CHAPTER 5

1551 Words
  CHAPTER 5 ------- UNANG araw ni Roxanne sa lugar na iyon. Mabuti na lang may nahanap agad sila ni Charie na pwedi niyang tirhan pansamantala, bago lumipat sa magandang apartment na balak niya pag nakalipat na siya. Safe naman ang area kung nasaan siya ngayon iyon ang sigurado siya. Bago siya umuwi nagdaang gabi dumaan muna sila sa isang bakery malapit sa kanto kaya nakabili siya ng makakain niya ngayong umaga. Tinapay lang ito at nagtimpla na lang din siya ng mainit na gatas. Mabait ang kasera niya dahil pinahiram naman siya agad ng magagamit niya sa pagpapainit ng tubig. Napangiti si Roxanne, umaayon sa kaniya ang lahat ng sandali; nakahanap siya ng trabaho, mababait ang amo niya lalo na si Charie tapos swerte niya at may nahanap agad siyang matutuluyan. Muli na naman sumagi sa kaniya ang pamilya niyang naiwan sa Baguio. Maayos naman ang lagay ng mga ito alam niya. Mahigpit niya kasing binilin sa mga itong--- hindi atubiling tumawag sa kaniya pag may kailangan ang mga ito. Ilang kapitbahay din ang siyang binilinan niya sa pamilya niya. Pangako niya sa sariling pag nagkapanahon siya tatawagan niya agad ang mga ito. Hindi lang pwedi ngayon, sigaw ng isip niya dahil sa nagtitipid pa siya. Kailangan niya rin kasing ihanda ang sarili niya at hindi niya hawak ang desisyon ng arogante niyang amo. Baka mamaya may kung ano'ng demonyo ang sumanib dito at bigla na lamang siya mawalan ng trabaho. Iniiwasan niyang mangyari ito--- dahil kung oo man iyon sanang nakapag-ipon na siya. Napatunayan niyang totoo nga ang haka-haka ng mga taong kilala niyang nakikipagsapalaran sa malaking siyudad. Mahirap nga ang Manila--- lahat halos ng galaw mo pera. Hindi katulad sa Baguio tumambay lang siya sa kaibigan niyang si m*******e at magtinda ng strawberry may makakain na siya, ganoon din ang sumama kay Trina pag may raket ito kahit saan basta ba kaya niya. Matatag na tao si Roxanne, sigurado at tiwala siya sa sarili niyang makakaya niya ang lahat ng hamon sa buhay. Ang hindi niya kaya? Ay ang may mawala sa nanay niya o si Summer. Iyon ang bagay na sigurado niyang hindi niya alam ang gagawin kung may mangyayari sa mga ito. Kaya nga siya nandito sa siyudad para hanapin na rin ang lalaking nanakit sa damdamin ni Summer. Ipaghihiganti niya ito. Iyon ang pangako niya sa sarili bago siya umalis ng Baguio--- kahit sabihin nito sa kaniyang ayos lang ito noong umalis siya, tiwala siya sa sarili niyang hindi ito totoo. Aalamin niya ang lahat ng nangyari. Hindi basta-basta uuwi si Summer na pasan-pasan ang mundo kung walang nangyaring masama rito sa Manila. Pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula--- wala siyang pamantayan kung sino ang lalaking iyon na bigla na lamang dumating sa buhay ng kapatid niya at sasaktan ito. Nagpasya na siyang bumangon, matapos pakawalan ang isang mahabang buntong-hininga. Kailangan niya ng gumalaw para pumasok kung uunahin niya ang pagmumukmok walang manyayari sa kaniya. Masisira lang nang tuluyangl ang araw niya. Ang kailangan niya ngayon ay magsipag sa trabaho para sa taong kinakailangan ang tulong niya.    MAAGA palang nasa opisina na siya. Hindi niya na nagawang hintayin si Charie sa lobby dumiretso na siya sa taas. Naabutan niya si Hugo na nasa opisina na ito abala na sa paperworks nito na mukhang ilang buwan na rin sigurong nakabinbin sa sobrang dami ng financial reports na kailangan nitong i-encode sa computer. Sabi ni Charie sa kaniya kayang-kaya naman daw ito ni Hugo. Humihingi lang ito ng tulong dito pag hindi na kaya ang ginagawa o napapagod na ito sa kakaupo. Gusto niya ngang i-suggest na bakit hindi na lang sa bahay ito mag-trabaho. Bakit kailangan sa opisina pa ito pumasok. Ayaw niya naman manghimasok--- bukod sa hindi niya pa gaanong kilala ang mga ito, wala siyang karapatan. Bago pa lang siya at kailangan niyang ilugar ang sarili niya. Sigurado kikilalanin niya na lang ng mabuti ang mga ito at pagkatapos pwedi niya ng i-suggest ang mga bagay na iyon para na rin sa mabuting kapakanan ng mga ito. Ayaw niyang mahirapan si Hugo kung pagmamasdan kasi ito alam niyang mahirap ang sitwasyon nito. Walang may masama sa kalagayan ng binata niyang amo, pero ang makulong sa silyang-de-gulong mahirap iyon. "Coffee, Sir?" nahihiya niyang alok dito. Nagtaas ito ng tingin sa kan'ya ngumiti lang bilang tugon. Agad ring binalik ang tingin sa ginagawa. Lihim niyang pinagmasdan ang mga binti nito na ayon kay Charie hindi na ito makakalakad pa dahil sa natamo nitong pinsala ng maaksidente. "Put it here, please." Tumalima siyang agad pinatong ang tinimplang kape para dito. Nakangiti siyang tumayo sa tabi nito, naghihintay kung may iuutos pa ba ito sa kaniya. "You look so good now, Roxanne," maya-maya saad nito sa kan'ya nang pasadahan siya nito ng tingin. Bahagyang napangiti si Roxanns wala sa sariling sinipat ang sarili sa suot niyang pastel skirt na fitted shirt with blazer gray na nagbigay ng kurba sa katawan niya. "Salamat," akward niyang tugon dito. Ngumiti ito sa kaniya at agad ding binalik ang tingin sa ginagawa. Tumalima siya sa sarili niyang cubicle na inayos nila ni Charie nagdaang araw. Manaka-nakang sinisulyapan ang pinto kung bakit wala pa rin si Scout at Charie lalo na si Trevor.   PASADO alas otso na ng umaga nang dumating ang mga ito. Nagtataka siya kung bakit sabay-sabay na dumating ang tatlo. 'May usapan yata,' naisip niya. Nakangiting binati siya ni Scout at Charie gumanti siya ng ngiti sa mga ito. Sabay na binati rin ng pabalik ang mga ito, maliban kay Trevor, na wala man lang emosyong tumingin sa kan'ya. 'Suplado!' sigaw ng isip niyang sinundan ito ng tingin hanggang sa executive office nito ayon kay Charie. She rolled her eyes. Napakacold pa rin talaga sa kan'ya ng lalaki. Wala naman siyang natatandaang may ginawa siyang masama rito. "How are you?" maya-maya tanong sa kan'ya ni Scout na nanatili ang ngiti sa labi nito. Ngumiti siya ng maluwag dito. "Doing good, Sir. Easy lang," tugon niya ditong nagbigay ngiti sa labi ni Hugo at Charie. As usual magkatabi na naman sa table ng boss nila. "Good to hear that, Roxanne. Since 'di ka kinakamusta ng amo mo talaga. Ako na muna--- galit pa sa mundo e!" natatawang saad nito sa kan'ya. Nabaling ang tingin niya sa tinutukoy nito. May kausap na naman ito sa cellphone nito. "Kausap na naman niya si Detective Fernan." Napataas siya ng tingin kay Scout. Sinundan pala nito ang tingin niya. Bahagya siyang napalunok nakaramdam ng hiya na baka isipin nitong pinagmamasdan niya ng lihim ang kapatid or worst baka isipon nitong may pagnanasa siya sa suplado niyang amo. 'Erase! Delete!Roxanne!" sigaw ng isip niya. -------    "MAKE SURE NA SI BIANCA ANG NAKITA MO! HINDI SIYA PWEDI MAWALA ULIT! KAILANGAN KO SIYA, MAY NANGANGAILANGAN SA KAN'YA!" mataman niyang bilin kay Fernan ang pinagkakatiwalaan niyang detective na naatasan niyang maghanap kay Bianca. Na ayon dito nakita nito sa baguio. Nagpaalam na ito---hindi sinasadyang napatingin siya sa gawi ni Roxanne. Nakangiti itong nakikipag-usap kay Scout. Tumalima siya para tawagin ito kilala niya si Scout, sa pagiging babaero nito. Wala itong sinasantong tao basta nakapalda papatulan ng magaling niyang kapatid. "Martinez.... Dalhan mo ako ng kape!" angil niya sa sekretarya. Muling pumasok sa opisina niya.      NAGULAT siya sa pasigaw na utos sa kan'ya ni Trevor. Taas-kilay siyang tumalima para ipagtimpla ito ng kapeng nais nito. 'arogante' sigaw ng isip niya. Humigit siya ng malalim na hininga bago pinihit ang doorknob ng pinto nito sa opisina nito. "Coffee, Sir. At your service." Nakangiti niyang lapag sa table nito na na hindi man lang nag-abalang magtaas ng tingin sa kan'ya. Muli siyang napataas ng kilay sa asal nito. 'kahit kailan talaga!' asik niya bago tumalima pagkatapos ng ilang minutong hinintay niyang may sasabihin ito.   SINUNDAN ng tingin ni Trevor si Roxanne. Alam niyang labis na itong nagtataka sa kilos at inaasal niya rito. But he don't have time to be soft for someone lalo na sa sekretarya niyang tulad rin ni Bianca noon. Damn you, Bianca! Where are you?!" galit niyang bulong sa sarili para sa babaeng iniwanan siya ilang buwan na ang nakaraan. Sa hindi niya malamang dahilan kung bakit ito nawala na parang bula 'di man lang nagpaalam sa kan'ya maging kay Chacha. Kung saan na sa maayos na ang lahat maging ang pagtanggap ng pamilya niya sa simpleng pamumuhay nito. 'I will find you. At pag nangyare 'yon. Hinding hindi na kita hahayaang mawala ulit!' dagdag pa niyang nakatuon ang paningin sa gawi ni  Roxanne na nakatingin sa gawi niya. Wala sa sariling napangiti siya nang may naalalang ngiti sa mga labi nito. Agad siyang nagbawi ng tingin nang maalalang si Roxanne ito at 'di si Bianca na naalala niyang bigla.    LIHIM na napangiti si Roxanne sa ngiting ginanti sa kan'ya ni Trevor na agad ring binawi ilang sandali. 'Hays! Mabuti nalang pogi ka! Bagay mag-suplado--- hindi lugi!" aniya sa sarili. Muli niya itong sinulyapan na inabala ang sarili nito sa mga ginagawa. Manaka-nakang pagtawag kung sino man ang kausap nito. At sa muling pagkakataon muli niya itong nahuling tumingin sa gawi niya. Ang tinging tila lulunukin siya ng buhay ibang-iba sa ngiting pinagkaloob nito sa kan'ya kani-kanina lang. 'Nag-transform na naman ang demonyo!' angil niya para sa binata. Tila anghel ang ngiti, demonyo naman makatingin, aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD