CHAPTER 48

1394 Words

C H A P T E R 4 8 --- "NAG-TEXT ako sa'yo hindi ka man lang nag-reply sa akin," salubong na tanong ni Trevor kay Roxanne pagpasok niya sa loob ng opisina. Inaasahan niya naman na talaga ang reaksyon nito sa pag dedma niya sa mensahe ng lalaki. "Wala akong load," walang emosyong sagot niya dito. Agad siyang tumalima sa sarili niyang table, binuksan ang laptop na ginagamit niya. Magsisimula na sana siyang mag trabaho nang mapansin niya ang pagtayo ni Trevor, sa gilid ng mga mata niya, kitang-kita niyang papalapit ito sa gawi niya. "That's not the true reason right?" tanong nito sa kaniya. "That's is.." "Then. I-lo-load kita ng isang taon." Napataas ng tingin si Roxanne dito, dahil sa sinabi nito sa kaniya. "Hindi mo kailangang gawin, Trevor," pag-alma niya sa sinabi nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD