CHAPTER 50 NAPAHINTO si Roxanne sa may dahon ng pinto papasok sa opisina ni Trevor. Bitbit niya ang sama ng loob na nararamdaman dahil sa lahat ng nalaman nya. Akala niya handa siya sa lahat ng matutulaksan mula kay Trevor hindi pala. Masakit para sa kaniya ang lahat, kahit na ang totoo posible ngang may kinalaman ito sa buhay ni Summer, may kutob na siya noon na pinipilit niya lang saklawan dahil pinilit nyang pinaniwala ang sarili niyang iba si Trevor. Buo ang loob niya, itutuloy niya ang nabuong plano sa puso niya. Hindi niya kailanman mapagbibigyan ito. Iyon naman ang una niyang plano 'diba? Ang ipaghigante si Summer dito--- hindi namalayan ni Roxanne ang biglang pagbagsakan ng luha sa mga mata niya. Aminin niya man o hindi... Hindi niya na maitatanggi ang lugar ni Trevor sa puso

