeing me.
"And what the hell is wrong with you?" tanong niya, "Akala ko ba-"
Pinutol ko kaagad siya, "Ma, mauna na po kayo, mayroon lang akong kailangan puntahan," pagpapaalam ko sa kanya.
"Ha?" tumingin siya sa kanyang orasan, "Anong oras na anak! Saan mo na naman balak mag lakwatcha ha?"
"Basta po Ma, mayroon lang ako kailangan asikasuhin," ngumiti pa nga ako sa kanya para lang mapapayag ko siya.
"Okay fine, but you still need to update me sa kung ano ang nangyayari sayo okay?"
"Thanks ma," sambit ko. "Mag tataxi na lang din ako pag uwi ko."
She kissed my cheeks and she went her way. Tumambay muna ako sa labas ng hospital hanggang sa lumabas na ang malditang si Almira. Binigay niya sa guard ang susi ng retrieval department bago ito umalis.