CHAPTER 4
---
NAKANGITING natapos ni Roxanne ang trabahong binigay sa kaniya ni Charie. Tungkol ito sa mga minor problems ng hotels, na kalimitang reklamo ng mga nagche-check-in ayon sa kaibigan. Hindi sinasadyang pinasadahan niya ng tingin ang amo sa loob ng cubicle nito. Nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa monitor ng computer na kong ano man ang tinitingnan nito wala siyang alam.
"Napaka-dedicated niya naman," bulong niya sa sarili. Napasinghap siya ng ibalik ang tingin sa mga binigay ni Chari na kailangan niyang pag-aralan. Muli niyang pinasadahan ng basa ang mga ito. Kung tutuusin maliit lang ang mga reklamo ng mga tao tulad ng old matresses, poor linen, noisy lobby maging ang mahinang tubig sa shower room. Napangiti siya sa naisip. Alam niyang kayang-kaya ito ng magkakapatid, sa sandaling panahon pagkakilala niya sa mga ito. Malakas ang loob niyang masosolusyunan ng mga ito ang problema.
"Pizza time," Nagtaas siya ng tingin sa boses ni Scout sa harapan niya may dala-dala itong isang malaking box ng pizza hut katabi si Chari na bagong dating lang mula sa bangko sa utos ni Hugo.
"Welcome to the company, Roxanne," nakangiting saad sa kan'ya ni Scout. Sabay lapag sa pizza sa ibabaw ng table nilang apat kong saan sila sabay-sabay na nagtrabaho kanina maliban kay Trevor.
"Let's eat!" narinig niyang anyaya ni Hugo.
Pinaikot ang gulong ng wheelchair nito palapit sa kan'ya. Kakaiba rin si Hugo kahit na may kapansanan ito malakas pa rin itong magtrabaho. Natutuwa talaga siya sa magkakapatid, pwera lang sa isang lalaking nandoon sa isang pribadong silid--- si Trevor Santillan.
Napalunok siya.
"Welcome to our company, Ms. Martinez," pormal na ssabi sa kan'ya ni Scout sabay lahad ng palad nito sa harap niya. Na dagli niyang inabot na may nakaukit na ngiti sa labi niya. Masaya siya kung nasaan man siya ngayon, ang makahanap agad ng trabaho ay hindi biro. Pakiramdam ni Trina ito na ang pagkakataon na matulungan niya ang kinilala niyang pamilya. Swerte siya, hindi lang dahil sa pagkakataong nagkaroon siya kundi dahil sa magkakapatid na alam niyang mabubuting tao.
"Salamat. Sir Hugo and Sir Scout," magalang niyang tugon dito. Pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlong nasa harap niya kabilang na si Charie na kanina pa nakangiti sa kaniya. Magaan ang loob niya rito.
"Sana magtagal ka," aniya ni Scout na natatawa kasabay ni Charie maliban kay Hugo.
"H'wag mo papansinin si Trevor. I can handle him," wika ni Hugo sa kan'ya. Muling pinagulong ang wheelchair nito malapit sa gawi ni Charie na abala sa paglagay ng pagkain sa plato nito. Napangiti siya sa sarili kung ganito ang mga taong makakasama niya araw-araw na may matinding support system walang dahilan para 'di siya magtagal sa trabaho na pinagdadasal niya. Sa muling pagkakataon pinasadahan niya ng tingin ang sariling opisina ni Trevor.
Lihim na hiniling sa sariling sana ito ang maging mabait sa lahat dahil kung hindi magiging alanganin talaga ang buhay niya sa Manila--- baka hindi niya magawang makapag-ipon ng malakinh halaga para sa mag-Nanay na nag-alaga sa kaniya lalong-lalo na kay Summer.
Napasinghap si Roxanne.
"Babait ka rin, nagtitiwala ako." Wala sa sariling nakangiti siyang sinasabi iyon habang nakatingin siya sa gawi nito. Hindi sinasadyang magtama ang mga mata nilang dalawa--- na agad niyang iniwas. Pagkakita niya ng matalim nitong titig sa gawi niya.
"Nakita ko 'yon," bulong ni Charie sa kan'ya ng abutan siya nito ng dalawang slice ng pizza sa harap niya. Bahagya siya nakaramdam ng pamumula sa ibig-sabihin ng kaibigan niya.
-----
NANINIGKIT ang mga mata ni Trevor nanh sulyapan ang gawi ng bagong sekretary niya na tinanggap ng magaling niyang kapatid na si Hugo. Kilala niya ang mga ito wala siyang laban pag ito na ang kapwa nagdesisyon. Lalong-lalo na pagdating sa negosyo nilang tatlo. Muli niyang sinulyapan ang gawi ng dalagang nakilala niyang Roxanne, base sa resume nito na binigay sa kanina sa kan'ya ni Charie para alamin ang ilang detalye ng bago niyang sekretaya.
Roxanne Martinez, 25 yrs.old. Graduated at La Consolacion College sa Baguio--- computer science na alam niyang fit naman sa trabaho nito. Ilang bagay na nalaman niya tungkol sa dalaga. Mula pala ito sa Baguio at bagong salta lang sa Manila na napag alaman niya sa madaldal na assistant ni Hugo. Si Charie ang pansamantalang nagiging sekretarya niya pag nababakante ang pwesto. Muli niyang sinulyapan si Roxanne na 'di sinasadyang muli niyang mahuling nakatingin ito sa kan'ya.
"Werdo!" bulong niya sa sarili para rito. Napailing-iling siya matapos ituon muli ang tingin sa mga ginagawa.
"Sir--- pizza ho." Ilang sandali narinig niyang boses babae. Hindi siya nag-atubiling magtaas ng tingin ng marinig niya ang yabag na papalapit sa harap niya. Kahit hindi niya ito tingnan alam niyang si Roxanne ito na bukod kay Charie anging dalawa lang sila ang babae sa opisina.
"Kumain ho muna kayo,"muling untag nito sa kan'ya. Sinulyapan niya ang platitong pinaglagyan nito. Pinigilan niya ang sariling magtaas ng tingin. Pang-ilan na ba si Roxanne ngayong taon? Halos hindi niya na rin maalala.
"Maiwan ko muna kayo, Sir. Marami pa po akong gagawin. Kung may kailangan kayo sabihin niyo na lang ho agad," magalang nitong paalam. Hindi niya man lang pinagkaabalahang pasalamatan at tingnan ito. Narinig niya ang papalayong yabag ni Roxanne,maging ang maingat na pagsara ng pinto nito sa opisina niya.
Napangiti siya. He can be tough as he wants, as much he needs it lalong-lalo sa bagong salta sa buhay niya sa buhay nilang magkakapatid matapos kay Bianca. Muli niyang sinulyapan ang gawi nito na abala na sa pag kain kasama ang mga kapatid nito--- alam niya sa nakikita niya sa mukha nito mukha naman itong masaya sa unang araw nito sa opisina. Hindi niya alam kung kailan ito magsisimula sa naturan nitong trabaho sa kaniya--- usually checking lang naman at encode ng mga gamit sa hotel na kinakailangan ang madalas na trabaho sa kaniya ng sekretarya niya. Para sa kaniya kayang-kaya nito ang trabaho. Ang hindi niya lang alam ngayon kung siya ang makaya nito sa nakikita niya naman mukha naman itong matapang.
Tinuon niyang muli ang pansin sa ginagawa. Dinampot ang kutsara nagsimulang kinain ang meryendang dinala nito sa kan'ya.
-----
"KAYA PA BA?" tanong ni Charie kay Roxanne. Umupo ito sa tabi niya sa harap ng laptop na agad binigay sa kaniya ni Charie para raw gamitin niya. May mga itinuro na ito sa kaniya tungkol sa magiging trabaho niya. Para sa kaniya madali lang naman ito. Mahihirapan lang talaga siya siguro sa pakikisama sa magiging totoo niyang amo. Pangalan pa lang kasi nito mukhang mainitin na ang ulo nito. Hindi niya nga alam kung magkakaroon ng sandaling makasusundo nila ang isa't isa. Ito yata ang siyang magiging challenge niya.
Para sa nanay at kay Summer gagawin niya ang lahat.
"Naku, easy lang 'to sa akin. Nong nag-ojt nga ako sobra-sobra pa rito paperworks na hawak ko," sagot niya sa kaibigan.
Nagtaas siya ng tingin kay Scout. Inakbayan si Charie na nakangiti sa kan'ya. Unang tingin niya pa lang rito mukha na itong pilyo. Ito ang mas hamak na mas gwapo sa tatlong magkakapatid. Maganda rin ang tindig nito, mukha itong modelo. Sabi sa kaniya ni Charie wala naman ito madalas sa opisina dahil may sarili raw itong mundo. Mas on-hand daw si Trevor at Hugo sa kompanya, ang mga ito raw ang madalas na nagpapalakad sa negosyong iniwan ng mga magulang nito.
"Pauwi na kami. Nightclub baka gusto niyo sumama?"
Nagkatinginan sila ni Charie sa alok ni Scout sa kanilang dalawa. Napataas kilay siya sa imbistayon nito tila 'di maganda sa pandinig niya, naisip niya. Hindi siya pumunta sa Manila para sa night club o kahit na ano pa man ang natatandaan siya nandito siya sa siyudad para makapag-ipon ng dalawang daang libong piso. Para pa lamang ito sa lote na kailangan nilang bayaran sa Baryo na may malaking halaga sa nanang niya. Wala pa rito ang pagpapagamot kay Summer at sa sakit sa puso ng nanang niya.
Mariin siyang umiling-iling kay Scout. Ayaw niyang tanggihan ito na magmumukha naman siyang choosy dito. Malaki ang respeto niya sa mga ito--- iyon lang naman ang isa sa mga sekreto para sa matagal na pagsasama aniya sa isip ni Roxanne.
"Workmode," tipid niyang sagot dito. Kinangiti ito ni Hugo sa gawi niya.
"Yesh, workmode Ms. S. Mabuti pa umalis ka na at ihatid mo na si Sir Hugo kay Lucy," aniya ni Charie a natatawang binatang tinanggihan nila pareho sa imbitasyon nito.
Tumalima ang mga ito matapos kurutin sa pisngi si Charie. Na nagbigay tuwa sa puso niya dahil alam niyang mababait ang mga ito. Sa kabila ng yaman na mayroon sila at sa malaking kompaniya na pagmamay-ari ng mga ito.
"Sino si Lucy?" agad niyang tanong kay Charie nang tuluyang nawala ang magkapatid matapos magpaalam kay Trevor.
"Matiyagang nag-aalaga kay Sir Hugo," sagot nito sa kan'yang may pagkindat pa. Tila may laman, naisip niya. Napalingon siya sa opisina ni Trevor ng bumukas ang sliding door nito.
"DID YOU SEE HER? SURE KA BANG SI BIANCA ANG NAKITA MO? TEKA!TEKA! BAKIT NASA BAGUIO SIYA?" narinig niyang may 'di kalakasang sabi nito sa kausap sa telepono. Bianca? Baguio? Sigaw ng isip niyang nakatingin dito. Hindi sinasadyang muling nagtama ang tingin nilang dalawa sa ikalawang pagkakataon--- tingin na nagbigay sikdo sa puso niya na tila may libo-libong paro paro na nabuhay sa sikmura niya.
----