VII LOVE AT FIRST FIGHT. TULALANG naiwan si Trevor sa sarili niyang silid. Nang magmadaling lumabas si Roxanne matapos ng ginawa niya. Kuyom ang mga kamaong sinuntok niya ang dingding ng silid niya, hindi lubos maisip kung bakit 'yon nagawa sa dalaga. Nagbaba siya ng tingin sa kamao niyang nasaktan namula ito sa lakas ng impact ng ginawa niyang pagsuntok. Nagpasya siyang pumasok ng banyo niligo ang init na naramdaman nang 'di inaasahan sa bago niyang sekretarya. "UMUWI na tayo, Chari!" bungad ni Roxanne sa kaibigan nang makita ang mga ito sa veranda sa malaking bahay ng mga Santillan. Napatingin sa kan'ya ang lahat may mga pagtataka sa mga mata lalo na ang magkapatid na Hugo at Scout. "Ano'ng nangyari?" nagtatakang tanong ni Lucy. Tumayo ito para harapin siyang may pagtatano

