VI FIRST TOUCH ARAW ng linggo magkasabay sila ni Chari pumunta sa bahay ng mga Santillan. Pagkat sila ay naanyayahan sa isang tanghalian kasama ang magkakapatid na Hugo, Scout at si trevor. Na ayon sa mga ito extension ng welcome party para sa kan'ya. Labis siyang nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa kan'ya ng magkakapatid sa kumpanya ng mga ito. "Ang ganda mo, Roxanne." puri sa kaniya ni Charie na tinuring niyang ng kaibigan maliban kay Dennis na kababata niya sa Baguio. "Salamat naman. Ikaw rin, Charie--- napakaganda at napakaseksi mo rin, " ganting totoong puri niya rito. Ilang sandali nakarating sila sa malaking bahay ng mga Santillan sa Forbes Makati. Nahirapan pa silang hanapin ito sakay ng grab na inarkila ni Chari para sa kanilang dalawa. Tumambad sa harap nil

