C H A P T E R 4 7 -- NAGING maganda ang gabi para kay Roxanne at Trevor, wala naman nangyaring pagtatalo sa kanilang dalawa. Pauwi na sila ngayon, parehong desisyon na hindi na rin magtagal sa lugar na 'yon. Masyado ng madilim ang paligid, malalim na rin ang gabi, may pasok pa sila bukas. Bukas? E, hindi ba kinabukasan din ang desisyon niyang iwanan si Trevor? "How's the night?" tanong ni Trevor sa kaniya nang umibis na rin ito sa gawi niya, matapos siyang pagbuksan ng pinto ng sasakyan nito. Muli niya munang pinagmasdan ang paligid bago sinagot si Trevor. "First time ko 'to. Kaya nag-enjoy ako, " walang pasubaling sagot ni Roxanne sa binata. Ngumiti lang ito sa kaniya't binuhay ang makina ng sasakyan nito. Roxanne secretly wish na sana nag-enjoy din si Trevor sa gabing magka

