CHAPTER 8 ---- ALAM ni Trevor na nainis sa kaniya si Roxanne. Sino nga ba naman kasi ang matutuwa sa mga sinabi niya tungkol dito? Alam niya naman sa sariling nababastos niya na ito. Pero hindi niya man lang alam kung bakit siya natutuwa inisin ito. Malayong-malayo talaga ito sa lahat na nagiging sekretarya niya, lalong-lalo na si Bianca. Iyon hindi man lang nagawa n'on mapikon sa kaniya. Natutuwa pa nga ito pag madalas niya itong pinapansin. Unlike Roxanne, iba talaga ito kay Bianca at sa lahat ng dumaan sa kaniya. Pikonin si Roxanne, iyon ang ugaling agad niyang napansin dito unang engkwentro pa lamang nila. "Maswerte ang lalaking magiging bahagi ng buhay mo, Roxanne. Sa sandaling nakikilala kita, alam kong pang-simbahan ka, Roxanne. Hindi pang kama lang," lihim niyang dugtong

