C H A P T E R F I F T Y O N E A N G P A N L I L I G A W SINUNDAN ng tingin ni Trevor si Roxanne, hangga't sa mawala ito sa paningin niya. Naiisip niya na agad ang mga posibleng bagay na ibibigay niya sa dalaga. Balak nya itong dalhin sa Tagaytay, Boracay at kung saan mang lugar na gusto nito. Nasasabik na ang puso niya, para sa dalaga. Alam niyang deserve ni Roxanne ang lahat ng bagay na maaari nyang ipagkaloob dito at mas magiging masaya siya kung sakaling maging masaya ito. Gusto nya nga pagkatapos ng gabing 'to, dalhin niya na agad ang dalaga sa paborito niyang isla sa bansa sa Siargao. Basta pa lamang siya madalas na siyang dinadala d'on ng mga magulang niya kasama si Scout at Hugo. Doon ang comfort zone niya, may sarili na rin silang bahay d' on maliit lang pero sapat na par

